Thirty Six

7.5K 161 17
                                    

Thirty Six

Tammy

“Ay Sisterette ang pretty- pretty  mo. Waging-wagi ang peg mo ngayong gabi!” tumitiling naibulalas ni Mars pagkalabas ko ng walk-in closet. Napangiti ako sa kanyang  papuri.   Aaminin ko na napakalaki nang nagawa ng suot-suot kong gown para lalong lumabas ang aking itinatagong kagandahan. 

“Tama na nga iyang paghanga mo sa aking kagandahan,” nakalabing sabi ko sa kanya.  “  Tara na doon sa paggaganapan ng photoshoot at baka lalo tayong gabihin at magtampo pa si Momo,” dagdag kong  wika at  humakbang na ako palabas ng kwarto. 

“Ang ganda ng gabi,”  humahangang naibulalas ko habang nakatingala sa kalangitan. Kaaya-aya sa aking paningin ang mabilog na buwan na pinalilibutan ng napakaraming kumikinang na mga bituin.

“Sisterette masmaganda ka pa sa gabi,”  papuri ni Mars sa  akin. Napalingon ako sa kanya na nakataas ang isang kilay.

“Huwag mong sabihing naiin-love ka sa aking kagandahan Mars. Kung makapuri ka wagas . Please lang pigilan mo iyang nararamdaman mo kasi ngayon palang sinasabi ko saiyong wala kang aasahan sa akin. Si Momo lang ang mahal ko at sya lang ang aking mamahalin,” nahihindik na  naibulalas ko.

“Dream on Miss Tammy Salcedo, mahindik ka nga dyan! Kahit kailan hindi ako nakaramdam ng kakaiba sa iyon no!” nakataas ang dalawang kilay na wika nya.  Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya.

“Grabee ka Sisterette humahanga lang naman ako sa  obrang nagawa ko dyan sa iyong feslak. In-love na kaagad ? Isa pa  lalo lang naman lumutang ang iyong kagandahan dahil dyan sa gown na suot mo pero kung sa ordinaryong araw masmaganda ako sa iyo no!”  Nakangusong reaksyon nya.

My Make Believe BoyfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora