Thirty Four

9.6K 154 15
                                    

Thirty Four

Tammy 

 Habang nakaupo sa isang bench na gawa sa isang kahoy ay pinagmasdan ko ang buong paligid ng Red’s Haven. Ang Red’s Haven ay isang   attraction dito sa hotel kung saan ay  ang pinakashopping district. Pero hindi katulad ng mga karaniwang  shopping place na moderno, dito ay parang nasa isa kang forest. Kung saan may mga naglalakihang puno  na nagbibigay ng lilim at malamig na hangin. May mga bahay na iba’tibang kulay  din sa ilalim noon. Ang mga bahay na iyon ay  mga  nagsisilbing boutique .   Mga boutiques na  may mga local at international brands.  Sa pinakagitna  ,ay  napapaligiran ng mga iba’t ibang klaseng bulaklak ay isang playground. Marami-raming bata ang kasalukuyang naglalaro doon kasama ang kanilang mga yaya. Sa tingin ko ang kanilang mga magulang ay nagshoshopping  at para hindi sila mainip ay hinayaan muna silang maglaro sa playground. Safe sa may playground dahil ang pinakasahig ay  ang mga bermuda grass.  Isa pa may mga nagbabantay din na mga security person. May malapit ding clinic para kung sakaling may aksidente ay madaling magagamot ang naaksidente .

  Para akong nasa  isang lugar sa isang fairytale.  Ang lugar kung saan nandoon ang mga  dwarfs, witches  at mga  mamamayan na masayang namumuhay.  

“Tita Tammy!” sabay-sabay na sigaw ng dalawang  mga cute na bata na walang iba  kundi sina Red at Grey.

May kasama din silang dalawa pang bata. I think ang isa ay si Hope pero yung isang batang lalaki ay hindi ko alam kung sino.  May nakasunod din na dalawang yaya sa kanila na may dala-dalang yaya bag.

 Lihim akong napangiti kasi hindi lang ang mga bata dito ang may yaya, ako din may yaya pero lalaki nga lang . So isa syang yayo.  Ang aking yayo ay walang iba kundi si Frank.

 Si Frank na nakaupo sa isang bench na malapit sa akin. At tulad ng mga yaya dito  ay may dala-dala din syang yayo bag.  Sa tingin ko kaya sya nakasimangot ay dahil sa yayo bag na dala nya , na pwersahang pinabibit sa kanya ni Momo.

 Kanina ko pa napapansin na naghahagikgikan ang mga yaya dito pati na ang ibang dalagang guest na kasama ng mga bata, palihim silang tumitingin kay Frank.  Natatawa siguro sila kasi hindi bagay kay Frank ang magdala ng kulay pink na yayo bag. Ang laman ng yayo bag ay  ang hinandang  tuna sandwiches, fruits na hiniwa-hiwa tulad ng apples,  banana,  strawberries,papaya, pineapples , kiwi, na nakalagay sa isang baonan  at bottle water kanina ni Momo. Hindi sya pumayag na hindi dalhin iyon ni Frank kahit kitang-kita sa mukha ni Frank  na ayaw nya .

Nag-aalala si Momo na baka daw mauhaw o kaya magutom ako at ang mga babies namin na nasa tyan ko. Atleast daw may nakaready  ng pagkain at hindi na ako bibili pa. Isa pa healty daw ang hinanda nya at baka kung anu-anong junkfoods lang ang bilhin ko at iyon ang kainin. Masama daw sa  mga babies iyon. Ang sweet nyang talaga. Sinusupil ko lang ang pagkakilig ko  habang pinaghihirapan nyang ihanda iyong mga pagkain. Ang swerte-swerte  ng magiging anak namin sa kanya at syempre ako din. Hindi ko inisip na ang masungit na nakatabi ko sa eroplano ay may mapagmahal palang puso.

My Make Believe BoyfriendOù les histoires vivent. Découvrez maintenant