EPILOGUE

988 24 1
                                    


[Alexander]

"For the past years grabe ang pinagdaanan ng pamilya natin Steff noh? So many struggles... Heartaches... Heartbreaks... But i must say we are tough kind of people. We fought our battles well."
Nakaupo kami sa hood ng kotse habang tinatanaw ang dalawang anghel nina Jacob at Rain.
"Aray. Para saan naman yun mahal?"
Nilingon ko sya. Nakataas na naman ang kilay nito sa akin. Maya maya ay lumambot ang expression ng mukha nito at ngumiti.
"May apo ka na Alexander. Kaya magtino ka na ha? Playboy!" tinampal ako nito sa noo.
Natawa nalang ako. Ginagap ko ang mga kamay nya.
"That was in the past mahal. Alam mo naman ang reasons kung bakit ako nagkaganun diba? Because you left me broken hearted." naglungkot lungkutan pa ako.
Sinamaan na naman ako nito ng tingin.
"Always making excuses playboy?" kinurot pa ako nito sa tagiliran.
"Hahaha. Hindi. Im just stating a fact. Sobra lang kitang mahal na kinailangan ko pa ng makakapagpalimot sa akin about sayo. Nagaya tuloy sa atin ang love story ng anak nating si Jacob."
Ngumiti naman ito at inihilig ang ulo sa mga balikat ko.
"Our son. Lumaki syang matatag at may sariling panindigan. Kahit dumaan sya sa matinding mga pagsubok hindi lang dahil sa atin kundi pati sa sarili nyang buhay pag ibig, he painted his own love story well. Nagkaroon pa sya ng magagandang mga anak."
"You are right mahal. Naging worth it ang sacrifices nya...nila ni Rain."
"Sayang at maraming nasawi para lamang tayo lumigaya."
"Oo nga Alexander. Tayo din ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kung hindi nalang sana natin nakilala sina Mhelody at Terrence hindi siguro sila namatay."
"Tama ka Steff. Mabait ang anak natin at magiging daughter-in-law. Pinatawad nila si Marky kahit kamuntikan na silang mapahamak ng dahil sa bombang ikinabit nya kay Jacob. Mabuti pala at ang bomba na yun once natanggal sa katawan ng pinagkabitan titigil din pala ng kusa ang oras nito at hindi na sasabog pa. Salamat sa diyos at never nya tayong pinabayaan. Sayang lang at kinitil din ni Marky at Mhelody ang sarili nilang mga buhay dahil sa konsyensya. Siguro nagsisi din sila sa ginawa nila sa atin kasi despite of everything mas nanaig sa atin ang pagiging makatao. Forgiveness ang ibinigay natin ksa gantihan sila sa kasamaan din."
Tinanaw naming muli ang mga bata na masayang naghahabulan sa may damuhan.
Maya maya pa ay narinig na namin ang kampana ng simbahan.
"Kids. Stop playing now. Your mom and dad's wedding are about to begin. Kailangan nyo ng magretouch."
[Rain]
I walked down the isle kasama ang mga magulang ko. Sina mommy Lara at daddy Tadeo na magpahanggang ngayon parang mga bata pa din kung umasta. They love each other so much na kahit ano mang pilit silang pinapaglayo at pinag aaway ng tadhana, ngiti lang ng isa't isa nawawala na ang alinlangan at problema.
"Thank you mom and dad for always being their. For always being our rescue in times of our needs."
I kissed both of their cheeks as they gave my hands to Jacob. Si jacob na hindi malaman kung ngingiti ba o ngangawa nalang sa saya.
"Its nothing baby. Anak ka namin so we will do everything for you. Right Lara?"
"Hmmm. May kasalanan ka pa kay Rain Tadeo. Nahuli ka ng dating at kamuntikan na silang mapahamak ng dahil sa kabagalan mo."
Napakamot nalang ng ulo si Daddy at akmang mag eexplain ng sinaway ko.
"Mommy that was a year ago. Kasal ko po ngayon. Wag na pong highblood ha?"
Ngumiti nalang din si Mommy.
"Jacob. Ikaw na ang bahala sa baby Rain namin ha?"
"Opo mom. Makakaasa po kayo."
Jacob kissed my mom's cheek and shake my dad's hand bago umalis ang dalawa paupo sa pwesto nila.
"They always fight."Naiiling na sabi ko nalang kay Jacob.
"But look at them babe. Parang wala nalang ulit. Nakaholding hands na naman. Sana ganun din tayo."
Tumango naman ako and hold his cheek.
"Yes Jacob. From now on no secrets na dapat tayo sa isa't isa. And your eyes? Dapat nasa akin lang. Kung hindi-"
"Dont say it babe. I know. And i'll make sure I had my eyes on you...on you alone. Kasi nasayo na ang puso ko."
Napangiti nalang din ako. Nahagip ng mata ko si Ate Snow na ngayon ay masayang nakangiti lang sa kinaroroonan namin.
Nakasoot ng puti. Not that ate is a ghost. Hahaha. Naging Madre syang muli. Ate Snow choose God after that miracle happened to us. Naging mas matatag ang paniniwala nya sa kakayahan ng dasal at pananampalataya. Sister Snow will always guide us and spread the message of the Lord. Im lucky to have her as my twin.
Bells are ringing and ito na rin ang magiging umpisa ng masayang buhay na pinili namin ni Jacob.

[T H E E N D]

SEDUCING MY BROKENHEARTED BESTFRIEND Book 2: Painting His Own Love StoryWhere stories live. Discover now