Twelve

18.6K 214 18
                                    

Twelve

IAN POV

Hindi ko na kaya!  Inip na inip na ako sa  bagal umusad ng istorya ng pag-ibig ko. Isang linggo na naman ang lumipas nang hindi na naman ako nakagawa ng paraan para makita si Tammy. Dinadaan ko lagi  sa pagpapadala ng mga regalo, pagkain at bulaklak  para sa kanya .  Nakakainis dahil laging si Planeta lang ang tumatawag sa cellphone ko para magpasalamat sa lahat ng iyon.  Pakiramdam ko nga na si Planeta ang nakikinabang , akala nya yata ay para sa kanya ang mga ibinibigay ko. Sya lagi kasi ang nagpapasalamat. Miss na miss ko na si Tammy. Gusto ko nang makita at makausap sya. Wala parin akong lakas ng loob para kausapin sya ng harapan. Arrrg!  Ngayon lang nangyari sa akin ito .Napaka torpe ko, pero ngayon lang naman kasi ako sumubok na manligaw. Wala pa akong niligawan kahit kailan . Sa pagkakatanda ko ang lahat ng nakarelasyon ko ay nadaan sa mabilisang unawaan. In other words easy to get silang lahat. Kaya lahat sila ay hindi nagtagal.

Pero ngayong araw na ito hindi na . Tatapusin ko na ang paggiging torpe ko.Nakaipon na ako ng  isang baldeng lakas ng loob para puntahan at kausapin sya. Siguro naman tama na ang mga panahon na lumipas para masabi ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman.  Nakakaramdam na siguro  sya na may pagtingin ako sa kanya.  Malalim ang pagmamahal kong nararamdaman sa kanya. Sapul na sapul sa aking puso, sa kanya ko lang naramdaman ito. Gigil na gigil na ako sa kahihinatnan ng pagsintang purorot ko. Whew! Lalim non.

Tutal Sabado ngayong wala akong pasok sa opisina kaya free ako buong araw, gabi hanggang bukas.   Ito na ang pinakahihintay ko!  Magkakalinawan na kami. Ngayon pa lang nakakaramdam na ako ng tuwa. Ano kayang magandang gimmik?  Kailangan ko ng payo . Kinuha ko ang iphone ko na nakapatong sa center table.   Sino kayang mahingian ng payo? Scroll down ng mga names ng kaibigan ko.  Ito si Matheo , sya kasi ang pinaka seryoso  sa mga bestfriends ko. 

IAN:  "Hello Matheo" masayang bati ko.

MATHEO:  "  'Pre  anong atin?" seryosong tanong nya. Hindi nakakapagtaka kasi sya nga ang pinakaseryoso sa amin.

IAN:    I cleared my throat.  " ' Pre  Ahhh !Kung ako ikaw ano ang romantic mong magagawa sa babaeng mahal mo?"   napapangiwing tanong ko sa kanya. Medyo nahihiya kasi ako.

MATHEO:  "Well kung ako ang tatanungin mo at sa ugali ng babaeng gusto ko ngayon . Pinakaromantic ang bigyan ko sya ng mamahaling wine. Sigurado akong sobrang saya nya." Walang ganang sabi nya. Hindi ko alam kung nagbibiro sya o seryoso. Napaisip tuloy ako. Mahilig ba sa wine  ang babaeng gusto nya? Siguro kasi may-ari sya ng bar at panay mahilig sa alak ang mga  nakakasalamuha nya  gabi-gabi. Siguradong isa sa mga iyon ang babaeng tinutukoy nya. Pero wala akong pakialam sa lovestory nya , Ito ngang lovestory ko  hindi pa nauumpisahan eh.

IAN:  "Tinggin mo o baka gusto mo lang akong bentahan ng mamahaling wine?" nagdududang tanong ko. 

MATHEO:  "Tingnan mo  ikaw, sabi mo kung ako eh. Sa sitwasyon ko iyon na ang pinakaromantic. Bahala ka na nga!  Basta kung susundin mo ang payo ko ,punta ka na lang dito sa bar para mabigyan kita ng malaking discount" inis na sabi nya  tapos pinagbabaan na ako .

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now