Chapter 47

437 11 0
                                    


[Jacob]

Napaiyak na lamang ako matapos kung titigan ang screen kung nasaan nagwawala ang mahal kong si Rain. Alam kong galit sya pero hindi ko masabi sa kanya ang totoong nangyayari.
Grabe ang pagpipigil ko na mapahagulgol ng iyak sa tawag na yun dahil sa pagkaawa at kawalan ng pag asa sa sitwasyon na kinasusuungan namin ngayon.
Ang Rain ko. Ang mahal kong si Rain. Ang mga mahal kong anak.
Pinatay ng taong yun ang monitor at ngumisi sa akin.
Sinamaan ko ng tingin ang gagong nagpapagawa sa akin nito.
Nakangisi habang nakaupo sa harapan ko at nakatutok ang baril sa isa sa mga bata.
"Bravo! Bravo! Great acting De Guzman! Good boy! Hahaha." pumapalakpak pa ito.
"Wag mo kaming paglaruan gago ka!"
Napaglalaruan yata kami ng tadhana.
Kung kailan mabubuo na sana ang pamilya namin, doon pa nangyari ito.
"Hahahaha. Nag enjoy ka naman diba De Guzman? Tingnan mo oh. Tigas na tigas pa yang sawa mo. Hahahahaha" tawa lang ito ng tawa.
*Flashback*
"Fix your things. Dadalhin ko na kayo sa City. Doon natin hihintayin ang Maam Rain mo." Tumango naman ito.
Agad nag ayos ng mga dadalhin nila ang yaya ng mga bata na napag alaman kong Laura pala ang pangalan.
"Okay na po Sir." nakangiti namang binitbit ni Laura ang isang bata. Ganun din ang ginawa ko sa isa at sa bag na naglalaman ng mga gamit nila.
Sa wakas mabubuo na din kami.
Plano ko pagdating sa Manila na tatawagan ko si Rain at yayayain sa bahay ko.
Kunyari ay tatakutin ko syang kinidnap ko ang mga bata para hindi na sya makatanggi pa at magpunta agad sa bahay ko.
I will put banner na may nakasulat na "Will You Marry Me Rain" and balloons all over tapos maglalagay ako ng mga talulot ng bulaklak patungo sa kwarto kung saan ilalagay ko sa gitna ng mga bata ang engagement ring na bibilhin ko mamaya para kay Rain.
Napangiti ako sa naisip.
"Tara na Laura at magtatanghaling tapat na. Kailangan nating makabalik sa bayan at sobrang maiinitan ang mga bata."
Tumango naman ito at inilock ang pintuan ng bahay.
Tinalunton namin ang daan patungo sa dalampasigan.
Napailing na lamang ako. Ang galing talagang magtago ang mahal ko. Almost 1 year na pala sila sa isla basi sa kwento ni Laura.
Matagal na pala syang nakauwi sa pilipinas ng hindi ko nalalaman.
"Pssst!" nagulat ako at magkasabay na napalingon kami ni Laura sa nangsitsit na yun.
"Kamusta De Guzman?" lumapit ito sa amin.
Nagtago naman sa likod ko ang nanginginig na si Laura.
"Ikaw???" halos manlaki ang mata ko sa gulat.
Ngumisi ito at pinalo ako ng M16 na dala nito.
*End of Flashback*
Dito na ako nagising sa bodegang ito.
Nakatali ang mga kamay at paa pero pinakawalan ako nito sandali dahil ipinagawa nito sa akin ang pagtawag kay Rain at pakikipagtalik sa telepono kay Rain.
"Hayop ka! Pakawalan mo ako dito. Magtuos tayo ng mano mano! Wag mong idamay ang mga anak ko."
Sigaw ko rito.
"Gusto mong kalabitin ko ang gatilyo at pasabugin ang baho ng ulo ng anak mo De Guzman?"
Natahimik naman ako.
"Good boy. Sumunod ka lang at wala pang mamamatay sa inyo. Hintayin natin sya bago ko kayo sabay sabay na patayin. Hahahahaha"
Humalakhak na naman itong parang demonyo.
"Itali na muli yan at baka matakasan pa tayo." sigaw nito sa tauhan nyang nagbabantay sa amin.
"See you soon loverboy. Hahahahahhaha" tumalikod ito sa akin at lumabas ng kwartong yun.

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now