Twenty Four
IAN POV
“ Boss May super ganda at seksing babae sa labas na gustong makausap kayo” nagniningning ang mga matang sabi ni Perry sa akin na nagpaangat ng aking tingin mula sa mga binabasa kong documents.
“ Si Irog ba iyan? Kung hindi si Irog iyang sinasabi mong super ganda at seksing babae na gustong kumausap sa akin pero wala naman syang appointment ngayong oras na ito ay paki sabi mo na lang sa kanya na magpaschedule muna sya. Masyado akong busy ngayon” walang ganang sabi ko sa kanya. Tambak pa ang mga files na dapat kong pag-aralan at wala akong oras para tumanggap ng mga unwanted visitors.
“Oo nga Boss super ganda at sexy ng fiancee mo at alam ng mga tagahanga nga iyan pero hindi sya eh. Ito may pagkamasungit ang dating.”
“ Bigyan mo na lang ng appointment . Sige na lumabas kana doon at marami pa akong gagawin” pagtataboy ko sa kanya. Muling ibinalik ko ang aking atensyon sa binabasa kong documents.
“Eh Boss nagpupumilit eh. “
Tinapunan ko sya ng masamang tingin. Hindi ba nya nakuha ang sinabi ko? “ Perry sabihin mo magpaappointment muna sya. Anong akala nya dito fastfood na always welcome sya?” Medyo mataas ang boses na sabi ko. Simpleng utos hindi magawa ni Perry.
“Boss maganda nga pero nakakatakot ang dating at ang sabi nya pa sya daw ang apo ng kaibigan ng lolo mo.”
Bigla akong natigilan sa sinabi nya. Apo ng kaibigan ng Lolo ko , ibig bang sabihin siya ang sinasabi ni Lolo na pinipilit nilang mapangasawa ko? Ilang araw na ang nakalipas at kinalimutan ko muna ang tungkol sa “maliit daw na problemang “ sinasabi ni Lolo. Napahugot ako nang malalim napaghinga. Siguro nga dapat ko na syang harapin at ang problema ng pamilya namin. “ Sige papasukin mo” pagpayag ko. Lumabas naman kaagad si Perry. Hinamig ko ang aking sarili para sa paghaharap namin ng babaeng sinasabi ni Perry.
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang sopistikadang babae. May katarayan ang kanyang itsura. Naglakad sya papunta sa harapan ng lamesa ko. Rinig na rinig ang tunog ng takong ng kanyang high heels . Huminto sya at tiningnan ako nang mariing. Napasimangot ako dahil hindi ko nagustuhan ang kanyang ginawa. Tumungo sya at inilapit pa ang kanyang mukha sa mukha ko . Nagulat ako sa ginawa nya , agad-agad na lumayo ako. Sya naman ay pinagpatuloy lang na pinag-aralan ang mukha ko. Nakaramdam ako ng pagkailang. Pakiramdam ko isa akong specimen na pinag-aaralan sa microscope. Ang weird nya. Nagsmirk sya then nagstraight body uli. Nilibot nya ang paningin sa buong opisina , wari ko ay sinisipat nyang mabuti ang bawat kasulok-sulukan ng buong opisina. Naglakad sya papunta sa malaking couch . Umupo at sumandal. Tumingin sa kisame. Napakunot ang noo ko, bawat galaw nya ay sinusundan ko ng tingin. Pinipigilan ko ang sarili kong magsalita kasi ladies first nga diba. Kailangan sya ang unang magsalita. Tumayo uli sya at lumapit sa aking lamesa na nakapamaywang.
YOU ARE READING
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...