Fifteen

18.4K 236 15
                                    

Fifteen

IAN's POV

" Irog may gagawin ka ba  next weekend?" tanong ko kay Tammy . Kasalukuyang nanood kami ng  "My Name is Love" isang Thai movie sa dvd. May pagkaromantic comedy ang movie at the same time drama rin.  Sa movie pinapakita ang iba't ibang uri ng pagmamahal. Tapos 'yung main character hindi nya pwedeng sabihin sa babaeng mahal nya ang salitang "I Love You" hangga't hindi nya natatapos ang mission nya.  Napakahirap ng kalagayan nya kasi gustong-gusto nya nang sabihin sa babae. Buti na lang ako nagkaroon na ng lakas ng loob  na sabihin kay Tammy iyon  bago pa may mangyaring problema.

"Ah may shooting  kami sa Boracay" sagot nya habang sinasawsaw nya ang frenchfries sa hawak kong  sundae . "Open up" utos nya kasi isusubo nya sa mouth ko ang frenchfries na may sundae. Ngumanga naman ako at kinain ang isinubo nya.   Masarap! Naaalala ko tuloy ang mga bestfriends ko , lagi rin naming ginagawa sa frenchfries namin na isawsaw sa sundae instead sa catsup.

Nilunok ko muna ang kinakain ko. "Sa Boracay?" Tanong ko. Sunod-sunod naman syang tumango kasi may frenchfries din ang bibig nya. " Eh diba takot kang  sumakay sa eroplano?" nag-aalalang tanong ko. Kailangang sumakay ng eroplano para madaling makarating sa Caticlan .

"Oo nga pero hindi naman nila alam kaya napasubo na ako. Last day na kasi ng shooting  kaya hindi ako makapagreklamo. Isa pa katabi ko naman sa eroplano si Mars at maiksing byahe lang naman. Siguro matutulog na lang ako." Malungkot na sagot nya  .  May nababasa rin akong pag-aalala sa mga magaganda nyang mata.

Niyakap ko sya ng mahigpit. " Momo sama ka sa Boracay" aya nya sa akin. Napangiti ako. Niyayaya nya akong sumama sa kanya. Totoo ba ito gusto nya akong makasama sa Boracay?

"Hindi pwede eh.  May business trip akong pupuntahan." Sagot ko. 

Bumitiw sya ng yakap. " Sayang naman . Pero trabaho mo 'yun eh, dapat unahin"  halatang disappointed sya sa sinabi ko.

"Promise next time tayong dalawa naman ang magbabakasyon, pag pareho tayong free sa mga trabaho natin" sabi ko para hindi sya malungkot. Nakakadala ang lungkot ng mga mata nya. "Ikikiss na lang kita para mawala ang tampo mo"  hinalikan ko sya sa noo.

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now