Chapter 58: I miss you.

20.7K 218 42
  • Dedicated to Kim Mitra Bautista
                                    

Para naman kay mhadz KIM MITRA BAUTISTA ang Chapter na to :)))

Thank yowww sa pagtutok pati na rin sa pagrereklamo lagi na bitin, HAHAHA. imissyouuuu! :''>

I post this 8hours earlier sa sinabi ko dun sa last Chapter.

Kasi may lakad po ako, baka di ko mapost on time. Kaya in-advance ko na :''>

______________

Sinamahan ko si Lola ngayon sa doktor.

And after nun, uwuwi agad kami.

Pumunta muna ako sa botika para bumili ng gamot ni Lola, habang si Tita Luz ang nag-aalaga sa kanya.

"Manong pabili nga po nito" tapos inabot ko yung riseta ng doktor.

"Ilan nito iha?"

"Mag 10 pieces each po"

Habang kumukuha si Kuya ng gamot,

Yung isang tindera dun ay inagaw ang pansin ko.

"Miss, miss. Diga ikaw yung dating nasa tv?"

"Alin po?"

"Yung kay Mindi Co?"

Di pa pala tapos yang issue na yan? >.<

"Nako, hindi po ako yun"

"Sigurado ka? Kamukhang kamukha mo yung nasa balita dati. Ang gwapo kaya ng boyfriend mo."

Ngumiti lang ako, pero di ko na sya sinagot.

"Eto na po yung binibili nyo." sabi ni Manong.

Pagkatapos nun ay umalis na agad ako.

Habang nag-iintay ako ng tricycle,

Parang sa dumaang jeep, nakita ko si Paul na nakasakay.

Di ko lang sigurado.

Kamukhang kamukha nya.

Pero baka, dala lang to ng matinding sinag ng araw.

Init lang to, baka namimiss ko lang talaga sya.

Di ko na pinansin at umuwi sa bahay nung nakakita ako ng tricycle..

Pagkadating ko ay nandoon si Kaye.

Kumakain >.<

Natawa ako kasi di pa din sya nagbabago, matakaw pa din :D

Pagkalapit, binatukan ko sya.

"Oy babae, di ka pa din nagbabago ah, kain tayo sa sarili MONG bahay ha!"

Tumawa ako, tapos napatawa din si lola at Aling Luz.

"Kasi, ang sarap ng ulam nyo ngayon. Sorry ha, ang tagal mo kasi yan tuloy nagutom ako"

"Aba at ako pa. Oh sya sige, tapusin mo muna yang kinakain mo"

Habang kumakain sya eh pinainom ko muna si Lola ng gamot.

"Parang namamayat yang si Kaye ah, nagdi-dieta ga yan apo?"

"Aba di ko po alam La."

"Pati ikaw namamayat ka na din, anyare sayo?"

"Ah ako po talaga nag da-diet :)" pinalusutan ko lang, ayaw kong sabihin na dahil kay Paul.

"Nako masama yan sa katawan at baka kayo eh magka-ulcer."

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now