Forty
Tammy
Nanginginig na ang buo kong katawan sa pagkainis sa mga pinagsasabi nila. Kung pwede lang na makipagtarayan sa kanila ay ginawa ko na kaya lang ay malaki ang respeto ko sa mga nakakatanda sa akin. Kailangang pagpasensyahan, mahal sila ni Momo kaya kahit masakit sa akin ang kanilang mga sinasabi ay kailangang tiisin. Ramdam ko na papatak na ang aking mga luha. Medyo nahihirapan narin akong huminga dahil sa pagpipigil sa paghikbi.
Humarap sa akin si Momo at niyakap ako. “Hush Irog. Huwag mong pakinggan ang mga pinagsasabi nila,” bulong nya sa akin at hinalikan pa ako sa noo.
Tumango ako at nginitian ko sya. Kailangang ipakita ko sa kanya na hindi ako apektado para hindi sya mag-alala. Kahit kasing sama pa ng pinakamasamang kontrabida ang pag-uugali ng kanyang pamilya ay mamahalin ko sila. Ganito ko kamahal si Momo, tatanggapin ko ang lahat sa kanya. Pero huwag silang magkakamali na paglutuin ako kasi lalagyan ko talaga ng laxative ang ihahanda kong pagkain.
“Mommy , Margie sinong kontrabida ba ang sumapi sa inyo?” magkadikit ang mga kilay na tanong ni Momo sa kanila. “Pati ba naman kayo Dad nakisali sa kabaliwan nila Mommy?” Baling naman nya sa kanyang Daddy na umiwas naman ng tingin. “ Kung hindi kayo aayos ,aalis na kami ng asawa ko,” pagbabanta nya pa tapos maingat na inalalayan nya ako para makaalis na kami. He even heaved a deep sigh. Naramdaman nya panigurado ang panginginig ng aking katawan. “Pasensya kana Irog sa kabaliwan nila ,” sabi nya pa sa akin pero nilakasan nya para marinig ng kanyang pamilya.
“Wait !” sigaw ng Mommy nya as I hear their footsteps. Huminto kami at humarap sa kanila. Nakababa na sila ng hagdan at malapit na malapit sa amin ni Momo. “Kayo naman hindi na mabiro eh,” nakangusong wika pa ng Mommy nya. Para syang bata at masgusto ko syang ganito kaysa kaninang parang salbaheng mother in-law. “ Nagjojoke lang kami. Tingnan nyo nga nag-effort pa kami na magsuot nitong mainit at makating costume .”
Now I know kung saan nagmana ng kabaliwan at pagiging weird si Momo. It runs in the family pala . Ang saya ng pamilya nila.
“Oo nga naman kuya. Ang KJ mo talaga!” nakalabing wika naman ng kapatid nya.
“Hija welcome to the family. “ Niyakap ako ng Mommy ni Momo at beneso-beso pa. “Joke lang iyong kanina ha. Kasi alam mo ba na naging ekstra ako sa mga pelikula noong kabataan ko. May offer na nga sa aking magandang role kaya lang itong Daddy ni Ian niyaya na akong pakasal kaya ito nang malaman ko na artista ka parang bumalik sa akin yung dati kong ginagawa. Pinakita ko lang naman sa iyo ang acting skills ko . Convincing ba?”
![](https://img.wattpad.com/cover/8112850-288-k780733.jpg)
YOU ARE READING
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...