Thirty Eight

6.1K 124 5
                                    

Thirty Eight

Tammy

Nang matapos na si Mars sa pagretouch sa aking make up at buhok ay agad na pinalabas nya na ako ng tent.

Nung una ay okay lang ang aking pakiramdam ngunit habang papalapit ako sa pagdadarausan ng kasal namin ay hindi ko na alam kung ano ang aking nararamdaman. Medyo nahihilo ako at nasusuka na sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay parang taling nakabuhol ang aking bituka.

Pumikit ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga binti. Dapat sanay na ako sa mga ganitong sitwasyon dahil bilang isang artista ay natural lang na laging nasa mga katulad ko ang atensyon ng mga taong nakapaligid pero siguro dahil sa kasal ko ito at isa pa ay biglaan kaya medyo kinakabahan ako. In other words ay hindi ako ready.

Pinagala ko ang aking paningin sa paligid na may mga palamuti. Napakaganda talaga ng pagkakaayos nitong lugar. Siguro hindi lang isang araw nila ito inayos .

"Are you ready Irog?" tanong ni Momo mula sa aking likuran. Humarap ako sa kanya at nginitian sya . " Oo?" alanganing sagot ko na patanong at nginitian sya. Huminga pa ako ng malalim para maibsan ang kabang nararamdaman ko.

"Alam ko kinakabahan ka pero don't worry Irog. Sasamahan kita hanggang sa altar," nakangiting wika nya.

Ano daw? Tama ba ang narinig ko na sasabayan nya akong maglakad hanggang sa altar?

"Sasabayan mo ako?" nagtatakang tanong ko. Weird pala itong si Momo eh.

"You heard him right Tammy," singit ni Matheo. "Natatakot kasi itong si Ian na magbago ang isip mo at takasan mo na sya nang tuluyan." Nakangising wika nya habang tinatapik ang kanang balikat ni Momo.

"Hindi ah. Gusto ko lang sabay kami ni Irog na maglalakad papunta sa altar. Para sa akin ang ibig sabihin niyon ay sabay naming haharapin ang bukas," seryosong paliwanag ni Momo.

Pagkarinig ko sa sagot nya ay napangiti na ako ng tuluyan. I like that. Yong sabay naming haharapin ang bukas. Nakakainlove talaga itong si Momo. Hindi sya nahiya na sabihin iyon na kaharap pa ang kanyang kaibigan. Kinikilig ako.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili , niyakap ko syang bigla.

"Hahahaha! Irog mamaya mo na akong yakapin at baka hindi ako makapagpigil. Ang ganda-ganda mo pa naman ngayon sa suot mong wedding gown," bulong nya sa tenga ko at napahagikgik ako sa sinabi nya. Pakiramdam ko nag-init ang aking mga tenga .Nakakakiliti.i

"Mamaya na iyang landian mga Lovebirds ," wika ni Tommy at pinaghiwalay nya pa kami ni Momo nang sapilitan . "Kanina pa nakaready ang lahat at lumalalim na ang gabi. Pwesto na kayo para masimulan na natin itong kasalan na ito. " Pinandilatan nya pa kami ng mga mata at natawa naman ako sa inakto nya. Kung wala lang syang asawa iisipin ko na bading itong si Tommy. Ang lambot nyang kumilos.

My Make Believe BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora