Forty Two

4.2K 111 12
                                    

Forty Two


IAN POV


“Irog , here’s your towel,” malakas na wika ko pagkababa ko ng hagdan. Napailing ako nang makita ko na ang aking buntis na asawa ay nakahiga sa malaking sofa at natutulog na naman. Nakangiting nilapitan ko sya at pinagmasdang maigi. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang kanyang maganda at payapang mukha habang natutulog. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto kong pagmasdan sya habang natutulog. Siguro kasi ay masnag-eenjoy akong pagmasdan sya kaysa sa mga palabas sa telebisyon. Nakakatawa sya lalo na kapag nagsalita at tumawa sya habang tulog then sasabayan pa ng paglalaway nya. Hindi ko na mapigilan na hindi ako matawa kapag ganoon ang nakikita ko. Minsan pa nga ay vinedeohan ko sya at pinakita sa kanya kinabukasan. Hiyang-hiya sya noong pinanood ko sa kanya kaya lang hindi naman nya ako pinatulog sa aming kwarto nang isang gabi at ako ay sising-sisi sa ginawa ko .




“Irog , wake up,” mahinang niyugyog ko sya sa balikat. Kailangan nya nang gumising.



Pupungas-pungas na tiningnan nya ako. “Ang aga-aga pa Momo, iniistorbo mo ako,” nakangusong reklamo nya. 


“Irog kailangan mong maglakad-lakad para hindi ka mahirapang manganak,” kabilin-bilinan ng kanyang OB na mag-exercise si Irog lalo pa at triplets ang nasa kanyang sinapupunan. Higit pa sa pagtama sa lotto ang aking naramdaman nung nalaman ko na triplets ang aming anak. Kulang na lang ay sumayaw ako sa sobrang saya sapagkat yung hiling ko sa aking mga dasal ay ipinagkaloob sa amin.



“Tara nang maglakad-lakad sa labas habang hindi pa kainitan ng araw,” yaya ko pa sa kanya. Ngunit hindi parin sya kumikilos . Tinitingnan nya lang ako habang nakanguso. Bumuntong- hininga ako at payakap na itinayo ko sya. Ipinulupot ko sa kanyang baywang ang aking mga braso at iniyakap nya naman ang kanyang mga braso sa aking leeg. Napangiti ako sa kanyang ginawa. “Kanina ko pang gustong halikan itong mga mapupula mong mga labi. Alam mo ba iyon?” sabi ko at agad na sinibasib ko ng halik ang matatamis nyang mga labi. Kung isa akong babaeng buntis iisipin ko na pinaglilihian ko ang kanyang mga labi. Masmasarap pa sa pinakamatamis na prutas na aking natikman ang mga iyon. Sa aking palagay ay naaadik ako sa kanyang mga labi. Lalo ko pang diniinan ang aking paghalik nang tugunin nya.




“Momo , ‘wag na lang tayong maglakad . Dito na lang tayo sa bahay,” request nya sabay papungay ng kanyang mga mata.


“No Irog. Kailangan nating sundin ang bilin ng iyong OB,” mariing tanggi ko pero malapit na akong bumigay dahil sa kanyang pagpapacute.



“Sige na . Promise ikikiss kita every thirty minutes,” wika nya pa at niyakap nya pa ako nang mahigpit.


Tinitigan ko sya at umiling ako. Lagi nyang ginagawa sa akin gang ganito. Kung anu-ano ang ipinangangako nya kapalit ng hindi paglalakad sa labas. Kahapon ganito rin ang eksena . “ Irog hindi na pwede iyang sinasabi mo . Maglalakad-lakad tayo and that’s final.”



“Tinatamad ako at ayaw ng mga anak mo ang mainitan.”


“Kailangan mo ang sikat ng araw . Isa pa hindi pa ganoon kainit ang araw at mabuti iyun sa ating mga anak. Gusto mo bang maging unhealthy sila?”


“Kainis ka Momo! Masgusto mo akong mainitan kaysa halikan ka?”


“IKaw naman, syempre gustong-gusto ko ang iyong mga halik. Kaya lang----,”


“Eh di magkulong na lang tayo sa kwarto,” putol nya sa sinasabi ko. Napakatempting ng kanyang sinasabi pero dapat ipakita ko sa kanya na ako dapat ang masunod. Importanteng maging healthy sila ng mga bata kaya dapat hindi ako magpapadala sa kanyang mga pambobola.



“Okay magkukulong tayo sa kuwarto ,” kitang-kita ko na lumiwanag ang kanyang mga mata. “Pero after nating maglakad sa labas,” patuloy ko at bigla syang sumimangot. Natawa ako sa kanyang pagsimangot. “Baka tanghaliin na tayo kaya Mrs. Beautiful Tammy Mackenzie , tara na.” Agad na binuhat ko sya para hindi na sya makaangal pa.


“Hello Ninang Tammy!” Nakasmile nang sobrang laki na binati kami ni Red pagkatapat namin sa bahay nila Vincent. Nakaupo sya sa isang pangbatang silya na may design na Hello Kitty at may hawak syang Barbie.


“How are you Pretty Miss ? You look so lovely,” bati ko naman sa kanya. Kinarga ko sya at sabay na hinalikan namin sya ni Irog sa magkabilang pisngi.



Humagikgik sya. “Ninong at Ninang nakakakiliti,” tumatawa pang sabi nya. Hinalikan uli naming sya ni Irog. Nakakagigil talaga itong anak na babae nila Vincent. Sobrang cute na at napakasweet pa.



“Why you’re alone Pretty Miss?” tanong naman ni Irog sa kanya. Kinurot pa ni Irog nang marahan ang pisnge ni Red. Hindi nya na siguro mapigilan ang panggigigil nya sa mapupulang pisnge ng cute na bata.



“Ayaw ko po kasing magjogging kaya nagpaiwan po ako dito sa tapat ng bahay namin. Sina Daddy , Mommy at Grey po nagjojogging na then si Yaya po kumuha lang ng lemonade sa loob,” sagot ni Red. Natutuwa ako sa pagsasalita ni Red dahil medyo tuwid na samantalang ang Daddy nyang si Vincent ay bulol parin kahit tumuntong na ng eight years old. Yung pagiging bulol ni Vincent nga ang ginagawa naming pang-asar sa kanya dati at asar na asar naman sya.


“Tingnan mo Momo si Pretty Miss nga ayaw din magjogging tapos ikaw pinipilit mo akong maglakad,” nakaismid na sabi ni Irog sa akin.



“Irog buntis ka kasi kaya kailangan mo iyon,” paliwanag ko . May pagkaisip bata rin itong si Irog. Nagawa nya pang ihambing ang sarili nya kay Red.


“Ah basta isang balik lang tayo ha,” ungot nya sa akin.



“Okay ,” pagsang-ayon ko na lang . Basta pumayag syang maglakad ay ayos na rin. Next time ko na lang syang yayayaing maglakad ng masmalayo.


“Hi Tammy , Red at Ian !Goodmorning sa inyo! ” tumatakbong bati sa amin ni Aria. Nagtatakang napatingin kami sa kanya. Sa uri nang kanyang pagtakbo ay parang sasali sya sa isang pabilisan ng pagtakbo. Papalayong likod na lang nya ang aming napagmasdan.




“Nakita nyo ba si Aria?” humihingal na tanong sa amin ni Xander.



“Oo , binati nya pa nga kami eh. May sasalihan ba kayong marathon?” tanong sa kanya ni Irog. Siguro mga dalawang minuto rin ang nakalipas ang pagitan matapos batiin kami ni Aria. Hindi na namin tanaw si Aria sapagkat lumiko sya sa isang kanto.


“Wala, pero humanda sa akin iyang si BukoShake pagnaabutan ko sya.” May ginawang kalokohan siguro si Aria kaya hinuhunting sya ngayon ni Xander.



“Ha bakit?” halos sabay na tanong namin ni Irog.



“May ginawa na naman syang kalokohan. Sukat ba namang ipalaro nya kay Darcy ang paborito kong rubbershoes. Pinagkakalmot at kagat ni Darcy kaya pumanggit tuloy. “ Paliwanag nya. Kita sa kanyang mukha ang pagkainis. Si Darcy ay ang alaga nyang pusa.



“Okay lang iyan P’re. Mahal mo naman si Aria at Darcy diba?” tinapik ko pa sya sa kanyang balikat para iparating ang aking pakikiramay sa kanyang masakit na karanasan. Sa pagkakaalam ko napakamahal ng pagkakabili nya sa kanyang rubbershoes dahil isang rare na item iyon .



“Oo mahal ko nga sila pero kailangan parin nilang parusahan. Si Darcy kinulong ko muna hanggang mamayang tanghali at si Aria humanda sya kapag nakita ko sya.” Wika nya tapos umalis na rin para hanapin si Aria. Hindi ko na sya pinigilan dahil alam ko naman na sabi nya lang na paparusahan nya si Aria pero hindi nya iyon magagawa. Sobrang mahal nya si Aria at hindi nya kayang saktan ito.



“Go Tito Xander !” matinis na sigaw ni Red. “Habulin mo po si Tita Aria!”


Sabay na natawa kami ni Irog sa pagchecheer ni Red. Nakakatuwa talaga sya.





Iritang-irita na ako at hindi ako mapakali. Naririto ako sa office at inaayos ko ang mga dapat ayusin bago ako magleave. Napagdesisyunan ko na magleave muna habang nagdadalang tao si Irog. Medyo maselan ang pagbubuntis nya kaya gusto ko na laging nasa tabi nya. Lalo na at kumakalat na sa balita ang pagpapakasal namin. Alam ko na nag-aalala rin sya sa mga bali-balita tungkol sa biglaan naming pagpapakasal. Sa ngayon ay nananahimik muna kami at inaayos na ng manager nya ang gagawing mga interviews. Gusto ko kapag nangyari ang interview ay dalawa kaming haharap sa mga reporters. Marami-rami na rin ang mga hindi magagandang balitang idinidikit sa kanyang pangalan at ayokong maapektuhan sya ng mga iyon. Minsan may karumihan ang mga balita sa showbiz at isa na si Irog sa mga nakaranas at patuloy na nakakaranas ngayon. Bilib nga ako sa kanya sapagkat pinapakita nya sa akin na hindi sya apektado sa mga balita sa media.




“Perry, pumasok ka dito,” tawag ko sa kanya sa intercom.


“Yo! Boss . Anong kailangan mo sa pogi mong assistant?” Tanong nya pagkapasok nya ng pinto.



“Please call my wife. Kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi nya sinasagot ang cellphone nya. “ Kanina nang tumawag ako sa bahay ay sinabi ng aming kasambahay na si Nana Martha na lumabas lang daw sandali si Irog. Bibili lang daw ng manggo ice cream sa may grocery na nasa loob lang ng subdivision .Pero isang oras na ang nakakalipas hindi pa sya bumabalik. Masyado na akong nag-aalala tapos hindi ko pa maiwan ang opisina dahil kailangan kong tapusin ang mga maiiwan kong trabaho.




“Boss out of coverage area daw.”



Nakakunot ang noong napatingin ako kay Perry. Ayoko mang aminin pero may namumuong kaba na sa aking dibdib. “ Tawagan mo uli, then pakitawagan sina Alex pakitanong kung nasa kanila si Irog.” Ayokong mag-isip ng kahit anuman. Minadali ko nang tapusin ang mga ginagawa ko. Kailangang makauwi na ako sa bahay. Hindi ako mapakali hangga’t hindi ko pa nakakausap si Irog at masigurong okay lang sya. Kailangang mayakap ko sya para matanggal ang kaba sa aking dibdib.




“Sir , may naghahanap po sa inyo sa labas. Importante daw. It’s about your wife,” humahangos na pumasok sa opisina ko ang isa ko pang sekretarya.


Kinabahan ako sa kanyang sinabi. Agad na pinapasok ko sa kanya ang taong naghahanap daw sa akin. Nakakaramdam ako ng panghihina pero nagpakatatag ako. Naguguluhan ako sa sinasabi nya na tungkol kay Irog ang kanyang sadya.



Matatalim na tingin ang sinalubong ko sa lalaking pumasok ng pintuan. Sya ang lalaking lagi kong napapansin na sumusunod-sunod kay Irog saan man kami magpunta. Ito ang taong pinaghihinalaan kong stalker nya. Anong ginagawa nya dito at nasaan ang aking asawa?



******
Guys sorry kung ngayon lang ako nakapag-update
Thank you!
Annah








My Make Believe BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon