My Make -Believe Boyfriend

101K 558 55
                                    

Authors note:

May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy reading hindi kayo iiyak ng balde-balde dito kagaya ng nangyari sa akin nang mapanood ko ang Ghajini :)

***Prologue****

"Oh my God!" kinakabahang tili ko "Ayan na gumagalaw na ang eroplano. Lord ligtas mo po ako" mahina kong dasal. Nanlalambot na ako at tagaktak na ang pawis ko sa aking noo. Feeling ko mamamatay na ako sa mga oras na ito. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?

FLASHBACK

Bababa--- bababanana---nanana! ringtone ng aking cellphone.

Nakapikit pa ako nang kinuha ko ito at sinagot.

"Hellooooo!'paos na sabi ko.

"Congaratulation mam nanalo po kayo ng trip to Disneyland California etc....etc..." masayang sabi ng nasa kabilang linya.

Trip to DisneyLand? Nanalo ako? Bigla akong nagising sa narinig ko. "Talaga Miss? Totoo ba 'yan o baka naman jinijoke mo lang ako?" di makapaniwalang tanong ko.

"Mam totoo po ito kayo po ang nanalo sa paraffle po ng Aling Aying's bagoong round trip ticket po for two with free rides, tour and accomodation po sa Disneyland California. Punta na lang kayo dito sa office. Pagkatanggap nyo po ng registered mail na ipapadala namin ay punta na po kayo dito. May cash prize po yan kasama na two hundred thousand pesos!" patuloy nya.

Hindi talaga ako makapaniwala .Sino ba naman ang makakapagsabing sosyal pa la ang Aling Aying's bagoong na paborito kong bilhin sa supermarket na pinagrogrocehan ko. Trip to Disneyland at cash prize wow! ang swerte ko naman.

Hindi na ako makatulog kahit puyat ako sa pagraraket. May kumuha kasi sa akin na maging isa sa mga crying ladies sa isang patay. Tuyo na daw kasi ang luha ng mga kamag-anak ng patay kaya naghire na lang sila ng iiyak. Biruin mo mula nine ng gabi hanggang five am wala akong ginawa kundi umiyak. Naubos ko na nga ang baon kong eyemo. Buti na lang unlimited ang kape at biskwit don. Isa kasi akong actress . Totoo artista ako kaya lang hindi pa ako nabibigyan ng break , isa akong dakilang ekstra kagaya ng ginampanang role ni Ate Vi. Pero naniniwala ako someday na magiging kasing sikat din ako ni ate Vi.

Dial sa cellphone after three rings...

"BestnanaloakosaparafflengAlingAying'sbagoong---" derederetsong sabi ko.

"Teka!Stop muna wala akong maintindihan!" putol nyang sigaw sa sinasabi ko.

"Ulitin mo nga, pero huminga ka muna ng malalim"

Huminga ako ng malalim " Nanalo daw ako sa Aling aying's bagoong raffle promo."

"Anong napanalunan mo isang trak na bagoong? Best pahingi ako ah" mukhang masaya sya sa balita ko. Kasi paborito nya rin ang bagoong na iyon. It melts in your mouth. Sarap non. promise.

"Sosyal sila best ang premnyo ay trip to Disneyland California with pocket money" kulang na lang maglulundag ako sa sobrang saya. Buti na lang solo ko itong maliit na inuupahan ko. Kaya hindi ako mag-aalala na may mabulabog ako.

"Wow! Best! ang swerte mo makakapunta ka ng DisneyLand papicture ka kay Mickey Mouse ha"

"Best 'wag kang mag-alala isasama kita"

"Ha! Talaga. You're the best Best!"

END of FLASHBACK

Ito ako ngayon mag-isang uuwi ng PIlipinas kasi itong si Best na kasama ko ng California ay hindi na umuwi. Ang bruha may kachatmate pala sa California at doon nakipag eyebol. Tapos inlove na ang bruha. Niyaya lang magpakasal ng boyfriend nya sa chat pumayag naman. Two months daw babalik sila ng Pilipinas para magpakasal naman sa Philippines.

Pinakamasaklap pa . Ngayon ko lang din nalaman na takot pala akong sumakay ng eroplano. First time ko lang kasing sumakay ng eroplano at that experienced was a totally hell. Kinabahan ako noong papaakyat na 'yung eroplano na papuntang California. Then habang lumilipad ang eroplano ay hindi ako mapakali at talagang takot na takot ako. Buti na lang that time ay katabi ko si Best pero ngayon mag-isa na lang akong uuwi.

Kinakabahan na talaga ako at parang lalabas na ang aking puso sa aking dibdib. Diniinan ko ang paghawak ko sa armchair.

Teka bakit malambot yung sa bandang kanan. Gumalaw ng kunti ang eroplano napadiin ako sa malambot na hawak ko.

"Miss let go of my hand" irritanong reklamo ng katabi ko." You're hurting me!"

Tiningnan ko 'yung nagsalita.

Isang lalaki na nakahood at may malaking shades na suot ang nakita kong katabi ko.

"Miss let go of my hand" uli nya akmang iwawasiwas nya ang braso nya para matanggal ang pagkakabaon ng kuko ko sa kanyang kamay. Medyo mapula na 'yung balat nya kasi hindi ko sinasadyang napabaon don ang kuko ko.

"Naku sorry " hingi ko nang paumanhin sa kanya. Tatagalin ko na sana ang pagkakahawak ng kamay ko kaso gumiwang nanaman ang eroplano. Napapaiyak na ako. Ayoko na. Kung pwede lang bumaba . Bababa na talaga ako.

Kumunot naman ang noo nitong katabi ko. Noo at bibig lang ang makikita sa mukha nya kasi ang laki ng shades nya at dark pa. Siguro may pinagtataguan ito o baka naman celebrity.

Nakatitig ako sa kanya ay nagmamakaawa ang aking mga mata na huwag nyang tanggalin ang kanyang kamay. Para kasing doon lang ako kumukuha ng lakas ng loob.

Parang naisip nya ang gusto kong mangyari. Pinabayaan nya na lang akong hawakan sya.

"Dyosko iligtas nyo po ako. Gusto ko pa pong mabuhay." Tiningnan ko 'yung katabi ko . Wala syang imik at hindi nya ako tinitignan. Mukhang hindi naman sya marunong magtagalog.

"Lord gusto ko pa pong makapag-asawa katulad nitong katabi kong gwapo!Huwag nyo po akong hayaang mamatay. Promise mamahalin ko po ang ibibigay nyong makakasama ko habang buhay . Kahit ako pa ang magtrabaho. God! Mabuhay pa po sana ako . Gusto ko pang maging sikat na artista. Kawawa naman ang magiging mga fans ko kung mamamatay na po ako ngayon. Wala na po silang makikilalang maganda at seksing artistang tulad ko." tuloy-tuloy kong dasal habang papaakyat ang eroplano. Medyo malakas ang boses ko.

At ang kapal na ng mukha ko dahil hindi ko binitiwan itong gwapong katabi ko hanggang sa antukin na lang ako sa sobrang stress na dinadanas ko sa eroplanong to.

"Miss wake up " narinig kong gising sa akin ng kung sinuman.

Dumilat naman ako.

"Miss we're in the Philippines and the plane is about to land" sabi nya pa.

Disorriented na napa straight ako sa pagkakaupo . Medyo nanghihina na rin ako sa gutom dahil straight nang halos fifteen hours ay natulog lang ako. Ayan na naman ang kabang nararamdaman ko.Habang pababa ang plane isinumpa ko talaga na hindi na ako sasakay ng eroplano.

Nakaraos din . Sinabi ng stewardes na pwede na kaming lumabas.

Nagpasalamat ako kay Lord at sa lahat ng santong tinawag ko habang nakasakay sa eroplanong 'to.

Nakatayo na ang katabi ko.

Tumayo na rin ako.

"Mister" tawag ko sa kanya. Gusto kong magpasalamat sa kanya kahit alam kong nainis sya sa akin,

Alam ko naman na badtrip akong katabi.

Humarap sya sa akin.

"Ah salamat ha at pasensya na" sabi ko ewan ko lang kung naiintindihan nya ako . Mukha kasi syang foreigner tapos slang pa ang salita nya.

Lumapit pa ako sa kanya para ihug sya. Bilang tanda ng pasasalamat ko kaya lang

Bwak..... bigla akong nasuka. Nasukahan ko ang suot nyang hood.

Dali-dali nya iyong hinubad.

"Sa'yo na yan miss" galit na binigay nya sa akin ang hinubad nyang hood. Then he walked away.

Napatulala ako hindi dahil sa binigay nya ang nasukahan kong hood nya . Dahil sa marunong pala syang magtagalog.

***********

I hope na subaybayan nyo rin ito.

Annah

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now