Thirty Nine

5.8K 133 16
                                    

Thirty Nine

Tammy

“ ‘Pre  hindi ka ba natutuwa sa surprise namin sa inyo?” nakangising tanong ni Caden. Ang mga kaibigan nya ay nakapalibot sa aming dalawa at  halatang inaasar sya. Ang laki kasi ng pagkakangisi nila at kahit si Vincent na medyo suplado ay nakangisi din. 

“Sobrang natutuwa,” nakairap na sagot naman ni Momo. Natatawa talaga ako sa naiinis na mukha niya. May pagkasarcastic ang pagkakasabi nya pa.  “Pero masmatutuwa ako kung magsisipag-uwian na kayong lahat.”

Sabay-sabay na nagtawanan ang kanyang mga kabarkada. “ Napaghahalata ka ‘Pre  . Tiisin mo muna .” Pang-aasar naman ni Matheo.

Tinapunan naman sya ng matalim na titig ni Momo. 

“ Hinanda pa naman namin itong welcome party  para sa inyo kaya mag-enjoy kayong dalawa,” singit naman ni  Tommy.  Then hinatak nya  pa ako. “ Tara  Mrs. Beautiful Tammy tikman mo ang mga inihanda naming foods.” Sabi nya pa sa akin. Pagkarinig ko sa salitang pagkain ay agad na naglaway ako. Gutom na pala ako.  

“Tommy ibalik mo sa akin ang asawa ko!,” narinig kong sigaw ni Momo pero patuloy lang ang paghatak sa akin ni Tommy papunta  sa isang mahabang mesa kung saan nakahanda ang iba’t ibang putahe.  Agad na naglaway ako pagkakita ko sa mga foods. Mukhang masasarap lahat.  Lalo na ang mga desserts , nakakapaglaway. Agad na tinikman ko isa-isa ang mga iyon. 

“Ang sasarap!” naibulalas ko pagkalunok ko sa pagkaing nasa aking bibig .

“Thank you at nagustuhan mo ang mga inihanda namin,” masayang wika ni Alex. May  hawak din syang plato at kumukuha sya ng pagkain.

“Oo naman. Salamat ha. Natutuwa talaga ako dito sa ginawa nyo,”   sabi ko tapos subo ng chicken lollipop. Ang sarap talaga!

“Istorbo ba kami?” natatawang tanong nya pa.

Natawa din ako sa tanong nya at umiling.

“Siguro sa iyo hindi pero sa pagkakabasa  ko sa mukha ni Ian , alam ko na istorbo kami,” she said while laughing.  “ Ganyan na ganyan din ang mukha ni Honey noong hindi pa nag-uuwian ang mga bisita noong kasal namin eh.  Todo lukot na ang mukha nya, kaya niyaya ko na syang takasan ang reception.”

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now