Chapter 21

520 18 0
                                    


[Hera/Rain]

Pagapang na pumasok ako sa kwarto ni Marky.
Palinga linga habang sinisiguradong walang Marky na magpapakita sa akin hangang sa makuha ko ang aking pakay.
"Lord abide in me please. Lord wag mong hayaang mapahamak kami ni Jacob."
Nakahinga ako ng maluwag ng mailock ko na ang pintuan.
"Wew. Just a little enough time Lord."
Agad kong tinungo ang aking pakay.... ang mga maleta kung saan nakatago ang bilyon pisong halaga ng droga at ang proteksyon namin ni Jacob.... Ang mga baril at bala.
"Demonyo ka talaga Marky. Ahas."
Inilagay ko sa malaking backpack ang mga droga at sa pinuno lahat ng sulok ng isa pang backpack ng mga baril, bala at mga pampasabog.
"Lord help us. Send someone to rescue us please."
Wala na kaming iba pang makapitan kundi ang Panginoon at ang aming mga sarili.
Jacob and I are alone in this together. Kaming dalawa lang ang pwedeng magtulungan.
Sabi nga nila na "kahit sa malinis na parang ay may ahas pa rin".
No one to trust other than ourselves.
Palabas na sana ako ng kwarto when the door sprang open.
Iniluwa nito si Marky.
"Fvck! Hera???" halos manlaki ang mata nitong nakatitig sa akin. Maya maya pa ay nagpalipat lipat ang tingin nito sa mga bag na dala dala ko.
"I guess you already knew." nakangisi itong bumunot ng baril at itinutok sa akin.

[Hera]
Napaatras ako.
"Marky wag. Put yout gun down. Di na dapat tayo umabot sa ganito." i signalled my hand for him to camn down. Itinaas ko ang mga kamay ko to assure him na hindi ako lalaban.
"Hah! At ngayon nagmamakaawa ka? Look at you Hera. Pinasok mo ang kwarto ko ng walang pahintulot! You were about to betray me!" sigaw nito sa nanlilisik na mata.
Ikinasa nito ang baril at hinawakan ang gatilyo habang nakatutok ito sa akin.
"Camn down Marky. You dont have to do this. Alam kong mabuti kang tao."
Lord help me. Wag mong hayaang dumanak ang dugo ko ng walang kalaban laban.
"Me? A good guy? Hahahahahahaha (evil laugh). I had never been a good guy my whole life Hera. I always had to do dirty stuffs just to eat 3 times a day!" sigaw nito habang nanlilisik ang matang nakatitig sa akin.
"Ma-May pinagsamahan naman tayo diba Marky? Kahit yun lang. Spare us. Spare me. Wag mo na kaming idamay ni Jacob." pagmamakaawa ko pa.
I should have known.
Sana noon ko pa nalaman na ganito kasama si Marky. Sana nalaman ko ito ng nasa Manila pa kami. Thats where i have resources and allies.
Im hoping that dad figures out the truth bago kami mapahamak.
"Ha! Ha! Ha! You are kidding me Hera! Alam mo ba kung bakit ko ginagawa ito?"
Tanong nito habang dahan dahang lumalapit sa kinatatayuan ko. Ako naman itong umaatras hanggat sa mapasandal sa pader na naroroon.
"Poor Hera. Walang makakatulong sa iyo. Sa inyo ng gagong De Guzman na yun!" Itinutok nito ang baril sa may sintido ko.
Napapikit na lamang ako habang naglalandas ang luha sa mga mata ko.
Kailangan ko na yatang tanggapin na katapusan ko na.
"Pero hahayaan kitang malaman ang katotohanan bago kita ibaon sa hukay." Nilaro laro nito ang baril sa kamay nya.
"Marky is not my real name Hera. Im Terrence Angelo Zamaniego Jr. Did you hear about my dad? He is an actor too."
Tumango naman ako. Sino ba ang hindi nakakaalam sa istorya ng isang sikat na model/actor na pinagtangkaang patayin ang may ari ng MGC. Ang pinakasikat at pinakamalaking kompanya sa bansa.
"Yes. Tatay ko sya. Nagpakatanga sya sa pag ibig Hera. Nagpakagago sya dahil sa isang Steffi Andrews. You know who Steffi Andrews is?"
Nanlilisik ang matang itinutol nitong muli ang kaninang pinaglalaruan nyang baril.
"Ye-yes. Asawa ng may ari ng MGC na si Alexander De Guzman. Ang dating sikat na modelo na may ari ng isang sikat na clothing line ngayon."
Tumango tango ito.
"Yes sya nga Hera. At alam mo ba kung bakit galit na galit ako sa Jacob na yan? Dahil sya ang kaisa isang anak nina Steffi at Alexander. Ang mga taong kinapopootan ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman.
Si Jacob. Si Jacob na childhood sweetheart ko ay isa palang De Guzman. I should have known.
Kung nalaman ko na sana sa umpisa palang na mayamang mayaman si Jacob doon palang nagduda na sana ako kung bakit hindi nya kailangang maging druglord para yumaman.
"You planned all this Marky." Ngumisi lamang ito.
"Yes. And Because you already know the truth? You must die."
I closed my eyes as i saw him pull the trigger.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now