Ten
IAN's POV
Shocked was written all over her face. Nakatunganga lang si Tammy. Pakiramdam ko ay hindi pa pumapasok ng maigi sa kanyang utak ang sinabi ko.
Kinawaykaway ko ang kamay ko sa mukha nya. " Hey! Tammy Anong nangyayari sa iyo?" nag-aalalang tanong ko. Hindi parin sya gumagalaw. " Tammy hinga ka ng malalim" sabi ko.
Huminga naman sya ng malalim. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Namutla sya at para syang nakakita ng multo.
"Juice. Uminom ka ng juice" utos ko sa kanya. Sinunod nya naman ako. Uminom naman sya ng juice. Derederetso. Tingin ko uubusin nya ang laman ng baso.
I cleared my throat. "Ehemm As I was saying a while ago. Ako si Ian Mackenzie" sabi ko uli at nginitian ko sya. 'Yung ngiting makalaglag panty ika nga ng iba. Full force na inistretch kong maigi ang aking mga mapupulang labi. Nakaharap ako sa kanya. Face to face. Ilang inches lang ang layo ng mukha ko sa mukha nya.
Nabitawan nya ang baso pagkarinig nya sa pagtatapat ko uli at naibuga nya sa akin ang juice na laman ng bibig nya. Napasinghap ako sa gulat.Naligo ng juice ang mukha ko!
Hindi ko malaman kung ano ang pagtutuunan ko ng pansin. Ang basong nabasag o ang mukha kong basa sa juice. Pero mayroon akong natutunan sa mga oras na iyon. Iwasang gulatin ang taong may laman ang bibig. Akala ko sa mga pelikula lang ni Vic Sotto nangyayari ang ganito.
Bigla natauhan si Tammy nang marinig nya ang tunog ng nabasag na baso. Ako rin natauhan sa lagkit na naramdaman ko sa mukha ko at katawan. Basa na rin ang polong suot ko. Pinunasan ko ng kamay ko ang basang mukha ko.
"Ayieeee! Ikaw? Ikaw si Ian Mackenzie ang CEO ng Mackenzie Place?" Napatayong sigaw nya sa akin. Hysterikal na sya. "Teka! sandali lilinisin ko muna itong basong nabasag ay hindi pala ! Teka ano ba ang gagawin ko?" nalilitong napahawak sya sa kanyang noo. "Papaanong nangyari na ikaw sya. Niloloko mo lang ako kasi ikaw si Momo! Tama may hidden camera dito no? Joke lang ito diba?" palakad-lakad na sya sa harapan ko. Tahimik lang akong pinagmamasdan sya pero nanlalagkit na ang katawan ko.
"Tammy relax ka lang " sabi ko. Hinawakan ko sya sa dalawa nyang balikat. Ramdam ko ang panginginig nya. "Inhale , exhale. Hinga ka para kumalma ka " sinunod nya ang sinabi ko. After ng five minutes tumigil sya at humarap sa akin. Tumaas ang kilay nya then sampal sa pisngi ko. Ang sakit!
![](https://img.wattpad.com/cover/8112850-288-k780733.jpg)
YOU ARE READING
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...