Chapter 24

439 15 0
                                    


[Jacob]

Tahimik na nakaupo kami ni Rain sa sala at hinihintay si Mang Karding.
"I hope dumating na agad ang pinabili mo Jacob at ng makaalis na tayo sa islang ito." she hold my hand as she tells me so.
Tumango naman ako and stroke her hair.
"We have to trust in God Rain. Sya lang ang makakatulong sa atin ngayon."
She smiled at me and nod.
"We can do this Jacob. We have each other kaya makakaya nating makaligtas dito."
Maya maya ay nakarinig kami ng sigawan sa labas.
"Palibutan nyo ang buong bahay. Wag nyong hayaang makatakas si Jacob at ang babaeng agent!" sigaw ng lalaki sa labas.
Nagkatinginan kami ni Rain.
"Si Mang Karding" sabay naming sabi.
"Dali an mo Jacob. Ang mga gamit bitbitin mo ang makakaya mo. Akin din yung iba. Kailangan nating makatakas dito."
Mabilis na kinuha namin ang bag na may lamang drugs, mga baril at bala at mga pagkain.
"Rain sa secret room. Doon tayo magtago." sigaw ko kay Rain habang tumatakbo kami papasok sa kwarto ko.
"Oh God! Help us please. Send us rescue"
Mabilis kaming nagtago sa secret room at nilock ng mabuti ang pintuan.
"Magiging safe ba tayo dito Jacob?" nag aalalang tanong ni Rain at inilibot ang paningin sa buong kwarto.
"Pansamantala okay tayo dito Rain. Pero nasisigurado kong hahanapin tayo ng mga animal na yun."
Nilock ko ng maigi ang pintuan at niyakap si Rain.
Kabado ako sa mga nangyayari pero kailangang tatagan ang loob ko.
Walang makakatulong kay Rain sa oras na ito kundi ako.
"Marunong ka bang gumamit ng baril Jacob?" tanong nito habang kinakalkal ang mga gamit sa isang bag.
Maya maya ay iniabot nito sa akin ang isang 45 at isang armalite riffle.
Tumango naman ako at ikinasa ang mga baril.
Isinuksok ko sa tagiliran ang 45 at isinukbit sa balikat ang armalite.
"Mabuti at kahit paano ay hindi naging matigas ang ulo ko sa pagtuturo ni daddy. Magagamit ko din pala."
Ilang saglit lang ay kumalabog ang pintuan ng kwarto ko.
"Wala. Tangina! Wala! Natakasan tayo mga animal." sigaw ni Marky sa labas.
Narinig naming nagkalabugan ang mga silya at lamesa. Marahil ay pinagsisipa ito ng demonyong Marky na yun. "Ang tatanga nyo kasi! Hanapin nyo sila sa buong isla. Parepareho kayong mga gonggong! Kamuntik na tayong maisahan ng gagong Jacob na yun! Lalo na ikaw Karding."
Bulyaw pa nito. Halatang galit na galit.
"Sorry boss. Wala naman kasi akong kaalam alam na nandito kayo. Mabuti nalang at nakasalubong ko si Arman. Sya ang nagsabi sa akin na nandito pala kayo." dinig naming sagot ni Karding.
"Kung hindi ka ba naman kasi manyakis na animal ka hindi tayo nagkasalisi. Mabuti at nagtaka ang mga ulupong na to kung bakit hindi ko pa sila nabalikan kaya't nagmanman dito sa paligid ng bahay. Kung hindi tangina nakatakas na sana ang dalawang yun!"
Nagkalabugan na naman ang mga kagamitan sa kwarto.
"Bilisan nyo. Hanapin nyo sa loob ng mansyon ang dalawang yun. Sigurado akong dito lang sila nagtatago. Halughugin ang buong bahay!" sigaw ni Marky.
"Papatayin ba namin boss?" Langhiyang Karding na yan. Matapos ko syang ituring na hindi iba sa akin ganito pa ang igaganti nya.
"Patayin ang lalaki. Akin ang babae. Titikman ko muna bago patayin.Hahahahaha"
Tumawa na naman itong parang demonyo.
I hugged Rain. Ang sama ng Marky na yun. Sobrang sama nya.
Hinding hindi ko hahayaang maisakatuparan nya ang mga plano nyang yun sa amin ni Rain.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now