Chapter 45: Weird feeling.

22.3K 181 10
                                    

Pauwi na kamiiiii.

Hayyyyy.

Mamimiss ko tong Baguio! :D

Eto at nasa byahe na nga kami.

Sa sobrang pagod sa pag-iikot ulit kanina bago umalis, nakatulog ako sa byahe.

__

At nung nagising na ako.

Nakita ko na nasa tapat na kami ng bahay namin. O__O

Anong bilis?! O talagang pagod na pagod lang ako?! 

Pagkababa ko, nagpaalam na sakin sina Len at uuwi na daw muna sa kani-kanilang bahay, ganon din si Kaye.

Si Paul naman, umuwi din muna, para magpahinga at sinabing babalik na lang sya sa isang araw kasi pupunta pa syang Manila, para ayusin yung mga kailangan nya para mag-transfer ng school.

Family bonding naman ang sunod.

Pupunta kami sa bahay nina Ate Karina bukas, tapos kina Kuya Ched naman.

Yesss! Ang sayaaa :'>

Tagal ko na rin silang di napupuntahan.

___

Kinabukasan.

Nandito kami sa bahay ni Ate Karina.

Dalawang araw lang kami dito. Pero magiging masaya to :D

Buong araw wala kaming ibang ginawa kung hindi kumain, magtawanan, mag-shopping. Lahat na.

Talagang sinusulit lang ang mga nawalang taon kasama mga Mame.

M: "Ang laki-laki nyo na talagang dalawa, di ko akalain na lalaki kayo ng ganyan kagaganda"

"Yes nemen Maderrrr." sabay flip ng hair. HAHAHAHA.

AK: "Wag kang mag-assume Jam, ako lang tinutukoy ng Mame."

"Lul. Wag ka nga!"

AK: "Ay wait! Me, meron nga po pala akong alam na beach resort malapit dito. Pwede tayo dun anytime kasi boyfriend ng ka-trabaho ko may-ari non."

"Talaga Ate?!"

AK: "Paulit-ulit Jam? Oo nga. Eto nga nag-offer sya sakin na baka daw gusto natin mag-family bonding don. Nakwento ko nga kasi na pupunta kayo dito."

M: "Sige sige Nak, tara!"

"Wow mother-earth. Wala man lang pa-keme. Yung gamit nga natin di pa handa pang-outing e"

M: "Madali na yon. Tara na umuwi at mag-handa ng gamit."

AK: "Taraaa! May malapit din namang pamilihan doon, dun na tayo mamili ng mga pagkain."

___

Dali dali kaming namili sa palengke.

Paano naman tong si Ate, ngayon lang sinabi, e di sana yung iginala naming tatlo kanina ay pinang-swimming na lang. Di bale, madami naman akong napamili. HAHAHA. Minsan lang naman kasi to, tsaka madalang ako humingi ng gamit o pera sa mga Mame.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa beach resort na pagmamay-ari ng kaibigan ni Ate.

Ang asawa ni Ate na si Kuya Edwin ay nag-iihaw ng barbecue.

Book 1: Second Chance (Tagalog)Where stories live. Discover now