Chapter 65: Pagpapaka-tanga

19.2K 219 83
                                    

"Anak ng tokwa kang bata ka, bakit ka kasi naglasing, nako mapapagalitan ako ng Lola mo nyan kapag nalaman yan eh" sabi ni Aling Luz habang pinupunasan ako ng towel.

"Ayos na naman po ako, medyo masakit lang po ulo ko"

Aling Luz: "Yan na nga ga sinasabi ko, dapat di ka nag-iinom lalo pa at kabata-bata mo pa. Nako ikaw talaga Jam. Bakit ka kasi nag-inom?"

Ngumiti lang ako sa kanya.

Umuwi na kasi kami kinabukasan.

Puro hilo.

Napagalitan nga si Anne sa kanila kasi nag-inom kami.

Aling Luz: "Anak, sabihin mo nga, dahil ga yan sa nangyayare sa inyo ni Paul?"

Tama naman sya eh, kaya lang di ko pa din sya sinagot.

Tumayo na lang ako at iniba ang usapan.

"Akyat na po ako Aling Luz, at talagang masakit na ulo ko."

Aling Luz: "O sige na iha, at baka maya-maya eh magising na ang Lola mo, nako tyak na lagot ka dun."

Inalalayan ako ni Aling Luz pataas.

Okay na naman ako eh, hulas na ako.

Napa-inom lang ng konti kanina, pagkagising.

Oo, uminom ulit ako pagkagising na pagkagising ko.

Inubos ko yung natirang alak.

Sila puro hilo, ako lasing na liyo.

Sila kasi di na uminom kanina.

Sinolo ko na lang.

Medyo madami din yung natira eh.

Pero mabuti na lang hindi ako kagaya ng mga nalalasing na nagwawala at nagsusuka.

Naglalabas lang daw ako ng sama ng loob.

Eh di ko lam na nailabas ko pala kagabi eh.

Nalimutan ko kaagad.

Tama naman pala eh, talagang kapag nakainom ka nakakalimot ka.

Pero yung sakit sa puso ko, andoon pa din, bakit hindi nawala? :(

Nakahiga na ako sa kama ko.

Bumaba na ulit si Aling Luz kasi nagluluto sya para kay Lola.

Nakadapa lang ako at nag-iisip.

Nang napa-baligwas ako ay nakita ko yung mga bear na bigay ni Paul.

Kinuha ko ang mga ito at niyakap.

"Bakit ganun si Paul? Kayo ang binigay sakin, dapat alam nyo yun"

Para lang akong tanga, bangag nga eh, wala sa sarili.

"Bakit di nya sabihin kung sino? Eh may karapatan naman akong malaman?"

Napa-iling na lang ako.

At sa bandang kanan.

Nakita ko ang pictures namin.

Masayang magkasama.

Nung kami pa :(

Lumapit ako at kinuha ito.

Napapatak na lang yung luha ko sa sobrang lungkot.

"Kailan kaya uli kami magkakaroon ulit ng mga pictures na magkasama? "

Niyakap ko ito.

Sana lang bumalik ka na Paul :'(

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now