Chapter 2

645 26 0
                                    

(Hera's Mission)

[Hera]

Kakaiba talaga siya. Napakamisteryoso ng pagkatao niya. Hindi ko lubos maisip na ang kagaya n'yang gwapo at may malamig na pagkatao ay nababalutan ng kasamaan sa likod nito.

Inilibot ko ang paningin sa buong kabahayan. Tahimik. Sobrang tahimik kaya lalo akong hindi napapalagay.  Iba sa aking iniisip na madadatnan. Hindi magulo. Hindi madilim bagkos maaliwalas at kalma ang atmospera. Taliwas sa pagkatao ng Jacob na 'to. Sobrang lamig pati na rin ang expression ng kanyang mga mata. Wala akong mabasa.

Napabuntong hininga ako at sumunod sa pinasukan n'yang kwarto.

***

Nakaupo s'ya sa isang sulok. Inaayos ang gagamitin n'ya sa pagpipinta. Then he saw me. He stared at me with his blank expression.

“I know they've oriented you already. Have you done any of this in the past?" He asked me as if i’m his prey, waiting for the perfect time to do me.

I don’t know what he meant. I don’t have any idea about his kind of artwork. Tumango na lang ako. I’m clueless but I need to do this for the sake of my mission.

“Just tell me what to do."

He ushered me into a carpeted floor about a meter away from him.

“Now strip!" Napanganga ako sa sinabi niya.

What?! Is he up to nude paintings? Oh God! Kakayanin ko ba?

¤Flashback¤

My private phone rang.

“Agent H!" Ang partner kong si Marky ang nasa kabilang linya. Ano kaya ang kailangan nito? Kasalukuyan akong nasa shoot ng isang tv commercial. I think they'll give my new mission.

Kakatapos lang ng ginagawa kong movie kasabay din ng pagtatapos ng isa kong mission as a secret agent. Lider ng isang malaking sindikato na nasa likod ng iba't ibang patayan sa bansa ang aming hinuli.

“Speaking, Agent M."

“Please see me ASAP." ganito lang ang relasyon namin ni Marky. The director will give him the mission at siya na lang din ang bahalang magrelay nito sa akin. I’m always the ploy. Laging undercover sa lahat ng mission.

Ako ang unang napapahamak kapag nagfail kami sa mission. Kaya hasa ako pagdating sa labanan. Walang oras para sa pagkakamali. Laging handa sa lahat ng oras. Isang maling galaw at buhay ko ang nakasalalay.

Simula ng pinasok ko ang buhay na 'to ay dasal nalang, tiwala sa panginoon at tiwala sa sarili ang sandalan ko. Delikado pero passion ko ito. Gusto ko at masaya ako kaya ko 'to ginagawa. Nakakatakot pero kapag nakakatulong fulfilled na ako. Its my way of serving the country.

Hindi lang magpasaya ng madla bilang isang artista ang aking ginagawa. Sa likod ng kahinhinan at magandang mukha ay nakatago ang isang matapang at matapat na alagad ng batas. Handang tumulong kahit na sa anong laban, kahit buhay pa ang malagay sa kapahamakan.

Napabuntong hininga ako.

“Starbucks. 8 pm." Gagabihin na naman kasi kaming matatapos kaya mabuting may palugit para hindi ako gahulin sa oras.

“Its a date then, Agent H." I heard him laugh sa kabilang linya.

“It’s part of work, Marky and not a date! I'll never date you, bastard!" I rolled my eyes. Kahit kailan 'di ako tinitigilan ng Marky na 'to. Kung hindi lang dahil sa trabaho never ko siyang kakausapin pa.

Marky is my Ex. Playboy masyado. Malanding lalaki. Maniac.

Tumawa lang siya sa kabilang linya. “See you then, my princess." I cut the call short baka lalo pang mag-init ang ulo ko sa lalaking 'to.

***

He handed me an envelope. Tinanggap ko na lamang ito at ipinasok sa bag ko. Mamaya ko na titingnan ang details.

“Its a drug related case, Hera. Your mission is on a private island in the Visayas."

Drug related. Hmmm... Hindi sila maubos-ubos. Makailang beses na akong nakahuli ng malalaking isda pero heto't may bago na naman.

"Ibang klase ang front. May ilang kilo ng shabu ang natagpuan sa likod ng painting ng isang sikat na pintor. We need to be sure kung sangkot nga siya sa nagaganap na drug deals sa bansa."

"Extraordinary. Hindi na lang pala sapatos o stuff toys ang medium ng drug dealing sa bansa."

"Exactly, Hera. We need you in this. Kakaibang artist ang susubaybayan mo. At masyadong dilikado kapag natiktikan tayo. Kaya ikaw lang muna ang papasok sa lugar. Ikaw ang magbibigay ng info sa amin."

Napabuntong hininga ako. It’s as if gagawin na naman akong pain sa misyon na to.

“Do I have any choice?" Ngumiti lamang s'ya.

"I know you. ‘Di ka naman tumatanggi sa mission. Handa na ang kakailanganin mo. We will leave tomorrow before midnight."

Tumango na lamang ako and naghanda sa pag-alis.

“Baby, 'di man lang ba tayo magkakape?" He ask as he held my hand.

“Get your dirty hands away from me o babaliin ko 'yang kamay mo!" Naghands up naman siya tanda ng pagsuko.

¤End of flashback¤

“You hear me, Hera? Strip!" Utos na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. I just stared at Jacob. Halatang naiinip na siya. So I need to comply bago pa masira ang front ko.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now