Chapter 3: Kaye's POV Part 1

54.4K 503 33
                                    

Kaye's POV:

Love love love!!

Kailangang natin yan! Para naman di masayang ang kagandahang binigay ng Diyos!

Itong bestfriend ko, hindi ko mawari kung bakit napaka-arteee!!! Lalo pagdating sa lovelife?! Jusko, palay na ang lumalapit sa manok!

Ang sweet sweet pa naman nitong si Paul :'>

Kung hindi lamg dahil sa bestfriend ko, baka ako na pumatos jan e! Hahaha pero syempre bestfriend ko muna tsaka bagay naman sila!!

Ramdam ko din naman na this is itttt! Oras na to ni Jam para magka-jowa! Hindi lang jowa, take note, mayaman na gwapo at nakoooo papang papa!! :))

Ako na nga gumagawa ng paraan no, minsan lang may maglakas loob na lumapit samin, kaya ako na mismo ang nagbigay ng number nya. Syempre pati number ko na rin, ako magiging bridge nila e :))

Tsaka oras na para sya naman ang magka-boyfriend! NBSB kasi, kala mo naman kinaganda nya ang pagiging loner!

Ako kasi nagkaroon na once, pero hindi masaya! Bwahahahhaa kaloka!

Pero iba naman ako sa bestfriend ko, at hindi naman lahat ng lalaki, sira ulo, manloloko at shunga shunga!

Yung iba may puso at utak din, yung iba kasi ang bobo!! Nakakairita! Bobo in a way na hindi nila naiisip kung sino ang pinakakawalan nila!

Tapos lilipat pa sila sa mga babaeng mga walang class! >.< k. Higooot ituu.

Anyways, ako naman nakaka-sense ako ng mga lalaki kung matino ga o ano, kaya sa kilatis ko kay Paul, mukhang papasayahin nya naman si Jam.

Tingnan na lang natin kapag tong si Jam nagpasalamat sakin dahil pinilit ko na tanggapin at kilalanin nya tong si Paul hahaha!

Okay, konti munang introduction para sa aming dalawa maliban sa lovelife haha! Sorry naman, nalimutan ko eh!

Si Jam at ako parehas nag-aaral sa De La Salle Lipa, HRM sya ako naman Business Ad Major in Marketing.

Magkapitbahay naman kami, as in magkatabing magkatabi ang bahay, kaya lagi akong andun sa kanila. Sa Lipa rin kami nakatira dito sa Batangas, bayan ng mga Ala Eh :)

Ang buhay di-ne sa Batangas eh iba kesa sa atmosphere sa Manila.. Maganda naman doon, nanggaling na ako dun, pero sa Batangas, hindi gaanong polluted, maraming tao pero hindi ganong kagulo, kaya masarap dito mag-stay! :))

Lumaki na kami parehas ni Jam na magkasama at magkapitbahay, kaya kilalang kilala namin ang isa't isa, ultimong kakainin at mga paborito namin, alam ng isa't isa.

Magbestfriend nga eh! Malamang :))

Minsan BHES, BHEST, BFF o BESTFRIEND ang tawagan naming dalawa, pero madalas sa pangalan lang, lalo kapag maiinit ang ulo :))

Okay tama na yung saming dalawa, dahil mas makikilala nyo pa rim naman kami sa mga darating pa na chapter :))

Ayuuun, back kay Paul at Jam :)) hahahaha!

Alam din ni Jam kung gaano kalakas ang sense ko, kaya madaling konsensyahin yan e, alam nya na mapapagkatiwalaan ang instinct ko, pero madalas talag kokontra muna yan!!

Alam ko rin na yung taray nya may katapusan! Hahahaha ganon lang naman yan, magtataray pero kapag napapatawa mo na, kahit sa simpleng hirit o joke, makukuha mo na loob nyan.

Ayaw nya lang talaga sa mga lalake, I mean, ayaw nya pa sa mga lalake :))

Ako lang naman nag pupush jan, kasoooo... Un nga ang dalas nyang tumanggi.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now