Eight

22.4K 329 49
                                    

Eight

Ian POV

I parked my SUV outside the cute house of Nahm family.   Dito  naisipang   pansamantalang tumira nina Vincent at Alex.  Maliliit pa naman daw ang kambal nilang anak na sina Grey at Red.  They are  five years old at napaka bibo like their parents.  Si Grey ay cute little boy na nagmana sa ugali ni Alex na mahilig sa kalokohan while Red is a  pretty little Miss  na nagmana naman sa kasungitan ni Vincent.   Tsaka na lang daw sila lilipat sa malaki nilang bahay kapag nagdalaga at nagbinata na ang kambal .  This cute little house was designed by Alex.  Right after college ay nagbuntis na sya sa kambal  as they plan.  I still remember ang araw na  ibinalita sa amin ni Vincent na magkakaroon na sila ng little angel  (at that time hindi pa nila alam na kambal) grabee makapagyabang. Iniinggit kami. Kami na man may kunting inggit na naramdaman  .  Nawala ang paggiging masungit nya.   Lagi syang nakangiti kahit na hirap na hirap sya sa paghahanap ng mga request na prutas ni Alex. May time na tinutulungan namin sya sa paghahanap at sa mga oras na iyon bumilib ako sa laki ng pagmamahal nya sa asawa nya. Ang hirap palang magkaroon ng buntis na asawa, ang daming request. Nang maipanganak na ni  Alex ang kanilang kambal ay halos maiyak sa tuwa si Vincent. Ganoon siguro kapag nasilayan na ng mga magulang ang kanilang bagong silang na anak  mapapaiyak sa sobrang tuwa. Kami nga halos maiyak din. Bading na kung bading pero nakakahawa ang sayang naramdaman ni Vincent at that time.

Halos five years din akong  tumira sa California but time to time naman ay bumibisita rin ako dito sa Pilipinas.  Sa mga panahon na iyon ay lagi kaming magkakasamang magkakaibigan syempre with Alex and their kids. Hindi kasi maiwan ni Vincent ang pamilya nya. Pag boys night out nga namin ay  kasama parin si Alex.  Since college naman ay napalapit na rin kami kay Alex pati sa bestfriend nya na si Sam  parang sila ay one of the boys na rin .   Si Aria kasi pinagpipilitan na sya naman daw ay muse.

Bumaba na ako sa sasakyan ko. Wala akong kasamang bodyguards kasi Saturday naman at pinag day off ko muna sila  pati ang driver ko. Nakakapagod din naman na laging may nakabuntot sa akin . Si Daddy kasi  kung anu-anong iniisip na maaring mangyari sa amin na pamilya nya. Masyadong praning porket araw-araw laging mga crimen ang  inaatupag.  Isa pa ayaw nyang humawak ng negosyo kaya sa akin na pinamahala ni Lolo ang mga negosyo nya noong magretired sya.

Nagdoorbell ako at pinagbuksan ako ng kasambahay nila. Dumeretso na ako sa loob ng bahay.  

"Hey Ian! Kamusta?" masayang bati sa akin ni Alex.  Lalo syang gumanda bumagay sa kanya ang paggiging ina.

"Ito pogi parin"  ngisi ko at akmang yayakapin ko sya. Ilang buwan din kaming hindi nag kita.

Ngunit bago ko sya mayakap ay  humarang na sa kanya si Vincent at  si Vincent ang nayakap ko.  Narinig ko na natawa si Alex sa ginawa ni Vincent. May pagkapossessive  sya kay Alex at tuwang-tuwa naman si Alex sa paggiging possessive ng asawa.

My Make Believe BoyfriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt