Thirty One

10.4K 141 25
                                    

Thirty One

MARS   

“ Parang awa nyo na mga mamang kidnapper ako na lang ang kunin nyo! Ibibigay ko ang buo kong katawan  kapalit ni sisterette Tammy! Huhuhu!” Malakas na sigaw ko habang hinahabol ang papalayong sasakyan. 

  Pakiramdam ko ako si Shan Chai habang hinahabol ang sinasakyang bus ni Dao Ming Si sa Meteor Garden part 2. Halos madapa na ako sa paghabol pero useless lang nakalayo na sila at ako naiwang luhaan at panay gasgas ang tuhod. Kulang na lang ay magpagulong-gulong ako sa kalsada sa sobrang pagkabigong nararamdaman ko na hindi mailigtas si Sisterette. Hindi ako nangangamba na masasagasaan sapagkat walang sasakyan na dumadaan.  Mag-aala una na kaya bihira may  maligaw na sasakyan  dito sa lugar kung saan dumaan ang mamahaling sasakyan ng mga kidnappers.  Ang lugar kung saan ako nakasalampak at lumuluha. 

Bakit si sisterette pa ang nakidnapped dapat ako na lang?  Sa aking paniniwala ay  di hamak na masmaganda at masseksi naman ako kay sisterette.  Sayang ang mamacho pa naman ng mga katawan ng mga kidnappers. Kahit na nakakatawa ang mga suot nilang mga maskara carry na rin sa laki ng mga katawan. Tumayo ako at lumakad pabalik sa condo tower namin. Kailangang maireport ko ito sa mga pulis. Baka kung anong gawin ng mga kidnappers kay sisterette. Masyado akong nag-aalala.

Paika-ika na naglakad ako.  Unti-unti ko nang nararamdaman ang sakit ng mga gasgas sa tuhod ko.  Bigla akong nagulat nang tumunog ang aking cellphone  na nasa bulsa ng aking  pink  at super seksing short shorts.  Tumigil ako sa paglalakad at  nanginginig ang aking  kamay na kinuha ko ang aking cellphone. Tiningnan kung sino ang caller at dali-daling sinagot ang tawag.

“Mr. Mackenzie  huhuhu!” hindi ko na napigilan  ang umiyak nang tuluyan. “Si Sisterette nakidnapped. Tulungan mo akong hanapin!”  outburst ko .  Halo-halo na ang aking nararamdaman. Sumasakit ang dibdib at ulo , nanginginig    at  histerikal.  Si Manong Guard nakatingin lang sa akin  at parang nadadala na sya sa aking pagbrebreakdown habang kausap si Mr. Mackenzie sa  aking smartphone na kulay pink.

[“ Planeta calm down,”]  mahinahon na sabi niya sa akin.

“Calm down? Nakidnapped ang kaibigan ko na fiancee mo , tapos sasabihin mo sa akin calm down lang?”  galit na sigaw ko . Nasisiraan ba itong si Mr. Mackenzie? Paano ako magcacalm down?

[“Pakinggan mo muna ako----”]

“Hindi! Dapat ako ang pakinggan mo!”    putol ko sa sinasabi nya. “ Si Tammy kinuha ng mga machong mga kalalakihan at isinakay sa mamahaling sasakyan. Kailangang tumawag tayo ng mga pulis!”  humihingal pa na sabi ko. 

[“Alam ko kaya nga dapat pakinggan mo muna ako.”]

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now