Twenty Nine

11K 139 28
                                    

Twenty Nine

IAN POV

Two weeks nang nasa bakasyon si Irog. Two weeks  nang   walang   tawag o text man lamang akong natatanggap mula sa kanya. Hindi ko alam kung nasaaan sya.  Wala akong balita.    Hindi ko sya matawagan sa cellphone nya sapagkat ang kanyang cellphone ay naiwan nya sa kanyang condo at nandito nga sa aking harapan ngayon. Pinagmamasdan at gusto kong ibato. Bakit hinayaan ng cellphone na ito na hayaan syang iwanan ni Irog.   Kanina  ko pa sya sinisisi kung bakit hindi ko macontact ngayon si Irog.  Ang kawawang bagay na walang malay ay masyado ko nang  pinahihirapan. Kanina ko pa ito  pinagriring . Nababaliw na ako! Hindi ko alam kung ano ang nangyayari  kay Irog. Pakiramdam ko mamamatay na ako sa sobrang lungkot at pagkamiss sa kanya. Napasabunot ako sa aking buhok. Ramdam ko ang sakit kaya hininto ko rin.

Masakit ang ulong sumandal ako at pumikit. Nasa office pa ako at wala akong balak umuwi.  Tinatamad akong kumilos. Parang walang lakas ang aking mga paang maglakad.  Kung hindi lang mahalaga ang mga gagawin ko ngayon sa opisina ay dapat hindi na ako papasok.   Paano naisip ni Irog na kaya ko pang ipagpatuloy ang mga araw na wala sya? Oo nga may sulat pero hindi parin ako mapalagay. Kailangan ko syang makausap lalong – lalo na tungkol doon sa pregnancy test kit na nakita ko.  Gusto kong malaman sa kanya kung sa kanya ba iyon o basta ewan! Ang dami kong gustong sabihin at itanong sa kanya. Hirap na hirap  na ako. Nakakabaliw!

“Boss “ mahinang sabi ni Perry. Dumilat ako at tiningnan sya nang patamad.  Hindi ko namalayan na nakapasok na sya dito sa loob ng opisina ko.

“Bakit?” walangganang tanong ko.

“ Boss  , ‘wag ka nang malungkot may nasagap akong balita tungkol kay Miss Tammy sa aking most reliable source”  nakangising sabi nya. Pagkarinig ko sa pangalan ni Irog  ay  bigla akong nabuhayan.  Balita tungkol sa kanya, ano kaya iyon?

“Anong balita?” curious na tanong ko. “At siguraduhin mo lang na totoo ang  ibinalita ng most reliable source mo kung hindi magsisisi ka” banta ko sa kanya.

“Oo naman Boss, totoong-totoo.   Reliable talaga itong si FB.”

“Sinong FB?” Kunot-noong tanong ko.

“Eh di si FaceBook”  natatawang sagot nya. 

“O anong balita kay Irog?” Nagpipigil akong ibato sa kanya ang cellphone ni Irog na nasa harapan ko. Naiinis ako sa paraan ng pagtawa nya.

“Ito Boss “ iniabot nya sa akin ang hawak  nyang   android tablet at kinuha ko naman.   Nakaopen sa FB ni Irog at may mga pictures na nasa beach sya.   Nakahinga ako nang maluwag sapagkat nakikita kong masaya sya sa bakasyon nya. Kung totoong buntis sya maganda nga na makapagpahinga sya at huwag nya munang maisip ang  problema namin.  Pansin ko na gumanda ang kulay ng balat nya at nagkalaman ang kanyang mga pisngi.  Nakaramdam ako nang kasiyahan kahit malayo sya sa akin dahil sa nakikita kong ngiti sa kanyang mga labi. Pinagmasdan ko isa-isa ang mga larawan , may isa doon na may kasama syang matandang lalaki. Siguro iyon ang kanyang Lolo.  Hinanap ko kung may larawan na kasama nya  ang kanyang mga kapatid . Mayroon nga pero mga hindi naman kita ang mga mukha.

My Make Believe BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon