Chapter 38

416 12 1
                                    


[Rain]

Napahinga ako ng malalim.
Tama bang bumalik pa ako dito?
Heto't kababalik ko lang pero kasabay yata ng pagbabalik ko ang pagbalik din ng sakit.
I saw Jacob and Ate Snow palabas ng Studio 10.
Dito yata sinoshoot ang ginagawa nyang movie.
Nakaakbay si Jacob habang nakahawak naman si Ate sa bewang nito.
They look happy together.
"A picture of a perfect couple" kahit sino mang tumingin.
Ang laki ng ipinagbago ni Ate at ni Jacob. Kung dati para silang ice prince at ice princess ngayon ang lalapad ng mga ngiti sa labi nila.
Maybe i made the right decision sa pag alis ko.
I can see Jacob's happiness na sya ko ring nakikita kay Ate.
"I think i should live a life away from them." naisaisip ko lamang and started to walk towards the parking lot kung saan din sila patungo.
Akmang papasok na ako sa kotse ko and act as if i never saw them.
"Rain" sabay nilang tawag at lumapit sa akin.
Agad naman akong niyakap ni Ate Snow.
"I missed you Rain." halos teary eyed na sabi ni Ate. Ako naman ay pinilit itago ang kahit na anumang emotion na nararamdaman ko.
"As same as i am Ate. Marami akong pasalubong sayo sa bahay."
I tried to smile and act as if si Ate lamang ang nasa harapan ko at wala si Jacob.
"How are you Rain?" nilingon ko si Jacob and i saw sadness and longing in his eyes pero dinisregard ko lamang yun. Its as if gusto nya akong yakapin pero hindi nya magawa.
Maybe its just right. Tama lang na wag syang lumapit at baka magselos pa si Ate.
Alam ko namang masaya na sya sa piling ni Ate Snow.
"Oh hi Jacob. Im doing fine. Im happy." i faked a smile at sana naman hindi nya mahalata ito.
"Tara Rain sumama ka muna sa amin. Nagyayayang kumain sa labas si Jacob eh."
"Naku Ate Snow hindi pwede eh. Nakapangako na kasi ako ng date kay Ezekiel. You remember him right?" Pagsisinungaling ko at binalingan ko si Jacob.
Napalis ang mga ngiti nito sa labi at nagkuyom ito ng kamao.
'Eh ano naman sa kanya kung makikipagdate ako kay Zeke diba? Ano sila lang ang pwedeng maging masaya ni Ate Snow?'
"I see. Next time then Rain. Magkita nalang tayo mamaya sa bahay." Ate kissed my cheek.
Tumango lang ako at pumasok na sa kotse without looking again at Jacob.
Naging effective naman yata ang pag alis ko. My Ate Snow had been so happy. Lagi na syang nakangiti unlike dati. Parang ang saya saya nya sa piling ni Jacob.
Worth it naman yata ang sacrifices ko.
Nagkibit balikat na lamang ako at pinaharurot na ang kotse.
Pero i saw Jacob's angry gaze sa side mirror ng kotse ko.
Masaya na sya diba dapat hindi na nya pakialaman pa ang buhay ko.

[Jacob]
"Naging habit na yata yan ah." inagaw ni Snow ang hawak kong beer at sya ang uminom nito.
"She's back Snow. But she's as cold as this beer." binawi ko kay Snow ang bote at tinungga ito.
Imbis na kumain kami sa labas ay sa bar ang diritso namin matapos makasulubong si Rain sa parking lot ng network.
Nag init kasi ang ulo ko dahil sa Ezekiel who ever that brute is.
"Naninibago lang si Rain Jacob. Ang tagal nyang nawala eh."
"Tss. Naninibago? Ang tagal nya ngang nawala pero heto't date ang inaatupag nya pagbalik nya."
Naibagsak ko sa lamesa ang hawak kong bote.
"Hey. Chill. Gusto mo bang sapukin kita ng matauhan ka Jacob?"
Tinitigan ko sya ng masama. Pero tumawa lang ito.
"Seloso." sabi nito at uminom din.
"Bakit hindi? Eh mahal ko yung tao Snow. Mula noon hanggang ngayon mahal ko si Rain. Dapat akin lang si Rain snow."
"Tss. Lasing ka na Jacob. Tama na yan. Lets look on a more positive and brighter side of the story."
"Hell. May ikakapositive pa ba ito Snow? Bumalik nga sya pero kayo lang ang binalikan nya at hindi ako."
Binatukan ako nito.
"Gago. Akala ko ba matalino ka Jacob? Ang sinasabi ko bumalik na si Rain kaya magagawa mo na ulit syang suyuin. Hindi na tayo maghahanap pa ng karayom sa isang bundok ng dayami. Abot kamay mo lang sya Jacob. And she's going out on a date with Zeke right? It means she's still single and available."
Napatigil ako sa pag iinom at binalingan si Snow.
"What?" she asked habang kumakain ng pulutan.
"Ang talino mo talaga Snow."
"Ikaw lang eh. Wala kang bilib sa akin. Eh ano pa ang hinihintay mo? Ksa nakatanga ka rito bakit hindi mo sundan si Rain? Why dont you make a move para mabawi sya? Wag kang tanga Jacob. Maaagaw ni Ezekiel si Rain ng dahil sa pagpapabaya mo."
Ginulo gulo ko ang buhok nya.
"Thanks bestfriend. Your the best."
Kailangan kong mabakuran si Rain mula sa Zeke na yun. Bumalik si Rain kaya gagawin ko ang lahat para bumalik din sya sa buhay ko.
Hindi ko hahayaang matalo ng Ezekiel na yun ng wala manlang akong ginagawa.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now