Thirty
IAN POV
Nakikinig sa music habang nag-aatay ako sa aking mga bestfriends dito sa loob ng aking sasakyan. Medyo naiinip na ako , halos thirty minutes na akong nandito nakapark sa labas ng Red Hot Bar na pagmamay-ari ni Matheo. Sa kanya na tuluyang ibinigay ng kanyang magulang ang nasabing Bar at nadagdagan pa ng marami pang branches mula nang sya na ang nagmanage. Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga makukulay na ilaw na nagbibigay liwanag sa sign board ng nasabing bar. Hindi ko na rin mabilang kung ilang babaeng nakasuot ng seksing damit ang pumasok at lumabas sa Red Hot Bar. ‘Yung iba nga ay napansin kong hindi na napigilang sumuka sa gilid ng kalsada dahil sa kalasingan. Napapailing ako at the same time natatawa. Kakaiba talaga ang nagagawa ng alak sa isang tao pero kahit ganoon patuloy paring tinatangkilik .
Kanina bago umalis sa office ay tinawagan ko sila at sinabi ko na magkita-kita kami dito sa parking lot ng bar bago mag- ten ng gabi. Dapat ay mga eleven ng gabi ko sila yayayain na magkikita pero naisip ko na may mga sari-sarili na silang pamilya siguradong late sila magsisidatingan. Kaya inagahan ko ng one hour at tama nga ako. Even Matheo kahit na nasa loob lang sya ng bar hindi kaagad lumabas dahil tatapusin nya daw muna ang last set ni Roni.
Nakasimangot na lumabas ako ng sasakyan nang makita kong lumabas na ng bar si Matheo na karga-karga si Zachary . Kasunod nyang lumabas si Roni na kasabay ang mga kabanda nito. Huminto sandali si Matheo para antayin si Roni na nagpapaalam na sa mga kabanda. Nilapitan sila ni Roni , inakbayan ni Matheo ang asawa at magkasabay na naglakad papunta sa akin. Hinapit pa ni Matheo palapit sa kanyang katawan si Roni nang may isang grupo ng mga kalalakihan ang bumati sa asawa nya. Natatawa ako sa pagiging possessive nya kay Roni. Hindi ko sya masisisi dahil pareho kaming possessive sa mga mahal namin. Lalo pa na parehong celebrity ang mga babaeng mahal namin na maraming humahanga.
“Ian kamusta kana? “ nakangiting bati sa akin ni Roni nang makalapit na sila. Si Roni ay isang bokalista sa isang sikat na banda.
“Okay lang ako” nakangiti ring sagot ko.
“Baby say hi to Auncle Ian” sabi ni Roni sa kanyang anak na karga ni Matheo.
“Hi Auncle Ian. “ Nahihiyang bati nya sa akin . Nakayakap sya sa leeg ni Matheo.
“Hello Zachary” nakangiting bati ko rin sa kanya. Nginitian nya ako tapos itinago na nya ang kanyang mukha sa leeg ng kanyang ama. Masyadong mahiyain ang anak ni Matheo.
“Anong dahilan mo P’re at nagyaya ka nang biglaan ?” nakakunot ang noong tanong ni Matheo sa akin.
“Kailangan ko lang ng tulong nyo” nakangising sagot ko.
“ Saan?”
![](https://img.wattpad.com/cover/8112850-288-k780733.jpg)
ČTEŠ
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...