Seventeen

16.9K 207 14
                                    

Seventeen

IAN

Ang bilis kumilos ni Tammy sa isang iglap nakaalis na kaagad s'ya dito sa hotel room namin. May pagmamadali n'ya akong ninakawan nang halik at walang pakundangan na  nilayasan n'ya na ako agad.  I felt I was  violated and used.   Matapos n'yang pagsamantalahan  ang aking kahinaan  iniwanan n'ya akong nakatulala.  Pero tuwing naiisip ko ang nangyari napapangisi ako. Hindi ko inaasahan na ibibigay n'ya sa aking ang kanyang pinakakaingatang pagkabirhen. Gusto kong sumigaw sa sobrang kaligayahan. Naniniwala na akong mahal n'ya ako, akala ko kasi napilitan lang s'ya na sagutin ako. 

Napasulyap ako sa orasan na nakasabit sa dingding . Mag-aalas otso na . Ang tagal ko na palang nakatunganga dito at  binabalik-balikan sa aking isipan ang nangyari sa amin na  seryosohang paglalambingan. Parang nanonood lang ako ng  isang romantikong pelikula. Nakakahiya mang isipin pero kinikilig ako.

Bumangon na ako para mag-ayos ng aking sarili. Pupuntahan ko ang lugar kung saan nagshoshooting  ang aking Irog.   Paniguradong gutom na iyon kaya kung maitatakas ko s'ya para magdinner ay gagawin ko.  

Matapos kung maligo ay nagsuot lang ako ng wife beater shirt , boardshorts at sandals. Tinawagan ko rin si Frank at sinabi kong antayin n'ya ako sa may lobby ng hotel. 

Prenteng nakaupo  sa may sofa na nasa lobby nang makita ko si Frank. Kagaya ko ay nakasuot din s'ya ng boardshorts at sandong black. Nilapitan n'ya ako kaagad.

"Alam mo ba kung saan ang shooting nila Tammy?" tanong ko  kay Frank. Hindi ko kasi naitanong kay Irog kanina.

" Yes boss"  sagot n'ya.

 "Kamusta naman ang araw mo?" tanong ko sa kanya. Ugali ko na kasing kamustahin ang mga staff ko.   Sabi kasi ng aking Lolo na ang magaling na businessman daw ay dapat inaalam ang kalagayan ng kanyang mga empleyado , kaya ganoon nga ang  lagi kong ginagawa.

" Eh boss ang kulit ni Mars, ginulo ako sa pagpapahinga ko. Tawag nang tawag sa cellphone. Buti na lang   hindi ko s'ya kasama sa kuwarto dahil kung nangyari iyon paniguradong sa buhanginan ako matutulog para makaiwas lang sa kanya. Ang hirap palang maging hunk" kumakamot sa ulong sabi n'ya.  Bakas sa kanyang mukha ang pagkairita.

"Ha!ha!ha!  " tawa ko , alam kong may crush sa kanya si Mars. " Gan'yan talaga ang buhay ng mga hunk na tulad natin kaya magtiis ka." 

" Okay lang sana Boss kung seksing babae kaya lang" napapailing na sabi n'ya.  

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now