Twenty one

14.2K 169 32
                                    

Twenty one

Ian Point of view

"Bwahahahahaha!" tawa pa rin namin ni Perry.  Ang kaninang masayang mukha ng mga nandito sa venue ng  surprised birthday party ko ay mga seryoso na at  naniningkit na ang kanilang mga mata sa pagkainis. Tiningnan ko ang mga  dating poging mukha ng aking  mga bestfriends . Ang tingin na ipinupukol  nila sa amin ni Perry ay  nakamamatay na sa sobrang talim. Naiinnsulto sila panigurado sa tawa naming dalawa.

"Grabeeng katuwaan naman iyan Ian . Kulang na lang ay magpagulong-gulong kayong dalawa ni Perry sa sobrang saya nyo eh no" nakataas ang kilay na sabi ni Tommy.  " Gusto nyo magtuloy-tuloy iyang kasiyahan nyo? Paghindi kayo tumigil pagugulungin namin kayo sa sahig" asar na sabi nya pa. Pinigilan ko na ang pagtawa dahil sa  uri nang tingin sa akin ni Vincent sigurado ako na masaya syang gagawin ang sinabi ni Tommy.

"  Paanong hindi  kami tatawa eh nakakatawa naman talaga kayong lahat. Ang papangit nyong lahat! Bwahahahaha! " singit ni Perry. Sa kanya bumaling ang  matatalim na tingin ng mga nandito. Gusto kong sawayin si Perry. Ako ang natatakot para sa kanya. Alam na alam ko ang pwedeng gawin sa kanya ng mga kaibigan ko.

"Perry tigil na" saway ko sa kanya.

"Eh Boss ang papangit nilang lahat eh. Sino ba naman ang nakaisip nitong taong grasa theme na party. Para silang mga  taong grasa na  hinuli ng DSWD at dito ibinagsak. Bwahahahahaha!  kakaibang party nga  ' to. Boss ,best party ever!"  patuloy sa pagtawang sinasabi nya.    Nilapitan na sya ng mga kaibigan ko at pinagbabatukan . " Boss help me please!"  Ay bahala na nga sya  sa  sarili  nya . Sinaway ko na sya pero ayaw tumigil.  Tiisin nya ang lupit ng mga super friends ko.

"Irog ikaw ang nakaisip nito no?" nakangiting sabi ko kay Irog.  Ang saya- saya ko akala ko nakalimutan nya na ang birthday ko. Tumango sya at niyakap ako. Hahaha! nagiging expressive na si Irog sa mga nararamdaman nya. Dati ni dulo ng daliri ko  ay hindi nya mahawakan ngayon sya na mismo ang yumayakap sa akin. Siguro kunting -kunting paglalambing na lang , si Irog na ang magyayayang magpakasal sa akin. Sana malapit na ang araw na iyon. Tama iyon ang gagawin kong birthday wish , ang mabuntis sya para magpakasal na kami agad. Hahaha! Ang brilliant ko talaga,

" Happy Birthday Momo" bati nya sa akin. "Nagustuhan mo ba?"  medyo nahihiyang sabi nya. Nakakagat sya sa ibabang labi  nya  tapos  iginagalaw- galaw nya ang kanyang kanang paa na parang gumuguhit ng imaginary circle sa sahig   habang nakatungo sya.

"Syempre naman Irog gustong-gusto ko. Lalo na itong naisip mo na  vagrants theme ,ang cool. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo  para  mapagpayag  na maging taong grasa ang mga super friends kong mga suplado. Hahahaha! Thank you  Irog" sobrang saya ko. Niyakap ko sya . Hahalikan ko sana sya sa noo nya kaya  lang may parang uling sya doon eh. Pero walang arte-arte hinalikan ko sya sa noo nya.  " Irog ang dumi mo pero ang ganda mo parin. Ano  ' to tunay na uling?"  Hinawakan ko ang duming nasa mukha nya.

"Make up lang iyan Momo, kagaya ng mga ginagamit sa mga drama at pelikula. Kiss mo na ako sa labi , dali na" nagpout pa sya  at ipinulupot ang kanyang mga braso sa leeg ko.  Mukha man syang madumi pero infairness ang bango-bango nya.  Ang ganda nya talaga. Pinakamaganda at mabangong  taong-grasang nakita ko sa  buong buhay ko. Nitong mga nakaraang mga buwan natuklasan ko rin na mahilig syang tumulong sa charity.    Ibinigay ko ang gusto  nya.. Hinalikan ko sya sa kanyang mga labi. Sarap namissed ko ang  matatamis nyang  mga  labi .

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now