Thank you! Ikaw ang first na naglike kaya I dedicate this UD to you!
Eleven
IAN's POV
It's been two weeks since I saw Tammy. Two weeks na ang nakakaraan nang ipinagtapat ko sa kanya ang tunay kong pagkatao. Naguguluhan pa rin ako sa naging reaksyon nya. Parang hindi sya naniwala or parang ayaw nyang paniwalaan na ako nga si Ian Mackenzie. Akala ko okay na ang lahat pagsinabi ko sa kanya ang totoo pero I don't know. Walang text or phone call man lamang. Pag-ako ang tumatawag laging si Planeta ang sumasagot sinasabing busy si Tammy. I had a strong feeling that she's avoiding me. And it's killing me. I miss her so much. Ito na ang kinatatakot ko na kapag nagtapat ako ay baka iwasan na nya ako. Nangyayari na nga. Alam ko na busy nga sya dahil papasikat na sya ng papasikat. Marami na syang endorsement at ginagawang movie sabi ni Mike ang PI na kaibigan ko. Masasabi nang desperado na ako kasi pinapasubaybayan ko sya kay Mike. Can't blame me kasi ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Inaamin ko noong una nahumaling lang ako sa napakagandang smile nya and as days goes by palalim na ng palalim hanggang sa boom! I'm in love with her. I can't take it anymore gusto kong malaman kung ano ang nasaisip nya. Napasandal ako sa swivel chair ko at pumikit. Sumasakit ang ulo ko at the same time pati ang puso ko.
"B-boss" boses ni Perry. Medyo mahina at parang takot. Nag-aalangan siguro sya kasi akala nya natutulog ako. I admit these past few days ay may pagkagrumpy ako. Medyo mainit ang ulo ko at irritado. Hindi ko man sinasadya pero marami-rami na rin akong empleyadong nasisigawan lalo na pagmay makita akong mali sa trabaho nila. Most of the time si Perry ang umaani ng paggiging masungit ko.
Dumilat ako at umistraight ng upo. "Why?" tumingin ako sa kanya ng deretso.
"Boss ito po kasi ang mga pipirmahan mong documents" sabi nya at inabot sa akin ang mga documents.
Napabuntong hininga ako at the same time kinuha ko ang inaabot nya. Ang daming documents. Lahat iyon dapat kong basahin at pirmahan. Naiinis ako kasi masyado akong busy nitong nakakaraang araw. Peak season kasi kaya maraming dapat asekasuhin at maraming guest. Isa pang dahilan kaya wala rin akong time para puntahan ng personal si Tammy. Parang ayaw ng tadhana na magkausap kami ng personal. Kung hindi ako ang nasa ibang lugar sya naman. Most of her schedules were out of town. Hindi pa nga nauumpisahan ang love story namin ng totoo parang malabo na kaagad.
"Thank you Perry" sabi ko. Nanlaki ang mga mata nya. "Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko. Medyo nairita ako sa tingin nya.
"Eh kasi naman Boss nag thank you ka. " sagot nya. Unti-unti syang ngumingisi.
JE LEEST
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...