Chapter 41

456 14 0
                                    


[Rain]

"Bwisit na lalaki ka Jacob!" sigaw ko sa daan habang pauwi sa bahay.
Its 3 in the morning pero heto't nasa kalsada pa ako at nagmumura.
Naisahan ako ng animal.
"Nakakahiya. Nagmukha akong desperada. Argh! Bwisit!"
Dahan dahan akong pumasok sa bahay ng magulat ako pagkakita kay Ate Snow na nagkakape sa may sala.
"Rain? Where have you been? Alas 3 na ah." she looked at her wrist watch.
"Hmmm. Nagpahangin lang po sa labas. Namamahay ako ate." Pagdadahilan ko pa.
"Namamahay o pinuntahan mo si Jacob dyan sa kabila?"
I can sense jealousy on her tone.
"No. No. No. Hindi Ate. Talagang naglakad lakad lang ako dyan sa labas."
Depensa ko na lamang. Mahirap na at baka kung ano pa ang isipin nya sakaling umamin ako na nagpunta nga ako sa bahay nina Jacob.
Maya maya pa ay bumuntong hininga ito.
"Why do you have to hide your feelings Rain? Alam kong mahal mo pa rin si Jacob."
Umupo ako sa tabi nya and held her hand.
"Ipinaubaya ko na sya sayo diba? Kaya pinatay ko na ang ano mang nararamdaman ko para kay Jacob para sayo ate."
Tiningnan lamang ako nito as if hindi naniniwala.
"Sya nga ba Rain?" pinilit kong ngumiti at tumango.
"Liar!" napailing ito at humigop ng kape nya.
"Hmmm. I need to sleep na Ate. Pagod ako sa byahe eh."
Tinalikuran ko nalang si Ate Snow ksa maipagkanulo ko pa ang damdamin ko sa kanya.
"Prove to me na hindi ka nagseselos Rain. Sumama ka sa amin ni Jacob sa bakasyon."
Natigilan ako sa paglalakad.
Kakayanin ko bang makita silang masaya?
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Okay Ate. Sasama ako."
"Good. Magboboracay tayo this weekend."
---------------------------------
Wala na akong nagawa kundi ang sumama kina Ate Snow at Jacob sa boracay.
Panaka nakang nahuhuli ko si Jacob na nakatitig sa akin habang naglalakbay sa karagatan ang sinasakyan naming bangka.
Nakasandal si Ate Snow kay Jacob habang itong gagong Jacob naman ay hinahaplos haplos ang buhok ni Ate Snow.
Ibinaling ko sa karagatan ang paningin ko.
Kung kasing payapa lang sana ng asul na dagat ang buhay ko.
Kung kasing linis lang sana ng tubig ang konsyensya ko sa mga oras na ito. Days had past matapos ang pakikipagtalik ko kay Jacob pero heto't hindi ko maiwasang maramdaman pa rin ang pagkakonsyensya sa kamaliang nagawa ko. Nahihiya ako kay Ate Snow.
Kung kasing dali lang sanang anurin ang nararamdaman kong pagmamahal kay Jacob gaya ng mga basura sa dagat. Hindi na sana ako magseselos ng ganito sa nakikita ko ang sweetness nila ngayon.
Kung pareho ng mga isda lang sana sa dagat ang kasimplehan ng buhay ko.
Sana hindi nalang naging ganito kakomplekado ang lahat.
"Rain. Take us some picture please." napabalik ako sa kasalukuyan when ate handed me a camera.
"Sure." i tried to hide my disappointment.
Sana kami nalang din ni Jacob ang magkaakbay ngayon.
I take some shots.
Natitigilan ako sa tuwing ikiclick ko ang camera.
Nakangiti sina Ate Snow at Jacob sa camera pero its as if tumatagos ang mga titig ni Jacob sa akin.
"Okay na po ba ate?" ibinalik ko sa kanya ang camera at tahimik na pinanood ang papalapit na isla.
---------------------------------
"Sh*t! Sh*t Sh*t!" halos ibalibag ko ang mga gamit na dala ko pagkapasok na pagkapasok ko sa hotel room ko.
Paano ba naman kasi tatlo kami pero dalawang kwarto lang ang pinareserve ni Jacob.
"May pa honeymoon honeymoon suite pa hindi naman mag asawa."
Shit lang hindi ako nainform na dapat pala nagdala din ako ng sarili kong partner para may kasama ako sa kwarto ko.
Padapang nahiga ako sa kama.
Hindi ko maiwasang magselos lalo na sa mga oras na ito ay masaya ng naghaharutan ang ate Snow at ang gagong Jacob na yun sa kabilang kwarto samantalang andito ako at selos na selos na sa kabila.
"Argh! I hate you Jacob! I hate you!" Pinagbabato ko ang mga unan.

Nagpupuyos sa panibugho at selos ang puso ko.
Magkaharap kaming kumakain pero heto't gusto kong tusukin ng tinidor ang kapatid ko ganun din ang gagong Jacob na to.
Pinapangalandakan pa talaga sa akin ang sweetness nila.
Ang sarap magwala. Nakakainis. Nakakaiyak na hindi ko maintindihan.
Nagseselos ako pero hindi naman dapat. Kasi wala akong karapatan.
Sila ang magnobyo kaya't hindi dapat ako naninibugho manlang.
"Are you okay Twin? Bakit di ka kumakain?" tanong ni Ate. Nahalata nya yatang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.
"Yeah. Medyo busog pa kasi ako Ate." Uminom na lamang ako ng tubig at akmang tatayo.
"Oh tapos ka na agad? Dito ka na muna. Magkwento ka naman about what had happened nung umalis ka."
Napabuntong hininga ako.
Ano pa ba ang pwede kong maikwento bukod sa pagpapagamot ko at pagtitiis ng pag iisa,kahungkagan at kalungkutan sa US?
"Ayos naman. Naging successful yung operation na ginawa nila sa akin. Nanatili ako sa hospital for about 6 months hanggang sa tuluyang maconfirm ng doctor ko na naging maayos ang trasplant sa akin. Then i live like any other OFW in the US. Nagtry akong pumasok sa modelling world doon and okay naman. Naging successful kahit papaano."
Pero ang totoo i stayed for almost a year and a half sa hospital. Naging mabagal ang recovery ko dahil sa hindi mga inaasahang pangyayari.
I dont know about my situation hanggang sa icheck up ng mga doctor ang kalagayan ko para maischedule ako ng heart transplant. Nadelay ng mahigit 9 months ang operation ko.
Hmmm. But that was in the past.
"Hey Rain." ate snapped her fingers in front of my face.
"Ah yes ate? Im sorry. Nadistract lang ako. Naisip ko ang naging buhay ko sa US."
"I see. Kaya naman pala natahimik ka na dyan. I was telling you about my escapades with Jacob. Nagboracay din kami last year. We've been to Palawan and bohol too. Pati Puerto Gallera. Ang saya diba babe?"
Nakangiti namang tumango si Jacob at hinalikan ang tungki ng ilong ni Snow.
"Masaya kasi kasama kita. Kahit saan babe basta nandun ka lang masaya na ako."
Nag iwas nalang ako ng tingin. Hindi talaga ako masanay sanay sa ipinapangalandakan nilang kasweetan sa akin.
Hindi ko talaga nakakayang makita silang ganito ka sweet.
"Excuse me. Punta lang ako sa bar."
Pero parang hindi naman nila ako narinig at patuloy lang sila sa pagsusubuan.
Kailangan kong lumayo sa kanila bago pa nila makita ang pagpatak ng mga luha ko.
"Ginusto ko to so i have to bear with it."
---------------------------------
Hindi naman ako nagbabalak magpakalasing pero heto't nakailang shot na ako ng Tequilla. Parang ang sarap lang magpakalunod sa inumin. Naiinis talaga ako ng sobra.
Nananadya yata sila.
"Nasasaktan na nga yung tao dinadagdagan pa eh. Hindi makapaghintay na mapagsolo bago maging sweet."
Naibagsak ko yung baso.Kainis talaga.
"Can i join you miss?"
Nilapitan ako ng isang foreigner.
Tinitigan ko sya. May itsura naman. Gwapo nga sya eh.
Pero wala manlang kaappeal apeal para sa akin.
"Sorry. Im waiting for someone. Please leave before my boyfriend see you." pagtataboy ko pa rito.
Matagal ako nitong tinitigan bago umalis.
"Hot chick. Lucky bastard." pailing iling pa itong tumalikod at naglakad palayo.
Uminom pa ako hanggang sa makaramdam na ng hilo.
Maya maya pa ay napansin ko ang bulto ng isang pamilyar na tao.
"Son of a bitch!" hindi ko mapigilang mag init ang ulo sa nakita.
Si Jacob. On the dance floor with a bunch of women.
"Nasaan ba si Ate Snow?" inikot ko ang paningin sa buong paligid pero wala akong nakitang Snow.
"Langyang lalaki. Tumalikod lang si Ate nagharot na sa iba. I have to teach him a lesson. Kabwisit na lalaki. Di marunong makontento."
Pasuray suray na lumapit ako sa kinaroroonan ni Jacob.
He's laughing at the girls joke.
Nakapulupot pa ang braso ng isa sa leeg nya, yung isa naman ay nasa likuran at binibundol bundol ang dibdib sa likod ni Jacob and the others were dancing paikot sa kanya.
"Hey babe. Di ka na bumalik sa table natin ah." i pushed the girl in front of him at ako ang pumalit sa pwesto nya.
Nahihilo na ako but then i have to save this maniac from doing something horrible na makakasakit kay Ate Snow.
"Hmmm. Im just having fun." sagot pa ng gago.
"Oh really? I'll be giving you the fun that you wanted Jacob. Akin lang ang lalaking to, you heard me ladies? Get off!" singhal ko sa mga ito and tried my very best to get Jacob away from them. Pero hindi manlang sila lumayo.
"Hinahamon nyo talaga ako ha?" i punched that persistent girl on the face.
She's lying on the other girls arms unconscious after i punched her.
"Ayyy." sigawan ng mga babae. At nagsilayuan ang mga ito.
"See what I can do ladies. May malakas pa ba ang loob dyan?" sigaw ko.
Agad namang nagsilayuan ang iba.
Napasandal na lamang ako kay Jacob matapos kong makaramdam ng sobrang pagkahilo.
"Tsk. Matapang sana kaya lang lasing na eh." bulong nito sa tenga ko.
"Lasing man ako kayang kaya kong patumbahin ang sino mang magtatangkang lumapit sayo Jacob." i get a hold of his shirt at isinubsob ang nahihilo kong ulo sa chest nya.
I heard him laugh.
"Kaya pala ha? Eh bakit parang matutumba ka na dyan sa kalasingan?"
Naramdaman kong hinawakan ako nito sa bewang at inilapit sa katawan nya.
"Hmmm. You want me to prove to you na kaya ko pa?"
Bumulong naman ito sa tenga ko.
"Sure. Lets go to your room babe. Doon mo patunayang kaya mo pa."

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryOnde histórias criam vida. Descubra agora