Chapter 11

543 21 0
                                    

[Thadz]

"That's bullsh*t, Marky! Bakit hinayaan mong mag-isang sumuong sa panganib si Hera?" I scold Marky.

Paano ba naman kasi ay ilang araw na kaming walang balita kay Hera.

And worst nalaman ko pa mula sa kanya na maling info pa ang naibigay ng bugok na 'to kay Hera.

Kakabalik ko lang sa trabaho at stress agad itong nadatnan ko.
And worst sangkot pa dito ang paborito kong undercover agent at ang inaanak kong si Jacob.

"But, sir. I thought si Jacob De Guzman ang target natin. 'Di ba s'ya 'yong may ari ng paintings?" Nagkakamot ng batok na sagot ni Marky sa akin.

Hay! Kung hindi lang ako ang head ng departamentong ito kanina ko pa nabugbog ang Marky na 'to.

"Agent ka ba talaga, Marky? Kahit nga sino sigurong may common sense na tao magdadalawang isip. Si Jacob De Guzman ay isang sikat na pintor. And worst? Inaanak ko pa. Tatay n'ya ang dating partner ko bago nya pinamahalaan ang Montreal Group of Companies. Hindi ka naman siguro tanga, Marky, 'di ba? Ang MGC ay ang pinakamalaki at pinakamayamang kompanya sa pilipinas. At malamang hinding hindi kakailanganin pang magbenta ng isang Jacob De Guzman ng drugs para lamang yumaman. Did you get me?"

Pabalik-balik akong naglalakad sa harap ni Marky habang nakatingin ng masama sa kanya.

Of all people. Bakit ang bugok pa na ito ang binigyan ng mission order? Sana kay Hera nalang direktang ibinigay ang mission.
Nag-aalala ako. Hera is tough. Kahit sa panlabas nitong kaanyuan ay isa s'yang mahinhin at hindi makabasag pinggang dalaga ay kaya nitong pumatay ng tao...nang kahit sino kapag napatunayan n'yang may kasalanan ito.

Pero ang pinag-aalala ko ay baka mapatay nito si Jacob sa maling akala. Isang inosenteng nilalang na nagagamit lamang ng kung sinong halang ang kaluluwa sa illegal nitong gawain. Paano kung naipuslit na ng totoong mga sindikato ang droga sa likod ng mga paintings ni Jacob at makita ito ni Hera? Magiging magulo lamang ang sitwasyon.

"But, sir, nakasaad sa memo na kay Jacob De Guzman na mga paintings ang naglalaman ng mga drugs."

Hay! Ang sarap na talagang batukan nito.

"Hay! Marky, kung ako lang sana pinabalik na kita sa training grounds para malamnan ulit 'yang utak mo. Sa kanya nga, Marky. Pero ang mission n'yo ay hindi hulihin si Jacob De Guzman kundi protekhahan laban sa sindikatong gumagamit sa paintings n'ya at gamitin upang madakip ang mga totoong maysala." Naningkit ang mga mata ko.

"Hindi mo ba binasa ng buo ang files ha, Marky? Did you give Hera a copy of those?"

Lalo akong nanggalaiti sa galit ng umiling s'ya. Makakapatay ako ng wala sa oras.

"Hindi ko po nabasa ng buo sa pagmamadali. At 'yong profile lamang ni Jacob De Guzman ang naibigay ko kay Hera at hindi ang details ng mission order."

"Hindi mo nabasa o busy ka sa mga kalokohang pinaggagawa mo, Marky? This is an important mission and you screw it! Baka mapahamak si Hera at si Jacob ng dahil sa katangahan mo. Now leave, Marky! Sundan mo si Hera sa isla."

Napasuntok ako sa mesa. Kung bakit ito pang si Marky ang naging partner ni Hera? Ugok talaga.

Tumango naman ito at tumalikod na.

"Hay! Kung bakit ba kinailangan ko pang magpunta ng Indonesia para sa babaeng 'yon? Ito tuloy mukhang mapapahamak pa ang inaanak ko. Mapapatay ako ni Alexander at ni Steffi nito."

[Marky Zamaniego]

Tanga ba talaga ako? O nagtatanga-tangahan lang? Napailing na lamang ako at napangisi.

Destiny is on my favor. Walang kahirap hirap kong mapapasok ang isla ng De Guzman na 'yon.

I packed my things. Susundan ko si Hera sa isla ni Jacob. Ang swerte masyado ng animal na 'yon at lahat ay mukhang nasa kanya na. Kayamanan. Katanyagan. Pati impluwensya. Walang kahirap hirap n'yang napapanig ang batas sa kanya.
Kung ganun lang din sana kadali ang naging buhay ko.

Mayaman ang tatay n'ya. May ari sila ng MGC. 'Yong nanay n'yang sikat na modelo dati... ngayon ay nagmamay-ari ng isang sikat na clothing line sa bansa.

Lucky bastard. Hindi kagaya ko.
Nagmamay-ari din ng isang kompanya ang pamilya ko noon.
Mayaman kami dati. Mayaman at maimpluwensya. But when Alexander De Guzman and Steffi Andrewsm-De Guzman came my dad's way, nasira na ang lahat.
Nakulong ang daddy ko pero dahil na rin sa impluwensya ay nakalabas ito. Pero dahil sa kagustuhang makaganti sa taong kumalaban sa kanya ay napatay ito.

Naging magulo na ang buhay namin after that. Hanggang sa naghirap kami. At kung hindi lang dahil sa pagkapit ko sa patalim... sa pagsali ko sa isang organized sindicate ay hindi ko maisasaayos muli ang buhay namin ng nanay ko. Kaya malaki ang utang na loob ko sa grupong 'yon. At lahat handa akong gawin para sa kanila.

Twenty long years had passed pero ang poot at paghihiganti sa mga De Guzman ay nasa puso ko pa.

Napabuntong hininga ako. Enough for my thoughts. Kailangan ko ng kumilos. May mission pa ako sa islang 'yon...
'Yong totoo kong misyon ang tinutukoy ko. Hahaha!

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon