Thirteen
IAN's POV
Nabili ko na ang dapat bilhin . Dala ko na rin ang mga pagkain na ipinaluto ko sa chef ng isa sa mga restaurant sa Mackenzie Place. Papunta na kami ngayong sa Tagaytay kung saan naroroon daw si Tammy. Aaminin ko medyo kinakabahan ako. Nakatuon lang ang aking mga mata sa labas ng bintana nitong sasakyan. Naiimagine ko na ang maaaring mangyari sa romantic na date na ihahanda ko para sa babaing iniirog ko.. Naeexcite na ako. Hindi ako mapakali dito sa kinauupuan ko. Paniguradong matutuwa sya at sana mainlove sya sa gagawin ko.
♫♪Labis ako'y nahuhumaling
Sabik sa bawat sandaling
Ika'y makapiling♫♪WTF! Napatingin ako kay Frank. Sinamaan ko sya ng tingin. Tama ba naman na magpatogtog sya?
"Boss ang ganda ng kanta ng Sponge cola no?" nakangising untag nya sa akin.
♫♪Giliw, hayaang lumapit
Huwag mo sanang ipagkait
Malas ang langit♫♪Hindi ako kumibo. Nang-aasar ba sya?
♫♪ Anong nadarama
Tuwing makikita kang dumarating
Tuliro, 'di malaman ang gagawin at
Walang sinumang makapipigil sa akin
At wala nang ibang makapagbabago ng aking isip sa 'yo (hay)♫♪"Alam mo ba Boss paborito ko iyang kanta ng Sponge cola" patuloy nyang sabi. Hindi yata sya nakakahalata na halos patayin ko na sya sa paraan ng pagkakatingin ko sa kanya. "Boss ang title ng kanta ay TULIRO " dagdag nya pa , tapos pinagkadiindiinan nya pa ang pagkakabigkas nya ng title ng kanta. Nananadya talaga itong kwago na ito eh. " Hindi ba kayo nakakarelate sa kanta Boss?" nakangising tanong nya. Sabi na nga ba pinatatamaan ako nito.
"Magdrive ka na lang!" inis na utos ko. Tapos pinatay ko ang iPod kung saan nanggagaling ang sounds. Bakit ganito ang mga empleyado ko? Parang wala silang galang sa akin.
"He!He!He! Boss 'wag ka nang magalit pinapagaan ko lang naman ang pakiramdam mo kasi parang naninigas ka na dyan eh" natatawang sabi nya .
Napaisip tuloy ako sa sinabi nya. Masyado ba akong halata sa nararamdaman ko? Weird na ba ako sa paningin nila? Tingin ko naman sa sarili ko ay normal lang ang mga pinagagagawa ko ah.
" Boss hindi naman kataka-taka na mainlove kayo kay Miss Salcedo. Bukod sa napakaganda nya , marami din ang nagsasabi na ang bait-bait nya pa. Puring-puri nga sya ng mga reporter . Alam mo ba Boss na ang galing nyang umarte? Halos mapaiyak nga ako sa isang dramang nilabasan nya. " seryosong sabi nya. Tapos lumunok pa sya , sa tingin ko naaalala nya ang dramang napanood nya.
YOU ARE READING
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...