Twenty Three
IAN POV
"Irog wake up" mahinang gising ko kay Tammy. Mahimbing parin syang natutulog sa aking kama. Ang peaceful ng itsura nyang matulog. " Irog gising na" medyo nilakasan ko na ang paggigising sa kanya. Ngunit ganoon parin hindi parin sya gumigising o any sign na gigising man lamang ay wala parin. "Irog gising na!"isinigaw ko na. Ewan ko na lang kung hindi pa sya magising sa lakas ng pagkakasigaw ko.
Pupungas-pungas na idinilat ni Irog ang kanyang mga mata. Nakangiting tumingin sya sa akin. Ang ganda nya talagang ngumiti , walang kupas kahit bagong gising ay kaakit-akit ang kanyang ngiti. Pakiramdam ko biglang naghungis puso ang aking mga mata kagaya ng sa mga cartoons kapag naiinlove ang mga characters. Napahawak ako sa aking dibdib at huminga nang malalim , ang aking puso ay nagwawala at gusto kong pakalmahin.
“Momo bakit ang layo mo naman sa akin. Halika dito “ sweet na sabi nya sa akin. Umupo sya at sumandal sa headboard ng kama tapos itinaas nya pa ang dalawa nyang braso na akmang pinalalapit ako dahil gusto nya akong yakapin. Kinilig ako kasi ang aga-aga mayayakap ko ang babaeng pinakamamahal ko.
Bilang isang masunurin at mapagmahal na fiance ay agad na lumapit naman ako sa kanya para pagbigyan ang kanyang request. Masyado akong mahina sa mga hiling nya . Pagkalapit ko sa kanya ay mabilis na hinatak nya ang dalawa kong kamay kaya napahiga ako sa kama . Sa bilis ng mga pangyayari namalayan ko na lang ay nakaupo na sya sa aking dibdib at sinasakal na ako. “Irog bakit mo ako sinasakal?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang kaninang nakangiting mukha nya ay napalitan na ng mga kilay na magkadikit at matatalim na tingin sa akin. Ang kanyang nguso ay nakapout na. “ Irog anong nangyayari sa iyo? Minamaligno ka ba?” nahihirapang humingang tanong ko. Humihigpit na ang pagkakasakal nya sa akin. Pilit kong tinatanggal ang kanyang mga kamay sa leeg ko.
“Alam mo namang natutulog ako diba? Bakit sumisigaw ka?” nakasimangot na tanong nya. Medyo niluwagan na nya ang pagkakasakal sa akin. “ Alam mo ba sinira mo ang panaginip ko. Kakagatin ko na sana ang inihaw na dinosaur na nahuli mo eh. Ang sarap pa namang tingnan ng pagkakaihaw. Naglalaway na ako eh tapos bigla kang sumigaw . Nagising tuloy ako.” Inis na sabi nya. Nakapameywang na sya pero nakaupo parin sa dibdib ko. “Tsk!Tsk! First time lang akong makakakainin ng dinosaur sinira mo pa!”
Nakatitig lang ako sya kanya at lihim na natatawa sa mga pinagsasabi nya. Kaya pala sya nagagalit kasi gusto nyang kainin ang dinosaur na pinapahuli nya sa akin kagabi. Ang haba naman ng panaginip nya hanggang ngayong alas dyes ng umaga tumatakbo ang kanyang panaginip. Gaano ko kaya katagal nahuli ang dinosaur ? Kaya inabot hanggang umaga bago naihaw. Hahaha! May pagkabaliw din pala itong si Irog. Masyadong apektado sa panaginip , to the point na nagalit sya at sinakal pa ako dahil sa nagambala ko ang panaginip nya.
“Hahaha!” Hindi ko na napigilang tawa ko. Nakangusong nakatingin naman sya sa akin. “ Sorry Irog hindi ko naman alam eh.” Hingi ko ng paumanhin tapos hinatak ko sya para mapahiga sya at ako naman ang pumaibabaw sa kanya. Ang ganda ng pwesto namin. “ Huwag ka nang magalit , pinagluto pa naman kita ng breakfast “ sabi ko sa kanya then halik sa kanyang mapupulang mga labi. Pagkakataon ko nang humalik kaya hindi ko na pinalagpas isa pa nakakatuwa ang nakapout nyang nguso para akong inaakit. Napangiti ako nang tinugon nya ang halik ko.
YOU ARE READING
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...