One

27.6K 359 14
                                    

*****One*****

"Ikaw na babae ka! Inagaw mo ang lahat sa akin!" galit na sabi ni Adora.

" Sino ang inagaw ko sa iyo ? 'Yang  boyfriend mo na mukhang pitbull?  Hindi ko kasalanan na nakipagbreak sya sa iyo at manligaw naman sya sa akin "  mataray na sagot naman ni Luisa ang babaing maganda, seksi, matalino pero ubod nang sama ng ugali. "Ha!ha!ha kung gusto mo sa'yo na lang 'yang  exboyfriend mong mukhang aso sunod ng sunod sa akin!" dugtong pa nya.

" Mayabang kang babae ka" galit na galit na sya. Itinaas nya ang kanyang kamay at aktong sasampalin si Luisa.

"Cut!" sigaw ni Direct. Ang Direktor ng soap opera na   may pamagat na "Ang Mundo mo'y Saiyo na". Ang bagong soap opera na kinahuhumalingan ng mga lola at nanay  tuwing gabi.

"Okay . "Yung extra papasukin na dito. Bilis!" utos ni Direk..

Ako naman nagmamadaling lumapit sa kanila .  Suot ang isang seksing dress na backless, kapareho ng damit ni Luisa.   Kukunan kasi ang bandang likod ni Luisa. Hindi naman sa nanglalait ako pero nasunburn kasi 'yung likod ng artistang gumaganap na Luisa kaya kailangan nila ng replacement para sa eksena na kung saan kukunan ang bandang likod nito.  

Ako si magandang Tammy  ang napiling umekstra kasi kung hindi nyo natatanong pang-artista naman talaga ang beauty ko pati ang katawan at likod ko. Araw-araw kaya akong gumagamit ng kalamansi sa pagligo ko kaya kutis artista na rin ako. 

Pumuwesto na ako sa dating pwesto ni Luisa.

"And take etc.. etc..!" sabi ni Direk

"Ito namnamin mo ang bangis ko!"   sabi ni Adora at Plak!

Ayun sinampal ako. Ang sakit! Ang bigat ng kamay nya. Feeling ko natanggal ang aking face sa lakas nang pagkakasampal nya.

"Cut!" sigaw ni Direk.  "Ang galing mo Marissa" puri nya pa doon sa artistang gumanap na Adora.

"Thank you Direk" pasweet naman na sagot nya.

"Oh Tammy magbihis ka na at paki asekaso naman 'yung susuotin ni Marissa sa susunod na eksena" utos naman ni Direk sa akin.

"Opo" sagot ko  habang hawak ko ang aking namamagang pisnge. Kaasar si Direk pwede namang dayain ang eksena na kunwari hindi dadapo sa pisngi ko ang pagsampal pero gusto kasing realistic ang bawat eksena .  Porket hindi sya ang nasasaktan.

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now