Forty Five

8.3K 174 79
                                    

Forty Five

Ian's POV

"P're bakit biglang nanahimik ka dyan?" tanong ni Caden sa akin habang nagmamaneho sya. Papunta kami sa bahay nina Sam para kuhanin ang manggang pinapahingi ni Irog sa akin. Pinagtawanan pa nga nya kanina ako noong pinuntahan ko sya sa kanyang bahay at pinakiusapan ko syang samahan ako sa bahay nina Sam. Kunwari pang ayaw nya pero halatang-halata ko naman na gusto nyang samahan ako. Naweweirdohan sya na kailangang manghingi pa ako kay Sam samantalang mayroon pa naman daw syang mga mangga at sa kanya naman daw nanggaling ang mga mangga ni Sam. Pero pinaliwanag ko sa kanya na kahilingan ni Irog na manghingi ako kay Sam at hindi sa kanya , kaya todo tawa sya pagkarinig sa kaweirdohan na gustong ipagawa sa akin ni Irog. "Ano P're bigla bang sumakit ang tyan mo at kailangan mo bang mag---- alam mo na," natatawang dugtong nya pa sa. "Huwag ka nang mahiyang magsabi , sanay na ako na laging sira ang tiyan mo."

" Fvck! Hindi sumasakit ang tiyan ko," nakakunot ang noong wika ko at binatukan ko pa sya. Lalo nya lang akong tinawanan. Hindi halatang masaya sya kahit malakas ang pagkakabatok ko sa kanya. Siguradong masayang-masaya sya dahil papunta kami kina Sam.

"Bakit nanahimik kang bigla? Hindi ako sanay na ganyan ka. Anong problema?"

"Ewan ko ba, bigla na lang akong kinabahan at hindi mapakali. Parang , basta, ewan ko," seryosong pag-amin ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit bigla na lang ako kinabahan. Nanlalamig ang pakiramdam ko at sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

"Gusto mo bang bumalik na lang tayo? " seryosong tanong nya pero halata sa boses nya ang pagkadismaya.

Napaisip ako kung babalik kami o dumeretso na lang. Kung babalik kami baka magtampo si Irog kung uuwi akong walang dala at  baka maging lawayin pa ang mga anak namin. Kasi sabi ng mga matatanda na kapag hindi daw nakain ng isang babaing buntis ang gusto nyang kainin ay nagiging lawayin daw ang anak. Kung bakit ko alam ang ganoong sabi-sabi ay sa kadahilanang nagtanong lang naman ako kay Mommy tungkol sa paglilihi at isa iyon sa mga nabanggit nya sa akin. Kung dederetso naman kami ay hindi matatahimik ang utak ko. "Siguro masmabuting umuwi na muna tayo then kapag nacheck kong okay lang si Irog ay pumunta na lang uli tayo kina Sam."

"Okay, kung iyan ang gusto mo. Para sa ikapapanatag ng iyong kalooban," palatak nya pero nag- u-turn din sya sa pinakamalapit na pwedeng paglikuan. "Relax ka lang dyan P're, buti na lang hindi pa tayo nakakalayo at ilang sandali lang makikita mo na si Tammy." Pagcocomfort nya sa akin. Napansin nya sigurong hindi na ako mapakali sa aking pagkakaupo. Nanahimik na lang ako.

Pagkapark na pagkapark ni Caden ng sasakyan ay agad na lumabas ako. Narinig ko pa ang pagpalatak nya dahil sa aking ginawa. May pagmamadaling tinakbo ko ang pagpasok sa aming tahanan ni Irog. Ang lakas na kasi ng aking kaba. Napahinto ako sa may pintuan at nanlaki ang aking mga mata nang makita kong nasa dulo na ng hagdan si Irog at walang nang malay. Ang bilis ng mga pangyayari , ilang segundo lang ang nakalipas nang makita ko pa syang masayang-masaya sa pagdating ng kanyang kapatid na si Maria Isabella. Isinigaw pa nga nya ang pangalan nito tapos bigla-biglang nasa dulo na lang sya ng hagdan at wala nang malay. Hindi ako makahinga at nanlambot ang aking mga binti. Nakatingin lang ako sa kanyang katawan at hindi makagalaw.

"Tammy!" narinig kong sigaw ni Maria Isabella. Bigla akong natauhan at agad na lumapit sa kanyang katawan na hindi gumagalaw. Gusto ko syang yakapin at agad na itakbo sa ospital.

" Anong gagawin mo?!" malakas na tanong sa akin ni Maria Isabella. Iniharang nya pa ang kanyang katawan sa aking dadaanan habang nasa tenga nya ang kanyang cellphone. Hindi ko alam kung sino ang kanyang kausap.

"Dadalhin ko sa ospital si Irog!" pasigaw na sagot ko. Hindi ako makapaniwala na hinaharangan nya ako sa paglapit kay Irog. Nasisiraan na ba sya? Kailangang maidala na agad si Irog sa ospital para sa kaligtasan nya at ng mga anak namin.

"Hindi pwede! Baka lalo syang madiskrasya. Hindi mo sya pwedeng galawin . Hintayin nating dumating ang mga medic na may mas alam sa ganitong sitwasyon!" basag ang boses na paliwanag nya.

"Hindi ko kayang makita si Irog nang nasa ganyang kalagayan. Hindi ko na sila mahihintay ! Kailangan gumawa na ako ng paraan!" pakikipagtalo ko sa kanya. Nangiginig ang buo kong katawan.

"Tumawag na ako sa pinakamalapit na hospital at papunta na dito ang mga medic nila kaya maghintay na lang tayo . Alam ko na nag-aalala ka at pareho lang tayo. Kung gaano mo kamahal ang kapatid ko ay ganoon ko rin sya kamahal at hindi ko rin kayang makita sya nang nasa ganyang sitwasyon. Baka lalo lang mapasama ang kalagayan nya kung gagalawin mo sya. Kaya please lang Ian pigilan mo muna ang sarili mo," lumuluhang wika nya. Natigilan ako sa kanyang mga sinabi. Totoo nga na wala akong alam sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam ang first aid na maaaring ibigay kay Irog.

"Maria Isabella pangako hindi ko sya gagalawin. Hahawakan ko lang ang kamay nya. Hindi ko kayang hindi sya mahawakan," pagsusumamo ko sa kanya. Kailangang mahawakan ko si Irog dahil kung hindi ko sya mahahawakan ay masasaktan ko ang aking sarili. Ang hirap pala ng nasa ganitong sitwasyon. Yung wala kang magawa sa taong mahal mo. Kasalanan ko ito eh, dapat hindi ko sya iniwan. Dapat hinintay kong dumating ang ate nyang masungit. Dapat inalalayan ko muna syang bumaba ng hagdan bago ako umalis. Kasalanan ko ang lahat. Gusto kong saktan ang aking sarili , gusto kong iparamdam sa katawan ko ang sakit. Pero hindi na siguro kailangan dahil sa mga oras na ito ang puso ko ay nakakaramdam na ng sobrang sakit. Pakiramdam ko ay unti- unting binibiyak ang aking puso. Napakasakit! Gusto kong sumigaw. Pinipigilan ko na pumatak ang aking mga luha mula sa aking mga mata.

"P're , sige lapitan mo na si Tammy," narinig kong wika ni Caden. Hinawakan nya pa ako sa aking balikat. Nakaramdam ako ng kunting lakas dahil sa hawak nya. Agad na lumapit ako kay Irog at hinawakan ang kanyang kamay. Kahit gusto ko syang yakapin ay pinigilan ko ang aking sarili. Tama si Maria Isabella na baka makasama kung yayakapin ko si Irog. Ramdam ko ang lamig ng kanyang kamay. Namumutla na sya pero alam at ramdam ko na buhay sya. Lihim akong napadasal na sana ay maging okay lang sya at ng mga anak namin. Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang tunog ng paparating na ambulansya habang hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha .

******

Maraming-maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta kina Ian at Tammy.

Advance Happy New Year sa inyo.

XOXO

***Annah ***

"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Make Believe BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon