Nine
IAN's POV
Tama silang lahat dapat ko na ngang aminin kay Tammy na ako si Ian Mackenzie at hindi si Momo. Pero bago ako umamin kukunin ko muna ang loob nya. Para kahit papaano magkaroon naman ako ng kahit kunting pag-asa na papatawarin nya sa hindi pagsasabi ng totoo.
Napakamot ako sa ulo ko. Walangdyo! Vincent na Vincent ang dating ko nito ah. Ano ba naman kasi itong pinasok ko? Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang pagkaasar ko .
"Boss anong nangyari sa iyo?" nagtatakang tanong ni Perry. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sya dito sa opisina ko.
Tiningnan ko sya ng masama. " Bakit basta-basta ka na lang pumapasok?" Galit na tanong ko. "Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na kumatok?"
"Boss naman . Bakit nadamay ang nanay ko? " Kumakamot sa ulong sabi nya. "Kumatok naman ako ng maraming beses ah. Nag- alala lang ako sa inyo kaya pumasok na ako. Baka kasi naglaslas na kayo dahil sa malaking problema nyo Boss" sabi nya pa.
Pang-asar talaga itong taong ito. Anong malaking problemang sinasabi nya?
"Alam nyo Boss pagdating sa mga ganyang problema magaling ako dyan" nagmamalaking sabi nya pa. Tinapik-tapik nya pa ang kanyang dibdib.
"Sige nga anong mapapayo mo sa akin?" Naghahamon na tanong ko. Desperado na nga siguro ako kasi pati ang ipapayo ng kumag na ito ay papakinggan ko.
"Madali lang naman iyan boss" Palakad-lakad na sabi nya. " Una dapat kuhanin mo ang loob nya."
"Naisip ko na iyan" walangganang sabi ko.
"Pero Boss aminin mo . hindi mo alam kung papaano no?" pataas-taas pa ang kanyang kilay na tanong sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/8112850-288-k780733.jpg)
YOU ARE READING
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...