Twenty Six
IAN POV
Magkaholding hands habang naglalakad kami ni Irog papunta sa favorite nyang restaurant dito sa Mackenzie Place. Katatapos lang naming manood ng movie at kakaubos nya lang ng extra large na popcorn with two liters of ice tea. May kadamutan din pala itong si Irog kasi hindi nya ako binigyan ng popcorn buti na lang hindi ko paborito ang popcorn kaya hinayaan ko na lang syang ubusin iyon May mga iilan-ilan na tumitingin sa dereksyon namin, siguro namumukhaan nila si Irog . Ngunit sa tingin ko ay nagdadalawang isip sila sapagkat ang simple lang ng suot ni Irog , malayong-malayo sa itsura ng mga sikat na celebrities. Nakacouples shirt kaming dalawa na kulay black. Yes napilit nya akong suotin ang binili nyang couples shirt at pinagbihis nya ako sa comfort room ng mall dito sa Mackenzie place. Nakaskinny jeans sya na black with the black couples shirt at black na Chucks. Tapos nakapony tail ang buhok nya without any make-up in her face. Lipgloss lang sa kanyang mga labi. Simpleng-simple pero ang ganda nya. Ako naman naka black na couple shirt at black levis jeans. Bagay na bagay kami kasi pareho kaming nakaitim. Para kaming mga emo na kabataan.
Pasway-sway pa ang aming magkaholding hands na mga kamay habang naglalakad. Inaaya ko syang magshopping pero ayaw nya daw. Marami pa naman daw syang mga gamit na bigay ng kanyang mga sponsors. Napasimangot ako kasi ang gusto ko ako ang magprovide ng mga gamit nya pero sinamaan nya ako ng tingin. Ano ba daw ang akala ko sa kanya ‘gold digger’? Kaya bago pa tupakin na naman ang moody kong fiancee ay hindi na ako nagpumilit pa. Although masaya kapag nagkakatampuhan kami kasi favorite part ko ang pagbabati namin. Sobrang gustong-gusto ko ang part na iyon.
“Sissy Tammy!” tili ng makakasalubong naming babae na may kasamang foreigner. Nanlalaki ang kanyang mga mata na nakatutok kay Irog . “ OMG! Ikaw nga bestfriend Tammy!” patuloy na tili nya. Nakakatawag na sya ng pansin sa mga taong naglalakad. May iilan na huminto at lumingon sa amin ni Irog. Makikilala na nila si Irog. Lumingon ako kay Frank at simpleng sumenyas ako sa kanya na humanda sya kung sakaling magsilapitan ang mga tao kay Irog. Tumango naman sya .
“OMG! Best! “ tili naman ni Irog bumitiw sya sa akin at masayang sinalubong ang babaeng tumawag sa kanya. Napahawak ako sa ulo ko. Patay na! Nakatawag na silang dalawa nang pansin. Para silang mga batang nagyakapan habang tumitili ng OMG! Paulit-ulit. Para silang mga sirang plaka. Tapos sabay na patalon-talon pa. Medyo natawa ako nangsulyapan ko ang foreigner na kasama ng babaeng tinawag ni Irog na best. Nakakunot ang noo nya at mukhang nabigla sa ginagawang pagtili at yakapan ng magbestfriend.
“OMG! Tammy sikat ka na daw na artista! ?” Malakas ang boses na sabi nya. Lalong tumingin ang mga tao pagkarinig sa sinabi nya. Parang naconfirmed na si Tammy nga ang katilian nya.
“ Oo best sikat na akong artista sa perya!” Malakas na sagot naman ni Irog. Natawa ako sa sinabi nya. “ You know sa perya yung small version ng Enchanted Kingdom , kunwari ay isa akong serena na nahuli at nagshoshow sa perya. Minsan manood ka Best! Kasi kumakain ako ng buhay na manok sa show!”
Hahaha! Tuluyan na akong natawa. Napapailing ako sa kalokohan ni Irog pero effective kasi nagsilakaran na ang mga pasimpleng nakikiusyuso.
![](https://img.wattpad.com/cover/8112850-288-k780733.jpg)
YOU ARE READING
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...