Twenty Eight

11.6K 143 29
                                    

Twenty Eight

IAN POV

Nagising ako sa maingay  na tunog ng alarm clock ni Tammy na nakapatong sa bedside table.

“Irog paki patay ang alarm clock” nakapikit na sabi ko kay Irog.   Dito ako nagpalipas ng  gabi at natulog sa unit ni Irog.  Sina Frank at Driver ay pinauwi ko muna at ngayong umaga ay susunduin nila ako para pumasok sa  office. Patuloy paring nag-iingay ang alarm clock. Ang sakit sa tenga. Kinapa ko ang tabi ko .  Iminulat ko ang aking mga mata , luminga-linga ako sa paligid . Wala si Irog.     Napakunot   ang aking noo. Alas sais pa lang ng umaga  at wala na kaagad si Irog sa kama. Nakapagtatataka. Kung walang taping ay tanghali kung gumising si Irog. Ako lagi ang nauunang  gumigising  dahil para syang mantika kung matulog. Naiintindihan ko naman sya dahil alam kong walang oras ang kanyang tulog at lagi syang stress sa kanyang trabaho. 

Lumapit ako sa pinto ng bathroom  dito sa loob ng kwarto at kinatok iyon.  “Irog nandyan ka ba?” Wala akong narinig na sagot, sa tingin ko ay wala sya sa loob . May pagmamadaling  lumabas  ako ng kwarto.  Hindi na ako nag-abala pang magbihis, nakasuot ako ng puting t-shirt at boxer shorts gamit ko din ang hello kitty na pambahay na slipper ni Irog. Ang sagwang tingnan pero nasa loob lang naman ako ng unit.  Nabungaran ko si Frank na nakaupo sa pang-isahang sofa at nanonood ng  TV.  May hawak syang tasa ng kape at humihigop doon. Napatingin sya sa akin.

“Good morning Boss”   sabi nya at humigop uli ng kape.  Tinanguan ko sya at inilibot ko ang  aking paningin sa paligid  para hanapin si Irog, pero wala sya sa buong unit.

“ Where’s Irog?” mariing tanong ko kay Frank.  Sigurado akong alam nya kung nasaan si Irog dahil hindi naman sya makakapasok dito sa loob kung hindi sya pagbubuksan mula  sa loob at si Irog lang ang taong magbubukas sa kanya.

“Umalis Boss” simpleng sagot nya. Nakatutok parin ang kanyang paningin sa  LED TV.  Kumunot ang aking noo at nakakaramdam ako ng kaba pero pinanatili kong maging mahinahon.

“Saan pumunta?”  tanong ko sabay buntong-hininga.

Tumingin sa akin si Frank at nagkibitbalikat. “Hindi sinabi Boss eh.”

“Ano ?! Hindi mo man lamang ba tinanong kung saan sya pupunta ng ganitong kaaga?!” bulyaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang galit na nararamdaman ko. Bakit nya hinayaang umalis si Irog? Gusto kong  bigyan ng isang malakas na suntok sa mukha si Frank kaya lang sa tigas ng mukha nya sigurado akong ako lang ang masasaktan isa pa kailangan ko pa syang tanungin ng mga bagay- bagay ukol sa pag-alis ni Irog.

“Boss kalma lang”   nabibiglang sabi nya. Nagulat  sya sa biglaang pagbulyaw ko sa kanya. Ngayon lang nangyari na  nasigawan ko sya.  Huminga ako nang malalim  pero  hindi  ko  parin  inaaalis sa kanya ang aking galit na tingin.

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now