Twenty

14K 163 40
                                    

Twenty

Ian Point of view

 Wala akong sa mood magtrabaho buong araw. Unang beses na nangyari sa akin na  hindi  ako binati ng aking mga kaibigan sa aking kaarawan. Kaninang umaga ay nakatanggap ako ng text mula kay Irog akala ko babatiin nya ako kasi ilang araw na akong nagpaparining sa kanya na magbibirthday ako ngayong araw. Tuwing binabanggit ko iyon para akong kumakausap sa pader, wala syang reaksyon at parang lumilipad  sa ibang dimension ang kanyang isipan. Siguro busy lang ang kanyang utak sa kanyang trabaho. Napapansin ko nitong mga nakakaraang mga araw ay wala syang ganang kasama ako. Ayaw ko mang isipin pero nagpupumilit na pumapasok sa isipan ko na baka ayaw nya nang magpakasal sa akin ngunit hindi nya lang masabi. Baka nabigla lang sya noong nagproposed ako at ngayon napag-isipan na nyang ayaw nya pa palang magpakasal. Tuwing pumapasok sa isip ko iyon ay nanghihina ako. Kinakabahan na baka tama ang kinatatakutan ko. Naguguluhan ako sa mga ikinikilos nya. Isang text lang ang natanggap ko mula sa kanya ngayong araw na ito at ang nakasulat pa ay huwag ko syang iistorbohin buong araw. Huwag daw akong magtetext o tumawag sa kanya. Naguguluhan ako kung bakit sya nagmessage ng ganoon . Naguguluhan man ako ay sinunod ko parin sya kasi isa akong masunuring fiance. Napaisip ako nang malalim. Anong nangyari at nagiging ganoon sya? May mali ba akong nagawa?

Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko. May pagmamadaling kinuha ko sa aking bulsa. Lihim kong naidasal na sana si Irog na ang nagtext. Kinakabahang binasa ko ang text.

✉ Hoy Ian baka makalimutan mong bayaran ang mga inorder mong bulaklak kahapon. Magbayad ka na ! Walang kaikaibigan pagdating sa negosyo. Huwag ka nang magreply hindi ko kailangan ng paliwanag mo, kailangan ko ang credit card number mo!

Napasimangot ako sa message ni Tommy . Hindi nya man lamang nilagyan ng happy birthday Ian. Nakalimutan na ba nya na birthday ko? Sa lahat pa naman ng mga bestfriend ko sya ang may pagkasweet.  Hay! Napafacepalm ako. Nagvibrate uli ang cellphone ko.  May pagmamadaling binasa ko baka galing na kay Irog. Napasimangot ako nang makita kong ang message ay galing kay Perry. Seriously? Kailangan nya pang magtext eh nandyan lang sya sa labas. Ang tamad naman nya para pumasok dito. Binasa ko na rin ang text nya. Nakakahiya naman sa kanya kasi napagod ang daliri nya sa pagtext.

✉ Boss date tayo mamaya after office hour. Don't worry libre kita. Huwag ka nang tumanggi kasi alam kong wala kayong date ngayon ng fiancee mo. Hahaha! Kinalimutan ka Boss :)

Buwisit na Perry 'to ,ang lakas mang-asar. Pasalamat sya at wala sya sa harapan ko dahil kung sakaling kaharap ko sya ngayon ay baka hindi na sya makahinga  sa higpit ng pagkakasakal ko sa kanya. Kaya pala  nagtext lang dahil alam nya na ang pwedeng mangyari sa kanya kung sakaling sinabi nya sa akin ito nang harapan. Asa naman sya na sasama ako sa kanya!

 Nagfacepalm uli ako. Nakakalungkot naman itong araw na ito. Birthday ko pero parang hindi naman . Kinalimutan  na nila ako. Buti pa noong bata pa ako mayroong party tuwing birthday ko. Tapos may hotdog at marshmallows na nakatuhog sa stick na paborito kong kainin. Ang dami ko ring natatanggap na regalo. Hay! Nabuhayan akong loob nang maramdaman ko na nagvibrate uli ang phone ko. Sinagot ko ang tawag si Mommy ang caller.

"Anak happy birthday sa iyo. Pasensya na ha kailangan naming pumunta dito sa California hndi kasi namin mahindiaan ang lolo mo eh. Naglalambing."

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now