Thirty seven

7.2K 172 15
                                    

Thirty Seven

Tammy

Tahimik na isiniksik ko ang aking sarili sa isang sulok dito sa loob ng tent. Isa itong malaking tent   kung saan nakatambak ang mga sobrang bagay na ginagamit sa isang photoshoot tulad ng mga   ilaw  , tela, bulaklak  at kung anu-ano pa.

Ramdam ko ang mga yapak ng mga paa sa labas ng tent. Siguro napagtanto na nila na tinakasan ko at tinataguan ko na sila sa mga oras na ito.  Sana lang hindi nila  maisipan na nandirito ako sa loob ng  tent nagtatago. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit may pumasok na namang kabaliwan sa aking  utak. At  inuna kong tumakas kaysa tingnan kung ano ang totoong sitwasyon. Masyado akong nagpadala sa pagiging pabigla-bigla kong kumilos . At  ngayon habang pinagpapawisan dito sa isang sulok ay nagdadalawang isip na naman ako kung lalabas  na ba o patuloy na tiisin ang pagpapawis na  malamang  dahil sa kabang aking nararamdaman. Mabilis parin ang tibok ng aking puso. Huminga ako nang maraming beses para pakalmahin ang akin  sarili. 

Napahikab ako ng  tatlong beses. Pakiramdam ko inaantok na naman ako.  Napapansin ko nitong mga nakakaraang mga araw masyado akong nagiging antukin.  Ipinikit ko ang aking mga mata. Iidlip muna ako habang nagtatago at mamaya lalabas din ako para  harapin silang lahat. Pero sa ngayon malakas ang hatak ng antok sa aking katawan kaya pagbibigyan ko muna ang aking sarili na matulog.

“Irog , Irog,”   marahang  pagtapik sa aking pisngi ang nagpamulat sa aking mga mata.

“Momo,” ang  nasambit ko pagkamulat ko ng aking mga mata at ang medyo  nanlalabong tingin sa   gwapo  nyang  mukha ang  aking namulatan.  Nakahawak pa sa aking pisngi ang kanyang malambot na kanang kamay habang nakaupo sya sa aking harapan na hindi sumasayad ang kanyang  pang-upo sa lapag.

“Irog bakit nandiyan ka?” nakakunot ang noong tanong nya sa akin pero may nababanaag akong  ngiti sa gilid ng kanyang mga mapupulang mga labi.

Biglang nawala ang aking antok at  nakaramdam ako ng pagkainis sa mga ngiting iyon.  Oo ako na ang praning. Pakiramdam ko kasi ay pinagtatawanan nya ako ng lihim  dahil sa aking pagkakasiksik dito sa gilid ng tent kasama ng mga telang nakatambak.  Pawisan ako at sa aking palagay nalusaw na ang make up sa aking mukha.   Pasimple ko pang pinunasan ang aking  mga labi sa pag-aalalang  baka may laway pa doon.  Madalas  akong maglaway habang natutulog. Eeew para sa iba ,pero anong magagawa ko eh sa ganoon ako matulog?

“Ah  kasi  may nakita akong rabbit na tumatakbo at akala ko ako si Alice kaya sinundan ko sya . Kaya lang napagod ako sa kahahabol sa kanya kaya nang makita ko ang tent na ito ay natulog muna ako dito ,” palusot ko. Alam ko na  baliw lang ang maniniwala sa aking palusot.

“Hahaha!” tawa nya na nagpataas ng aking kanang kilay. Confirm isa ngang baliw si Momo.  Sabagay na in love sya sa isang tulad ko , hindi na nakapagtataka iyon.  “ Buti na lang at napagod ka kaagad. Kasi kung sakaling  nagpatuloy ka sa paghabol sa rabbit , kagaya ni Alice na nalaglag sa isang hole at napunta sa Wonderland ay baka maubos ko ang lahat ng rabbit  sa paghuhunting sa kanila. Hanggang sa maibalik ka nila sa akin. Mahirap na at baka mainlove ka pa kay hatter sa Wonderland.” Palatak nya  pa .

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now