Twenty Two

14K 173 16
                                    

 Twenty Two

IAN POV

Masayang pinapanood ko ang dancing fountain dito sa Luneta.   Ito ang  unang beses na nakarating ako dito . Hindi kailanman pumasok sa isipan  ko na makakaramdam ako ng contemptment sa ganitong kasimpleng date.  Oo nagdadate kami ni Irog dito sa Luneta. Kaninang tinawagan ko sya tinanong ko sa kanya kung saan nya gustong magdate kami . Sinagot nya akong gusto nyang pumunta ng Luneta. Noong una ay ayaw kong pumayag kasi inaalala ko lang sya.  Alam ko kasing maraming tao lagi sa Luneta dahil isa iyong libreng pasyalan . At kung maraming tao ibig sabihin mayroon kahit isa o dalawa ang makakakilala sa kanya at ang pinakaworst ay baka pagkaguluhan pa sya. Sa mga nakalipas na buwan ay lalo pang sumikat si Irog.  Halos mukha nya ang nakikita sa mga commercials.  Ayon sa media ay tumaas ang benta ng bawat produktong sya ang kinuhang endoser.  Masyado daw mabait si Irog at walang arte sa katawan kaya makamasa ang dating . Pasikat na sya ng pasikat ngunit simpleng-simple  parin sa pag-iisip at pagkilos si Irog. 

Naramdaman ko na ipinatong nya ang kanyang ulo sa aking balikat.  Lumingon ako sa kanya, iniyakap ko ang kanan kong braso sa kanyang baywang    at hinalikan sya sa kanyang ulo. Simpleng date , hindi magastos pero ang sarap sa pakiramdam.   Hindi sya nakilala ng mga tao dahil nakapigtail ang kanyang may kahabaang buhok. Nakasuot sya ng malaking reading glasses at may inilagay si Mars sa kanyang mukha na kung titingnan ay parang mga pimples. Nakasuot din sya ng bestidang kulay orange na hanggang talampakan ang haba , tapos naka suot sya ng itim na chucks sa kanyang mga paa. Hindi nga sya nakilala bilang si Tammy na isang artista pero pinagtitinginan parin kami sapagkat  hindi magkatugma ang aming mga porma. Naka dress shirt  ako na may kurbata pa at itim na slacks  dahil kagagaling ko lang  sa opisina bago ko sya sinundo sa kanyang condo.  Sa kasabikan na makasama sya ay hindi na akong nag-abala pang magbihis ng damit.  Saanman tingnang angulo ay hindi nga magkatugma ang mga suot namin sa bawat isa.

" I love you Irog " sabi ko sa kanya. Tapos hinalikan ko sya nang mabilisan sa kanyang mga labi. Napangiti naman sya.

 "Sir I love you too Sir"  sagot naman nya at nginitian ako.

"Oh my gulay! Anong nagustuhan nya dyan sa baduy na babaeng iyan?"  medyo rinig kong sabi ng babaeng nasa likuran namin sa kanyang kasama . Akala ko sa fountain sila nakatingin , kami na pala ang pinapanood nila.

" Oo nga , ang pogi noong lalaki pero yung babae kamukha ni Bebang. Siguro ginayuma nya 'yang poging kasama nya" sabi naman ng kausap nya. 

"Pogi ka daw Momo" bulong sa akin ni Irog. 

Tumawa naman ako.

"Ginayuma ba kita Irog?"

"Oo" seryosong sagot ko.

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now