Chapter 26

462 16 0
                                    


[Hera/Rain]

Tahimik na nakaupo sa isang sulok si Jacob at wari'y nag iisip ng magandang gagawin.
Ako naman ay nasa may pintuan at sinisilip ang kaganapan sa labas.
Sa malas ay dito pa naisipang tumambay ng hinayupak na Marky na yun.
Sa kwarto pa mismo ni Jacob.
"Boss wala talaga. Nahalughog na namin ang lahat ng kwarto sa bahay na ito pero wala talaga. Hindi talaga namin sila makita." narinig kong sabi ni Karding kay Marky.
"Putangina!" agad naman akong nagkubli ng magpaulan ng putok si Marky.
Ang hayop! Demonyo talaga!
"Ayaw nilang magpakita sa akin ha? Pwes gagawin kong impyerno ang lugar kung saan sila nagtatago. Hahahahahaha (evil laugh)." Ano na naman kaya ang pinaplano ng animal na to?
'Hayop ka talaga Marky! Hayop!'
"Tawagin mo lahat sila Karding. Maghanap kayo ng gas o gasolina. Susunugin natin ang buong bahay. Tingnan lang natin kung hindi pa lumabas sa pinagtataguan nilang lungga ang dalawang yun. Hahahahahaha"
Nanlaki ang mga mata ko at napatitig kay Jacob.
Sya man ay napatingin rin sa akin. Alam kong narinig din nya ang utos ni Marky na yun kung kaya't pati sya ay nag aalala sa maari naming sapitin.
Dahan dahan ko syang nilapitan.
I saw him shed a tear ng mailibot nya ang paningin sa buong kwarto.
"Jacob we need to get out of here bago pa tuluyang sunugin nina Marky ang mansyon mo." bulong ko sa kanya.
Pero nanatili lamang syang nakatitig sa buong kwarto.
"Your memories Rain. They're going to burn your memories." mahinang usal nito. His eyes filled with tears.
I hold his cheek and kiss the tip of this nose.
"Those memories are registered on your mind Jacob. No one can steal it from you. These pictures are just proofs that it happened. They are proofs that you really love me that much. I already saw this. And i appreciate your efforts Jacob. Thats why it wasnt difficult for me to love you back." bulong ko sa kanya while kissing his face.
I know he is disappointed pero mas mahalaga ang buhay namin ksa mga litratong ito.
"We will take pictures together Jacob. We're going to make happy memories anew. Ang kailangan lang nating gawin ay tumakas sa lugar na ito. We need to move now bago pa tayo masunog kasama ng bahay na ito."I dry his tears using my thumb.
"Mahirap ngang bitawan ang mga bagay na matagal mong iningatan at naiintindihan ko yun. Pero mas mahalaga ang ating kaligtasan Jacob."
Tumango naman ito at tumayo na sa kinauupuan.
"Im still lucky na nakita mo ang mga ito bago pa matupok ng apoy. Tara na Rain. May laban pa tayong tatapusin." Nakangiti nitong inilahad ang kanyang kamay sa akin. Tumango naman ako and held his hand tight.
---------------------------------
Ang daanan ng hangin ang aming naging landas palabas ng bahay. Mabuti na lamang at ang lugar na pinagtaguan namin ay well ventilated. Hindi dahil sa aircon o kung ano pa man kundi dahil sa sariwang hangin mula sa gilid ng bundok kung saan nakatuntong ang mansyon.
Masikip pero kasya ng dadaanan ng tao ng paggapang.
Dasal at si Jacob na lamang ang aking sandalan.
Claustrophobic ako pero kailangan kong maging matatag at matapang dahil may Jacob na umaasa sa akin.
Nag isip nalang ako ng happy memories para hindi matakot. Pero sa totoo lang kinakapos na ako ng hininga dahil sa kaba at phobia.
"Rain are you okay?" Nilingon ako ni Jacob. Nauuna sya at nakasunod naman ako sa kanya.
"Yes Jacob. Im fine. Dont worry about me." I tried to smile pero pinangapusan na talaga ako ng hininga at tuluyang nagdilim ang aking paligid.
A/N: Claustrophobic: Takot sa madidilim at masisikip na lugar

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now