Chapter 68: Bitter Sweet.

19.1K 227 90
                                    

This Chapter is dedicated to Beverly Jane Adrales :)

Dahil UNLIMITED ka hahaha :))))

Thank yow! :))))

Enjoy!

________________________

Pasukan na.

And meron pa akong 1 week break sa work ko.

Kung dati tuwing napasok ako eh may kasabay ako, ngayon wala na.

Nakasabay ko si Trish sa jeep nun.

At kinamusta sila.

"Kamusta naman? Tagal nating di nagkikita ah?"

Trish: "Busy din kasi eh."

"Ah, bat di ka dumadalaw kay Aling Luz sa bahay?"

T: "Humingi nga ako ng pasensya sa kanya eh, talagang busy lang sa pag-aasikaso dito sa college."

"Ah, kamusta naman lovelife?"

T: "Okay naman kahit papano. Ikaw nga dapat tinatanong ko ng ganyan eh, kamusta?"

"Ganon pa din, iniwan nya pa din ako."

T: "Ang hirap magmahal ano?"

"Sinabi mo pa."

T: "Nakokonsensya na nga din ako sa ginawa ko kay John, pero wala akong magagawa, kung iba talaga tinitibok ng puso eh."

"Minahal mo ga sya?"

T: "Sa plano ko hindi dapat, pero minahal ko sya kahit papano, yun nga lang talagang si Chris yung mahal ko."

"So, ibig mong sabihin, mula't sapol si Chris naman talaga gusto mo?"

T: "Oo sya nga, akala ko kasi sya yung mauuna manligaw hindi pala. Ang torpe nya, pagseselosin ko sana, kaya lang wa-epek, kaya ayon pumayag na ako kay John"

Nagulat ako sa mga nalaman ko.

Hindi namin alam ito.

I mean, hindi ko alam ito.

"Ganun ga, eh alam nila?"

T: "Ewan ko lang"

"Di ka natatakot sa dapat mangyare?"

T: "Nung una oo, pero ngayong nakilala ko na mismo ugali ni John, hindi na. Iba sya eh, hindi makitid utak nya. Naiintindihan nya lahat. At alam ko sa sarili ko na inabuso ko yung kabaitan nya na yon."

"Tama ka mabait sya, makulit nga lang"

T: "So you already saw the other side of him?"

"Ahmmm"

Tumawa sya. T: "Paano mo nakita?"

"Nakasama ko kasi sya one time" Nagsinungaling na ako, baka kasi kung ano ang isipin nya eh.

T: "Ah, cool nya nga eh. Tska kumpara kay Chris mas gust ko ugali nya, kaya lang talagang si Chris yung mahal ko eh. At kami na"

"Talaga? Kelan pa?"

T: "Last week lang ata"

"Alam ni John?"

T: "Maybe, di ko alam"

"Nag-uusap kayo?"

T: "Hindi pa ulit eh. Kapag nagkakasama naman kasi, di kami nagkikibuan. Magkakasama lang, pero parang wala lang"

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now