A/N: Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit si Ian ang laging may point of view samantalang noong sinimulan ko itong isulat si Tammy ang nag POV. Haist! Siguro sa past life ko lalaki ako. Tell me the truth guys may pagkabading ba ang pagkakasulat ko sa pov ni Ian at gusto nyo naman ng POV ni Tammy?
Twenty Five
IAN POV
May pagkainip na naghihintay ako sa loob ng SUV dito sa parking lot ng lugar kung saan nagtapping sina Irog. Nasasabik na akong muli syang makasama. Kararating nya lang kaninang umaga mula sa out of town commitment nya at dumeretso na agad sya dito sa tapping ng soap operang ‘Ang Mundo mo’y Sa iyo na’. Bumilib ako sa dedication nya sa kanyang trabaho. Kahit pagod na sya ay maspinili nya pang pumunta sa tapping instead na magpahinga.
Napalingon ako sa labas ng bintana. Papalabas na sya ng building at agad na naglapitan sa kanya ang mga reporters. Huminto sya at nakipag-usap sa mga mmakukulit na reporters. Hindi ko na sya makita sapagkat napalibutan na sya ng mga iyon. Napabuntong-hininga ako. Ang hirap talagang maging celebrity, anytime ay pinagkakaguluhan ng mga tao. Parang wala nang freedom.
“Frank pakipuntahan na nga si Irog “ utos ko kay Frank na prenteng nanonood kay nigahiga sa youtube. “para makaalis na sya sa panghaharang ng mga reporters” patuloy ko. Agad naman syang lumabas ng sasakyan at pinuntahan si Irog. Sa laking tao ni Frank ay walang kahirap-hirap na nahawi nya ang mga reporters at nakaalis sila doon agad. Maasahan talaga si Frank . Sanay na sanay sya sa ganyang trabaho . Bago ko sya naging bodyguard ay marami na syang politician na naserbisyuhan. Kasalukuyan syang nasa bakasyon nang pinakiusapan sya ni Daddy na magbodyguard sa akin at kaagad naman na pumayag sya. Sa pagkakalam ko ay malaki ang respeto nya kay Daddy .
“Momo namissed kita!” masayang bati sa akin ni Irog pagkaupong-pagkaupo nya sa aking tabi. Agad-agad na niyakap nya ako nang mahigpit.
“Hindi halata Irog” masayang sabi ko. Nakayakap parin sya sa akin. Nakadikit ang kanyang mukha sa aking leeg. “ Irog dahan-dahan lang sa pag-amoy.”
“Momo ang bango-bango mo” inamoy-amoy nya pa ang leeg ko. Nakaramdam ako ng pagkakiliti kasi dumidikit ang kanyang ilong at mga labi sa aking leeg. Pakiramdam ko nagtaasan ang mga balahibo ko sa aking mga braso .
Hinawakan ko sya sa kanyang magkabilang balikat at iniharap sa akin. “ Miss na miss na rin kita Irog. Pahalik nga” sabi ko at hinalikan ko sya kaagad. Heavenly, sa tuwing hahalikan ko sya iyan ang aking nararamdaman. Wala akong pakialam kung nandito man sina Frank at ang driver ko. Alam kong sanay na sila sa kasweetan namin ni Irog.
“Momo nakakahiya sa kanila” sabi ni Irog pagkatapos ko syang halikan at hinampas nya ako sa aking braso.
![](https://img.wattpad.com/cover/8112850-288-k780733.jpg)
YOU ARE READING
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...