Thirty Two

9.9K 131 12
                                    

Thirty Two

Tammy

 

 

 Mula sa pagkakatulog ay  bigla kong naimulat ang aking mga  mapupungay na mga mata nang maramdaman ko ang  lamig na  nagmula sa isang balde yatang ice cold water na ibinuhos mula sa aking ulo  deretso sa aking buong  katawan.  Ang lamig ay nanunuot sa aking makinis at mamula-mulang balat  na bunga ng  dalawang linggong  pagsusunbathing at pagpapasarap sa magandang beach ng Palawan. Napasinghap ako sa lamig.   

 

 

 

 “Ang sakit nun ha at ang lamig! “  inis na sigaw  ko  sabay  tingin nang masama sa   nakangising  creature   na  nakatayo sa aking harapan.   Nais pa sanang himayin ng aking intelligent mind kung tao ba o unggoy ang creature na ito kaya lang bigla syang nag evil laugh. So confirmed isa syang  evil man. 

 

 

 

“Anong tinatawa-tawa mo dyan  Mr. Creature from  the underworld?!” singhal ko sa kanya habang pinipilit kong igalaw ang aking mga kamay na kasalukuyang nakatali sa likod ng silyang kinauupuan ko.  Ramdam ko na ang hapdi ng balat ko sa aking mga braso at magkabilang kamay dahil sa pagkiskis sa lubid na sobrang higpit ang pagkakatali.  Kaya lang hopeless  lang ang pagpapahirap ko sa aking malasutlang balat na ginastusan ng aking  iniendors na skin clinic. Hindi kasi ito isang pelikula na kung saan ang bidang nakidnapped ay madaling makakalas ang  lubid na nakatali  sa kanya at sa isang iglap  ay makakatakas sya agad. So itinigil ko na lang ang pag-aattempt na makalas iyon.

 

 

Napasimangot ako nang tumawa lang uli siya . “Pwede namang isang basong tubig lang ang ibuhos mo sa akin diba? Bakit isang balde pa with tube ice pa talaga?” nanggagalaiteng tanong ko sabay tingin sa baldeng nasa  kamay nya.  Gusto kong ihambalos sa mukha nyang unggoy na feslak ang kulay pulang balde. Kalat-kalat din sa paanan ko ang mga yelong papatunaw na. Naiirita na ako sapagkat ramdam ko na ang basa kong damit na dumidikit sa aking katawan. It’s so irritating! My goodness!  Ang lamig kaya, kasi nakatapat pa ang isang bakal na malaking stand fan sa akin. Sa sobrang lakas niyon ay lumilipad-lipad na ang aking soft and shinny hair na parang sa isang hair conditioner commercial .Iginala ko ang aking paningin , nasa isang abandonadong lugar ako. Kalat-kalat ang mga gamit. May mga bote pa ng alak na nakatumba sa isang maliit na lamesita with isang platitong mani at pinagbalatan ng balut. Definitely not a good sight. Eeeew ang dumi ng place! May mga daga pa akong nakitang nagtatakbuhan. Siguro naglalaro sila ng black one two three. Playground yata nila itong maruming  lugar na ito at ang amo nila ay ang laughing  evil creature na kumuha sa akin.

 

 

“Bwahahahaha!” patuloy na tawa nya.  Tinaasan ko sya ng isang kilay  at bored na  pinagmasdan ang kanyang pagtawa.  “Hahahahahahahaha! “ patuloy na tawa nya.  Ipiniling ko sa kanan ang aking ulo. Tawa parin sya nang tawa.  Huminga ako nang malalim. Patuloy parin sya sa pagtawa. Naghikab ako . Nakakaramdam na naman ako nang antok ang tagal nyang tumawa . Kailan kaya sya matatapos?

 

 

 

“Hay Mr. Creature from the underworld, akala ko hindi ka na matatapos sa katatawa eh,” agad na wika ko matapos nyang magtatawa. Para syang isang kontrabida sa isang pelikula.   Napaisip ako kung kinabag ba sya sa katatawa nya kasi marami-raming hangin din ang siguradong pumasok sa tiyan nya.

My Make Believe BoyfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora