Thirty Three

10K 153 26
                                    

Thirty Three

Ian

Habang nasa byahe papunta sa hotel nila Vincent ay  pinagmamasdan ko ang magandang mukha ng babaeng aking pinakamamahal. Maingat na  inaalalayan ko ang kanyang katawan na huwag malaglag sa pagkakahiga .  Nasa bandang mga hita ko  sya nakaunan. 

 Hay! Kahit natutulog ay ang ganda nya paring tingnan.  Siguro reincarnation sya ni Sleeping Beauty  at ako ang kanyang matapang na prinsipe at si  Caden ang evil fairy na nagsumpa  kay Sleeping Beauty. Paano ko nasabi na si Caden ang evil fairy ? Dahil sya lang naman ang nagbigay sa akin ng panyong may pampatulog. Ang walanghiya!  Hindi sinabi sa akin na may gamot pala ang panyong iyon. Siguro may masama syang balak kay Sam kaya mayroon syang ganoon. Pagnaapektuhan ang mga triplets namin sa loob ng sinapupunan ni Tammy  , humanda talaga sya sa bagsik ko.  Kasalanan ko rin naman kasi hindi pa nila alam na buntis si Tammy.

Napabuntong-hininga ako , kung anu-anong kalokohan itong pinaggagawa ko at dinamay ko pa ang aking mga bestfriends. Well, ganoon naman dapat ang magkakaibigan diba? Dapat sama-sama sa lahat nang  nangyayari sa buhay. Sa katuwaan at kapighatian . Dapat laging nagtutulugan . Kaya kung sakaling makulong ako dapat kasama ko rin sila. Hahaha! Medyo napangiti ako sa naisip ko.

Napatingin ako sa mga mapupulang mga  labi ni Irog.  Medyo nakauwang ang mga iyon at parang mga strawberries na  nag-aanyayang  tikman ko.   So tempting!  Kahit anong pigil ko sa aking sarili na huwag magpadala sa tukso ay hindi ko na nagawa. Dahan-dahan na inilapit ko ang aking  mga labi sa kanyang mga mapupulang labi. Tikim lang naman ang gagawin ko para hindi sya magising.  Halos magdidikit na ang aming mga labi nang bigla syang humilik  kaya agad na naiangat ko ang aking ulo. Pambihira ang lakas nyang maghilik parang hindi babae.  Sabagay mild pa nga ang paghilik nya kasi nga madalas na nagsasalita sya sa pagtulog. Napailing  na lang ako.   Tapos nakita ko pang may papalabas na laway sa kanyang bibig. Gusto ko nang bumunghalit nang malakas na tawa pero pinigilan ko kasi nga baka magising sya.

Ang hirap magpigil.  Wala akong panyo kaya yung laylayan na lang ng kanyang  t-shirt  ang ipinampunas ko sa kanyang papatulong laway. Biglang nag-init ang aking pakiramdam nang hindi sinasadyang masilayan ko ang kanyang tummy.  Ang kanyang tummy kung saan nandoon ang  aming mga triplets. Malakas ang aking paniniwala na triplets ang mga anak namin  kasi dalawang buwan pa lang may kalakihan na ang kanyang tiyan. Impossible namang busog lang sya kaya lumaki iyon, anong klaseng pagkain  kaya ang ginawa ni Irog sa Palawan ,  lumamon ba sya nang maraming seafoods doon? Kaya biglang laki ng tyan nya, impossible.   Isa pa may lahing triplets  ang pamilya nila Mommy. Kaya sigurado akong triplets ang mga babies namin. Ang galing ko pagnagkataon, malalamangan ko si Vincent. Sa kanya kambal lang . Sobrang excited na akong makita ang mga babies namin. Hehehe!

“Boss para kayong nasisiraan ng bait dyan.  May pangisi-ngisi pa kayong nalalaman. Tingnan natin kung makakatawa pa kayo paggising ni Miss Tammy,”  biglang sabi ni Frank.  Bumaling pa sya paharap sa akin  para makita siguro  nya ang aking poging mukha.  Naihinto na nya ang sasakyan . Hindi ko napansin na nakarating na pala kami dito sa hotel  na pag-aari ng mag-asawang Nahm . Kung saan  din  nagproposed si Alex  kay Vincent  at ginanap ang unang wedding nila.

My Make Believe BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon