Chapter 56: Wish you were here.

17.8K 272 44
                                    

It's been 1 week since nag-cool off kami ni Paul.

Ilang beses ko syang binalak itext at tawagan pero sabi nga ni Kaye, he need space.

Gabi gabi umiiyak pa din ako.

Kada galing ko sa trabaho, di na ako nakakain.

Wala kasi akong gana. At napapansin na yun ni Lola at Tita Luz.

Dahil di pa naman ganun katagal since nakipag-cool off sya sakin.

Di pa sila nagtataka kung bakit di pa napunta si Paul dito.

"Bakit parang wala kang gana itong nagdaraang araw iha." sabi ni Lola habang nanonood kami sa Cinema One, kasama si Tita Luz.

"Ah wala po, medyo pagod lang po ako sa trabaho."

"Bakit di ka na lang tumigil dyan, di mo  naman kailangan magtrabaho"

"Lola, gusto ko po kasi makatulong. Pagkatapos naman po ng debut ko, baka tumigil na din ako sa pagtatrabaho."

"Sigurado ka iha? Napapansin kasi namin ng Lola mo na parang malungkot ka din" sabi ni Tita Luz.

Di na lang ako nagsalita.

"Dahil ga kay Paul?" sabi ni Lola.

Ngumiti lang ako sa kanila "Nako wala po yun, tara po nood na tayo"

Wala din silang naggawa kundi ang manood na lang din.

Comedy pa din naman ang natapat.

Tawa sila ng tawa pero ako wala lang.

Nakatulala lang.

Naalala ko na naman yung First Date namin.

Na super lame.

Tapos bumawi sya  at nagdala sya ng CD dito sa bahay para manood kami ng movie, pambawi sakin.

Napangiti ako nang naalala ko yung first meeting din namin.

Ang suplada ko pa non.

Eh sya super effort sa pangungulit samin.

Tapos biglang may something sakin na nawala ang pangangarap ko ng gising.

Bumalik sa isip ko ang mga pangyayare nung gabing nakipaghiwalay sya.

Isang linggo na pero di pa din nya ako kino-contact.

Tumayo ako at pinuntahan ko si Kaye sa bahay nila.

Pero wala pa daw sya sa kanila.

May lakad daw kasama yung mga kaklase nya.

Wala tuloy ako makausap.

Dun na lang ako pumunta sa duyan.

Nang humiga ako dun,

Nakatingala ako sa langit.

Bakit lahat na lang ng puntahan ko naalala ko sya?

Eto yung duyan na tinulugan nya nung araw ng monthsary namin ah.

Tapos naalala ko nung nasa Baguio kami.

Nag-star gazing kami at nakatulugan na namin yun.

Grabe ang bilis pala talaga ng panahon.

Eto at nagkalabuan na agad kami.

Kasalanan ko talaga? :'(

I'm so dumb na di ko man lang nakita ang pangungulila nya sakin.

Pano kung makahanap sya ng iba na magmamahal sa kanya? :'(

Sinampal ko ang mukha ko at sinabing "Huwag kang mag-isip ng ganyan Jam. Mahal ka nya. Di ka nya ipagpapalit."

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now