Forty one

5.5K 143 16
                                    

Forty One

Ian

“L-Lolo!” Ang nabibiglang sambit  ko.  Napabitiw ako kay Irog  at tumayo. Agad na nagmano ako sa kanya.  “ Lolo si Tammy po ang aking asawa,” pakilala ko kay Irog na nakatayo na rin sa  aking tabi   sa aking Lolo.  Agad na nagmano si Irog kay Lolo at nakahinga ako ng maluwag nang nginitian sya ng matanda. Inaamin ko na nag-alala rin ako sa magiging reaksyon ni Lolo sa biglaang pagpapakasal namin, pero sa aking palagay ay hindi naman sya galit. Hindi naman kasi sya mukhang kakain ng tao.

“Papa!” malakas na bigkas ni Mommy habang  pababa sa grandstaircase. Napatingin kami sa kanya. Nakapagpalit na sya ng simpleng bestida ngunit lutang parin ang kanyang kagandahan sa simpleng kasuotan.  Si Daddy ay nakasunod naman sa kanya.Thank God wala na ang tabako na hawak ni Daddy kanila . Mukha na syang normal na tao at hindi leader ng mafia.

“Papa! O Papa! “ madamdaming wika ni Mommy kay Lolo.  Lumapit sya kay Lolo at nang nasa harapan na sya ay nagulat  ako sa biglaan nyang pagluhod. “Papa! Huwag mong itatakwil ang mga bata sa ginawa nilang  biglaang pagpapakasal. Sinunod  lamang nila ang kanilang mga puso. Kung may nagawa man silang ikinagalit mo ako na lang Papa ang parusahan mo.”  May luha pang kasama ang madramang pahayag na ito ni Mommy kay Lolo. Napakunot ang aking noo sa ginawa ni Mommy.  Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Ganito  pala  kalaki ang pagmamahal nya sa akin. Halos maglumpasay na sya  sa marmol naming lapag para patawarin lang ako ni Lolo sa ginawa kong pagpapakasal.  Kahit isa akong lalaki ay naiiyak ako sa aking nakikita.

Si Daddy naman ay  nakatungo tapos dahan-dahan syang lumuhod sa tabi ni Mommy. Ano ba ang nangyayari dito sa mga magulang ko? Bakit nagdradrama sila? Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Tumingin ako kay Lolo at kitang-kita ko na kahit sya ay nahihiwagahan din sa kapraningan ng aking mga magulang.

“OMG! Lolo! Bakit nakaluhod sila Mommy?”  boses na nagtataka si Margie.  Lumapit sya kina Mommy.

“Anak lumuhod ka rin. Dali  para patawarin ng lolo mo ang iyong  kuya mo sa kasalanan nya” sabi nya kay Margie at ang luka-luka kong kapatid ayhindi nagdalawang isip na lumuhod naman.

“Lolo!” wika ni Margie na may iyak pang kasunod. “Patawarin nyo na po si Kuya. Mahal na mahal nya lang talaga si  Tammy. Kasi si Tammy ang araw buwan , at star ng kanyang buhay . Mamamatay sya kapag hindi sya pinakasalan ni Tammy.  Please Lolo patawarin nyo na po sya,”  lalo pa syang umiyak matapos magsalita.

Napakamot ako sa aking ulo. Oo nga at natouch ako sa ginagawang pagdradrama nila pero  at the same time  ay natatawa din ako. Halatang pilit kasi ang pagdradrama nila . Sa tingin ko ay hindi pa sila nakakaget over sa mini play nila kanina kaya ngayong ipinagpapatuloy nila.

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now