Fourteen
Ian's POV
Ding!Dong!
Pinindot ko ang doorbell ng unit ni Tammy. Masaya ako kasi magkikita na naman kami ng babaeng iniirog ko. Ilang araw din kaming hindi nagkita kasi parehas kaming busy. Nagkakausap lang kaming dalawa sa pamamagitan ng tawagan sa cellphone at hindi ako kontento doon kaya lang kahit anong gawin namin hindi talaga magtugma ang aming schedules. Ako busy sa mga meeting at sya sa shootings at tapings. Ngayon maluwag ang schedule ko kaya wala na akong sinayang na oras pinuntahan ko na sya agad.
Inayos ko ang buhok ko baka nagulo sa paglalakad ko at inamoy ko ang hininga ko. Okay mabango parin. Huminga ako ng malalim medyo kinakabahan ako. Si Tammy lang ang may kakayahan na pakabahin ako.
"Hello irog" nakangiting bati ko sa maladyosang babaeng nagbukas ng pintuan. Ang ganda nya talaga.
"Pasok ka Momo" nakangiti rin na sabi naman nya sa akin.
Pumasok ako sa loob ng unit nya. Ngayon lang uli ako nakapasok dito. Noong gabi na hinatid ko sya mula sa romantic date namin sa sementeryo ay hanggang labas lang ako ng pinto. After kasi nang maihatid ko sya sa harapan ng pintuan nya ay pinagsarhan nya ako. Muntikan pa ngang tumama sa mukha ko ang pinto buti na lang mabilis akong napahinto. Kawawa naman ang gwapo kong mukha pagnakataon na tinamaan . Naguluhan ako sa kanya , hindi ko naman alam na takot pala sya sa sementeryo gusto ko lang naman syang dalhin sa puntod ni Dolphy at Rudy Fernandez. Akala ko matutuwa sya kasi artista sya kaya sa tingin ko gusto nya ring makita ang mga puntod nila. Wala pa nga sa main event ng date namin bigla na syang tumakbo. Si Manong Guard naman kasi ang lakas makapanggulat. Pero okay narin natikman ko naman ang kanyang napakasarap na mga labi. Isa pa naging kami na. Napakasaya ko nang gabing iyon . Halos hindi ako makatulog. Kinabukasan tinawagan ko sya para itanong uli sa kanya kung kami na nga ba talaga. Halos mapatalon ako sa sobrang tuwa nang sinabi nyang oo. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib akala ko nadala lang sya ng takot nya kaya nya ako sinagot.
" Upo ka muna dyan Momo ikukuha lang kita ng juice" sabi nya habang nakatayo kaming dalawa. Magkaharap kaming dalawa. Take note kunti lang ang pangitan namin . May katangkaran si Tammy kaya halos magpang-abot ang mukha naming dalawa. Napalunok ako dahil nakatitig ako sa kanyang mapupulang mga labi. Walang lipstik ang mga iyon ngunit parang strawberry na masarap kainin sa pula. Organic hindi ginamitan ng fertilizer. Nakakatakam!
" Anong gusto mong kainin Momo?" tanong nya pa sa akin. Ang lambing ng boses nya.
Napangisi ako sa tanong nya. " S-Strawberries" mahinang sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga labi. Pero ang gusto kong kainin ay ang kanyang mga mapupulang mga labi.
![](https://img.wattpad.com/cover/8112850-288-k780733.jpg)
VOCÊ ESTÁ LENDO
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...