Thirty Five
Tammy
Medyo pagod na ako nang umuwi kami ni Frank sa villa na tinutuluyan namin ni Momo. Nakangiting pumasok ako sa loob at hinanap kaagad ng aking paningin ang super hunk kong fiance. Napasimangot ako nang hindi ko sya makita. Bigla akong nakaramdam nang kalungkutan , akala ko pa naman ay madadatnan ko sya at masayang hinihintay nya ang pagdating ko mula sa pakikipagbonding sa mga makukulit na chikiting . Bagsak ang magkabilang balikat na pumasok ako sa kwarto. Lalo akong nanlumo sapagkat wala rin sya sa loob ng kwarto. Nakaramdam ako ng pagkaantok pagkakita ko sa malambot at malaking kama, alam kong kailangan ko munang magpahinga , siguradong napagod din ang baby ko na nasa aking sinapupunan. Nahahapong humiga ako at pumikit. Siguro masyado nga syang busy kaya wala pa sya dito. Tama matutulog muna ako at bahala yang si Momo sa buhay nya. Naiinis ako sa kanya!
“Sisterette!”
Ang matinis na boses ni Mars ang biglang nagpagising sa aking natutulog na diwa. Pupungas-pungas na idinilat ko ang aking mabibigat na talukap. Pakiramdam ko ay kakatulog ko pa lang at nabitin ako sa aking beautysleep.
“Sisterette! Bumangon ka na dyan!” sabi nya pa at pinilit na pinababangon ako sa pamamagitan ng paghatak nya sa dalawang braso ko.
“Ano ba Mars? Bakit ka ba nanggigising?” inis na tanong ko sa kanya. Pinipilit kong magpabigat para makahiga uli ako mula sa pagkakahatak nya sa aking mga braso. Inaantok pa talaga ako at wala akong balak na ientertain sya. Kailangan namin ng anak ko ang pahinga.
“Sisterette ! Bumangon ka na dyan kasi may pictorial ka,” pangungulit na naman nya.
Ang mga mata kong kalahating bukas ay iminulat ko na nang tuluyan. “Anong pictorial? Eh di ba nasa bakasyon ako?” naguguluhan tanong ko. Sa pagkakaalam ko ay habang nasa Palawan ako ay inayos na ng aking manager ang aking schedule at sa Monday pa ang balik ko sa pagtratrabaho.
“ Oo nga , pero biglaan itong pictorial. NagkaLBM kasi ang dapat na model kaya ora-orada ay naghanap sila ng kapalit at ang manager mo ang tinawagan nila kagabi. Sa pagkakaalam ng manager mo na nakauwi kana kaya napaoo sya. Isa pa Sisterette malaking project ito. Ikaw ang magsusuot ng creation ni Spanky Sy ang pinakasikat na designer dito sa Pilipinas!” Nanlalaki ang mga mata habang nagsasalita sya. Feeling ko sobrang excited itong si Mars sa pictorial na ito. Bakit kaya hindi na lang sya ang gawin model at ako matutulog na lang ul?. “ Ikaw pa lang ang kauna-unahang artistang kinuha para sa project na ito kaya ‘wag ka nang mag-inarte. Kaya Girl bangon na dyan,” sabi nya pa at tuluyan na akong hinaltak para makatayo. Hindi pa sya nasiyahan doon. Pinagtulakan nya pa akong pumasok sa banyo para magshower.
“Bilisan mo dyan Sisterette ! Two hours lang ang ibinigay na oras sa atin para maayusan kita!” sigaw nya pa mula sa labas ng banyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/8112850-288-k780733.jpg)
YOU ARE READING
My Make Believe Boyfriend
HumorPaano kaya malulusutan ni Tammy ang ginawa nyang kwento na boyfriend nya ang isa sa pinakamayaman sa bansa ? Authors note: May pagkakahawig sa Ghajini ang mga naunang updates pero hindi kagaya ng tragic love story ng Ghajini ang ending. So enjoy...