Forty Three

3.6K 105 6
                                    

Forty Three

Ian’s  POV

“What do you want?” tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko ay naghihintay ako na sumabog ang isang bomba.

“ Napag-utusan lang ako na ibigay sa iyo ito,” sagot nya at mayroon syang puting sobreng iniaabot sa akin.

Nakakunot ang noong  iniabot ko at may pagmamadaling tiningnan kung ano ang laman ng sobre . Naningkit ang aking mga mata nang makita ko ang printed image na laman n’un.  Nag-init ang aking ulo at inilang hakbang ko lang ang paglapit sa kanya. Marahas na kinuwelyuhan ko sya at isinalya sa pader. “Anong ibig sabihin ng larawan na ito?” galit na tanong ko sa kanya.  Nag-aapoy ang aking mga mata sa sobrang galit. Walang  sinumang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ang makapagpipigil ng galit kung makikita ang kanyang asawa na nakatali at nakapiring ang mata sa larawan. Malinaw na isang kidnapping ang naganap kay Irog.  Kaya pala labis ang aking kaba mula pa kanina .

“Malinaw ang nasa larawan Mr. Mackenzie,” nakangising sagot nya.

Itinaas ko ang aking kanang braso sa aktong susuntukin sya ngunit pinigilan ako ni Perry. “Anong kailangan mo? Pera ba? Magkano ?! “ pasigaw na tanong ko. Kahit anong hilingin nya ay ibibigay ko para  lang sa kalayaan ni Irog.

“Bitawan mo muna ako.”

Labag man sa aking loob na pakawalan sya  ay binitawan ko parin sya. Alang-alang kay Irog. Huminga ako nang malalim  para alisin ang paninikip ng aking dibdib. “ Sabihin mo anong kailangan mo?”

“Wala akong kailangan sa iyo -----“

“Wala! Kung wala bakit kinuha nyo  ang aking asawa?”  galit na putol ko sa kanyang sinasabi.

“Hindi ko alam kay Boss,” kibit- balikat nya.   Ang sarap nyang suntukin , kung makasagot akala mo pusang kalye lang ang kinuha nila at itinali. Pinipigilan ko lang ang sarili kong saktan sya dahil kailangan kong makakuha ng inpormasyon mula sa kanya.

“Sinong Boss?” So mayroon palang mastermind sa pagkidnapp sa aking asawa. Kailangang malaman ko kung sinuman sya  at gusto kong malaman kung bakit nya ginawa ito.

Tumawa sya, “eh di yung nagpakuha sa asawa mo.”

Pilosopo pa itong hudas na ito. “Bakit pinapunta ka dito ng Boss mo?”

“Pinapasundo ka nya at kailangang yung assistant mo lang ang isama mo. Wala nang iba.”

My Make Believe BoyfriendWhere stories live. Discover now